571 Umuwi ka na lang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Miss Wanwan!"

Pinagpawisan si Xu Yi nang makita niya si Ye Wan Wan na sumugod patungo sa ring, nagulat rin ang ibang mga bodyguards.

"Pasensya na… guro…" mahigpit na diniin ni Eleven ang kamao siniya yumuko siya.

Sumimangot si Ye Wan Wan at tinulungan niyang tumayo si Eleven. "Ako dapat ang manghingi ng tawad sayo."

Hindi niya naturuan ng maayos si Eleven dahil kakaunti pa lang din ang kaalaman niya at hindi niya alam ang nakaraan ni Eleven.

Naramdaman niyang hindi siya karapat dapat sa titulong guro.

Naramdaman ni Yuan Sheng na wala siyang maramdaman ng biglang sumakit ang kanyang pupulsuhan, biglang binalot ng kadiliman ang kanyang mga mata.

Totoo ang sabi-sabi nila - malakas pala talaga ang babaeng ito.

Tumayo si Yuan Sheng at nagsalita siya na walang pakialam, "'Wag ka sanang magalit, Miss Ye. Ang ring na ito ay para sa kompetisyon ng mga Dark Team bodyguards; hindi ito bar na pwede mong suwayin ang rules."

Nainis din ang ibang mga bodyguards nang narinig nila ang sinabi ni Yuan Sheng - kompetisyon nila ito. Hindi siya pwedeng umentra sa kompetisyon at manggulo kahit pa mistress siya ng sambahayan. At saka, wala pa sa posisyon na iyon si Ye Wan Wan.

Tiningnan ng masama ni Ye Wan Wan si Yuan Sheng at manhid siyang sumagit, "Rules? Kung hindi ako nagkakamali sa narinig ko, ikaw ang nag-imbita sa akin dito sa taas at sinusunod ko lamang ang kagustuhan mo. At kung labag man ito sa rules, hindi ba't ikaw dapat ang responsable sa pagkaka-akyat ko dito?"

Mabilis na sumagot si Yuan Sheng, "Kailan ko sinabi na…"

Kaya napahinto siyang magsalita dahil may natandaan siya.

Mukhang… sinabi ko nga iyon...

Punyeta, sinabi ko iyon habang ginagalit ko si Eleven. Ginamit niya ang oportunidad na iyon para kalabanin ako.

Natuliglig ang isipan ng ibang mga bodyguards at litong-lito silang nagtinginan sa isa't isa. Wala silang laban sa babaeng ito dahil lohikal ang paliwanag niya.

Tinulangan ni Bulol na lumabas ng ring si Eleven. Hindi nagpatumpik-tumpik pa si Ye Wan Wan at tinitigan niya ng masama si Yuan Sheng at sinabi, "Dali, atakihin mo ako!"

Ngumisi si Yuan Sheng. "Hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko kayang bayaran ang pinsala na kahit 10,000 beses pa ay hindi ko kakayaning bayaran kapag sinaktan kita! Hindi ko kayang dalhin ang responsibilidad!"

Walang bahid ng emosyon ang mukha ni Ye Wan Wan. "Duwag ka pala eh, umuwi ka na!"

"Ikaw…"

Nabalisa si Yuan Sheng at binalot ng galit at pangungutya ang mukha niya.

Walang utak ang babaeng ito. Siya na nga ang nagdala sa sarili niya sa sitwasyon na ito, siya pa ang may ganang magmalaki.

Katulad siya ni Eleven, nainis kaagad siya sa kaunting pangungutya ko lamang.

Tama nga na ang basura ay makakagawa lamang ng isa pang basura.

Nainis ang mga guwardiya sa ilalim ng ring nang marinig nila ang ignorante at aroganteng mga salita ni Ye Wan Wan.

"Bobo ba ang babaeng ito? Lahat ng tao sa bar ay napasuko niya noon, oo - pero sa tingin niya ba na isa na siyang invincible kung fu master? Kumuha pa siya ng mga estudyante para hamunin ang isa sa mga malalakas na bodyguards! Ang lakas naman ng loob niya!"

"Nakatanggap siya ng maraming kapurihan kaya hindi niya alam kung ano ang katotohanan! Kaya pala ang binugbog niyang estudyante isang walang kwentang kalaban si Eleven!"

"Hindi makatwiran ang isang tulad niya! Paano siya naikumpara ng mga tao sa tulad ni Miss Ruo Xi?"

...

Bumuntong hininga si Yuan Sheng kakaiba ang tingin niya kay Xu Yi. "Housekeeper Xu, pinapahirapan ako ni Miss Ye. Ikaw na ang madesisyon kung ano nang mangyayari!"

Dumilim ang itsura ni Xu Yi at sumakit ang kanyang ulo. Nasa mahirap siyang suliranin at tiningnan niya na lamang si Ye Wan Wan bilang senyales na nanghihingi siya ng tulong.

avataravatar
Next chapter