708 Unang transaksyon sa araw na ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa wakas, natapos din ang eksena.

Hanggang sa sumigaw na ang direktor ng 'cut', naglalaban pa din ang dalawa. Masasabi na din na sobrang dedikado sila sa trabaho nila.

Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung nagkakamali siya, pero pakiramdam niya na matagal nang pinipigilan ng dalawang taong ito ang pagnanais na kalabanin ang isa't isa.

Sobrang natutuwa si Song Jin Lin sa resulta. Ngumiti siya kay Zhong Hua at sabi, " Hindi na masama, maayos nilang naisagawa ang kanilang mga galaw at emosyon. Saan mo nakita ang dalawang taong 'to?"

Malawak ang ngiti ni Zhang Hua at tumugon, "Ha, hindi ako 'yon kundi si direktor Ye. Pambihira siya! Sinabi ko lang sa kanya at dinala niya na ang dalawang ito sa akin - ang galing niya!"

Gulat na tumingin si Song Jin Lin kay Ye Wan Wan. "Pasensya na sa abala, direktor Ye."

Maganda ang pakiramdam niya kay Ye Bai - kahit na bata pa si Ye Bai, masyado siyang maselan, hindi mayabang o mayamot at maaasahan din ang mga dinala niyang artista dito.

Syempre, hindi na siya magkokomento pa kay Gong Xu na taliwas dito.

"Direktor Song, masyado kang magalang. Maliit na bagay lang."

Tumango si Song Jin Lin bago magtanong, "Malapit nang matapos ng 'Terrifying Dragon 2' - may mga plano ka ba para kay Luo Chen?"

Umarte lamang ng dalawang teleserye si Luo Chen magmula ng debu niya - ang "Terrifying Dragon 1" at "Terrifying Dragon 2". Dahil sa "Terrifying Dragon 1" kaya siya biglang sumikat habang ang "Terrifying Dragon 2" ay tinulungan siyang makabalik ng maayos. Mahalagang hakbang ang kanyang ikatlong palabas dahil dito matutukoy kung magkakaroon siya ng maayos na kalagayan sa industriya, kaya nag-iingat si Ye Wan Wan dito.

Base sa tono ni Song Jin Lin, mukhang mayroon siyang plano para kay Luo Chen.

Kaya naman, buong tapat na sumagot si Ye Wan Wan, "May mga script akong hawak ngayon, pero sa kasamaang palad, walang nababagay. Hindi importante kung patok o makalikom ng madaming manonood ang kanyang susunod na palabas, pero dapat maganda ang husay niya sa kanyang pag-arte at ang opinyon ng publiko. Ayoko lang na maging sikat na Internet celebrity lang si Luo Chen; masasayang lang ang talento niya."

Puno ng pagkamangha ang mukha ni Song Jin Lin. "Maswerte si Luo Chen na mayroon siyang manager na katulad mo. Kung ibang tao 'yan, baka kunin nila ang tsansa na makakuha ng mga assignment na mahahawakan nila kapag naging patok ang seryeng ito, tatanggap ng mga panget at masagwang mga pelikula at sasayangin lang ang talento ng bata! Madami na akong nakitang artista na ganito!"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Dahil din sa masipag siya at talentado, kaya itataya ko ang lahat sa kanya. Hindi ako magtatangkang gawin 'yon kapag ibang tao 'yon; tutal, lahat kailangan ng pangkabuhayan."

Nang marinig iyon, naramdaman ni Song Jin Lin na praktikal si ye bai at ngumiti. "Paano kung ganito? Para sa susunod na serye ni Luo Chen, bakit hindi mo nalang muna dahan-dahanin at mag-antay ng balita mula sa akin? Naghahanda ako ng bagong serye at parang naangkop ang bidang lalaki sa kanya…"

Kung naglakas-loob si Song Jin Lin na sabihin ang ganitong bagay, ibig sabihin ay may 70% na tsansa si Luo Chen na makuha ito.

Bahagyang kuminang ang mata ni Ye Wan Wan at agad niya itong pinasalamatan, "Nagpapasalamat ako kay direktor Song alang-alang kay Luo Chen. Aantayin namin ang balita niyo!"

Mahusay ang amo sa pagbibigay ng mga sahod - nang tapos na ang kanilang shooting, natanggap ng tatlo ang kanilang bayad at bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng isaang daang dolyar. Dahil sa nagsumikap at magaling ang ginawa ng deboto at ng cross-dresser, masaganang binigyan pa sila ng amo ng isa pang pulang pakete na may isang daang dolyar pa.

Sabik na inangat ng tatlo ang kanilang sahod.

"Naka… nakagawa tayo ng pera! Sa wakas, ang unang transaksyon natin sa araw na ito!"

"Bakit hindi na lang ibahin ng kawawang debotong ito ang kanyang karera at maging artista na lang?"

Nang makita na papalapit na si Ye Wan Wan, pinigilan siya ng deboto at nagbago ang ugali. Naging magiliw siya at sabing, "Eh, boss, may sasabihin ako sa 'yo!"

"Ano iyon?" napatigil si Ye Wan Wan sa kanyang mga yapak at nilingon ang tatlo.

avataravatar
Next chapter