487 Wala akong planong magka-anak

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mula nang pinili niyang maging masunurin matapos na mamuhay siyang muli, mas naging marahan si Si Ye Han sa kanya na nakalimutan niya na ang totoo niyang ugali, lalo na simula ng nalaman na may anim na buwan na lang siya para mabuhay.

Sa sandaling ito, biglang nagising si Ye Wan Wan sa mga masasamang alaala kay Si Ye Han...

Nakakatakot, malupit, baliw...

Isang malibog na gusto magkontrol...

Matagal nang hindi umaakto si Si Ye Han ng ganyan. Bakit bigla siyang naging ganito?

Wala namang nangyari ngayon na ikakagalit ni Si Ye Han. Bagkus, naging maganda nga ang takbo ng araw ngayon...

Sa ganitong kalagayan ni Si Ye Han, hindi na nagtangka pang maglaban ni Ye Wan Wan.

Kung hindi, mapupunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya.

Hinanda niya na din ang sarili niya dito nang mapagdesisyunan niyang hindi na siya susuway at pupukawin ito.

"Wan Wan..."

Bulong ng lalaki sa kanyang tenga.

Kakaibang kayamuan ito sa nakasanayan niyang malalamig na kilos.

Umigting ang mga laman-loob niya sa kaba, kinilabutan na lang siya sa marahang pagbulong nito.

"Naalala mo ang sinabi ko?"

"A...ano…" takot ni Ye Wan Wan.

"'Wag kang maniwala sa kanya."

'Wag maniwala kanino…?

Gulong-gulo ang isip ni Ye Wan Wan. Matagal siyang nagambala bago pa makatugon sa mga sinabi ni Si Ye Han.

Ang ibig niyang sabihin: 'wag paniwalaan ang mga sinasabi ni Si Xia...

Naalala niya matapos siyang mamuhay muli, si Si Xia, na walang anumang relasyon sa kanya, ay bigla na lang naging malapit sa kanya at iyon din ang oras na sinabihan siya ni Si Ye Han na 'wag maniwala kay Si Xia.

Hindi na masyadong pinag-isipan pa ni Ye Wan Wan ito, at nakaramdam na lang ng kaligtasan kay Si Ye Han.

May nagsasabi sa kanya na kung sinuman ang gustong manakit sa kanya sa mundong ito, hindi 'yon magiging si Si Ye Han.

Tumango si Ye Wan Wan. "En, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko."

Tila bang namamasa-masa ang mga mata ni Ye Wan Wan. Unti-unting napawi ang galit sa katawan ni Si Ye Han sa mga tingin ni Ye Wan Wan at nag-umpisa na din maging malinaw ang mga mata nito...

Para bang dumaan si Si Ye Han sa isang matinding digmaan. Unti-unti nang kumalma ang mukha niya at naging mukhang pagod ang itsura nito...

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan nang mapansin pumikit si Si Ye Han...

Bakit natatakot si Si Ye Han kay Si Xia?

Biglang naisip ni Ye Wan Wan ang totoong mastermind na nakatago sa mga Si.

Nanaliksik siya sa mga matatanda at mga iba-ibang makapangyarihang pangkat sa mga Si, pero wala pa din siyang lead.

'Yung mastermind ba… konektado kay Si Xia?

Isa sa mga supling si Si Xia na may karapatan sa mana, kaya hindi din imposible na gusto niyang makipaglaban para sa pagiging master. Magkasalungat nga ang relasyon ni Si Xia at Si Ye Han na parang apoy at tubig.

Naramdaman lang ni Ye Wan Wan na hindi tipo ng tao si Si Xia na kayang saktan ang old madam...

Sa naisi, biglang napagtanto ni Ye Wan Wan na puno ng mga isyu ni Si Ye Han ang utak niya.

Plano niya lang na pansamantala niyang aalagaan si Si Ye Han at antayin ang araw na mawalan ng interes sa kanya at may tsansang umalis, pero nang hindi namamalayan, nakita niya ang sarili na mas naging sangkot sa kanya.

Sa kalituhan, biglang umabot sa tenga niya ang boses ng lalaki: "Umaasa si lola na magkaka-anak tayo…"

Matapos marinig ang sinabi ni Si Ye Han, namulat ang mata ni Ye Wan Wan sa gulat.

A...ano? Anak?

Hindi pa nga kami kasal - paano siya nakarating sa ideyang magkaroon ng anak?

Napansin ni Si Ye Han ang paninigas ni Ye Wan Wan at bumalik sa pagiging malamig ang tono niya: "'Wag kang mag-alala, wala akong intensyon."

avataravatar
Next chapter