747 Umiyak at hinimatay sa kubeta

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kakaiba ang pagkakakilanlan ng babaeng ito," sinabi ni Feng Xuan Yi.

Bumuga ng smoke ring si Nameless Nie. "Kamukha niya si Worriless Nie sa ibang aspeto, peri hindi siya si Worriless."

Mabilis na sumabad si Spray of Flowers, "Okay lang kung mangmang kami sa tingin mo, pero bobo rin ba sa paningin mo si kapitan? Kailan niya pa nakaligtaan ang mga clues? Tiningnan na namin ang pagkakakilanlan ng babaeng ito - siya ang pinakabatang apo ni Ye Hong Wei ng Ye Group, si Ye Wan Wan. Wala namang kakaiba sa pagkakakilanlan niya."

Sumagot si Feng Xuan Yi, "Inimbestigahan ko na rin siya at walang mali sa kanyang pagkakakilanlan."

"Leche! Bakit mo nasabi na may mali sa kanya? May tama ang ulo mo, huh!"

Tiningnan ng masama ni Feng Xuan Yi si Spray of Flowers. "Sinong nagsabi sayo na walang mali sa kanya dahil wala kaming nahanap na problema sa kanya?"

Sumabad si Spray of Flowers, "Kalokohan ito! Malamang walang mali dahil wala kang nahanap na problema! Huwag kang maniwala sa walang kwentang pinagsasabi niya - tamad lang yan!"

Gumatong pa ang deboto, "Tama, gusto niya lang makalibre ng inumin at pagkain dito, eh! Huwag mong lokohin ang kawawang Daoist! Mayaman ang Si family! Kapitan, tingnan mo kung gaano siya kataba ngayon!"

Tiningnan ni Nameless Nie si Feng Xuan Yi at bumulong siya, "Sigurado ka ba?"

Sumagot si Feng Xuan Yu habang hawak ng dalawang daliri niya ang sigarilyo, "Noong nakalipas na dalawang taon, may sinundan akong clue na iniimbestigahan ko sa country Z, at si Ye Wan Wan ang pokus nito. Tulad ng nalaman ni Kapitan, walang akong nahanap na mali sa babaeng ito. Noong una, aalis na sana ako, ngunit…"

Nameless Nie: "Ngunit ano?"

Feng Xuan Yi: "Nalaman ko kamakailan lang na… interesado ako sa kakayahan ng babaeng ito…"

Nagreklamo si Spray of Flowers. "Lecheng yan! Kapitan, maliban pa sa kagustuhang lumamon ng tamad na ito, ginagamit niyang rason ang trabaho niya para makakuha ng mga babae!"

Nagmuni-muni ang deboto, "Nangunguha ba talaga siya ng babae o inaasam ang kanyang kamatayan?"

Alam ng lahat ang engagement ni Worriless Nie at Ji Huang; sino naman ang tao na walang takot sa kamatayan, ang magbibigay ng green hat kay Jing Huang…?

Patuloy na nagsalita si Feng Xuan Yi at hindi niya pinansin ang mga pinagsasbai nila. "Mahusay na makipaglaban ang babaeng ito. Kahit na kakaunti lang ang lamang ng lakas niya sa mga walang kwentang guwardiya ng Dark Team, may kakayahan siyang idiskubre ang kahinaan ng isang tao sa isang tingin lang - kaya kakaiba talaga ang babaeng ito. Sa tingin mo, ang isang ordinaryong missy na tulad niya ay may kakaibang kakayahan at matalas ang pag-iisip, ang magtuturo sa Dark Team ng Si family? Paani naging normal iyon..."

Inamin ni Feng Xuan Yi ang mga detalye ng kanyang imbestigasyon sa kanilang lima. Wala silang masabi kay Feng Xuan Yi.

Tinatago nila ang kahit anong balitang tungkol sa Si family. Kung hindi dahil sa mga detalyeng isiniwalat ni Feng Xuan Yi, hindi nila malalaman na ang munting babae na ito ay may kakaibang kakayahan pala sa pakikipaglaban.

Nameless Nie: "Masasabi na isa siyang demonyo dahil sa abilidan na meron siya."

Ngumiti si Feng Xuan Yi. "Tama."

Hindi kumbinsido si Spray of Flowers. "Basura lang naman ang tinalo niya, 'di ba? Anong meron dun…"

Deboto: "Posible na sumailalim siya sa isang espesyal na pagsasanay, pero parang malayo na maging konektado siya kay big missy…"

Habang nag-uusap sila, may message notification ang nag-ring sa selpon ng isa sa kanila.

Paubos na ang sigarilyo ni Feng Xuan Yi, "Sa madaling salita, gawin niyo ang gusto niyong gawin. Huwag lang kaying haharang sa plano ko."

Panandaliang nanahimik si Nameless Nie at tiningnan niya si Spray of Flowers at ang iba. "Sa ngayon, magkukunwari tayo na hindi natin kilala si Feng Xuan Yi. Huwag mo kaming ilalantad, lalo ka na Spray of Flowers - naiintindihan mo ba ako?"

Biglang umiyak si Spray of Flowers at hinimatay siya sa kubeta. "Kapitan! Bakit ang lupit mo naman sa akin?! Kakabalik lang ng bulol na ito tapos naging masama ka sa akin! Kabit mo ang bulol na ito, huh!" *sob sob sob*

Deboto: "Ay, huwag mong ibahin ang usapan. Ang pinakapunto ng usapan na ito ay ang pera… ang pera…"

avataravatar
Next chapter