1122 Uminom si Miss Wan Wan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Si Ye Han ang anak niya. "..."

Ang batang ito na kanina'y nagrereklamo sa kanyang daddy, ay napagtanto niya na nakalimutan niya ang kanyang misyon kaya napatikom na lamang siya dahil bigla siyang nadismaya sa kanyang sarili.

Lalong lumiwanag ang mukha ng bata dahil naalala niya ang phone call nila ng mommy niya...

Seryosong nagsalita ang batang lalaki, "Sinabi ni Mommy na konti lang daw ang iinumin niya. Alam ni mommy ang limitasyon niya. Ayon sa libro, okay lang daw kung konti lang ang pag-inom ng alak."

Binaba ni Si Ye Han ang mga dokumento na nasa kamay niya dahil biglang sumakit ang ulo niya.

Natural, magiging okay lang siya...

Kinakatakot ko ang mangyayari sa mga taong nakapaligid sa kanya...

Pagkatapos ng ilang saglit, pinuntahan nila Xu Yi, Feng Xuan Yi, Eleven at ang grupo ng mga lider si Si Ye Han upang ibigay ang weekly reports nila.

Naghandang umalis ang grupo ng mga taong pumunta doon pagkatapos nilang sabihin ang mga reports nila, ngunit bigla silang pinigilan ni Si Ye Han.

Si Ye Han: "Saglit lang."

Biglang napahinto sila Xu Yi, Eleven at ang iba.

Tinanong siya ni Xu Yi, "May kautusan ka ba, 9th master?"

"Kayong lahat, sasamahan niyo ako kapag susunduin ko si Wan Wan mamaya," sabi ni Si Ye Han.

"Opo, 9th Master!" Sagot ni Xu Yi, ngunit bigla siyang nanahimik nang marinig niya ang sinabi ni Si Ye Han na "kayong lahat."

Xu Yi: "Ilan po sa amin ang kailangang sumama sa inyo?"

Si Ye Han: "Kayong lahat."

Nagulat si Xu Yi. "Kaming lahat ay sasama sayo?"

Si Ye Han: "Oo."

Xu Yi: "…"

Nagtinginan ang mga bodyguards sa isa't isa. Hindi ba't sobra na kung lahat sila ay sasama sa kanya?

Hindi nila kinwestyon ang kautusan sa kanila ng kanilang master kahit na nangangamba sila. Naisip lang nila na baka nababaliw lang siya kay Miss Ye.

Sa oras na iyon, maririnig ang mga hakbang ni Tang Tang habang pababa siya ng hagdan. "Daddy, gusto kong sumamang manundo kay Mommy!"

Pinagpawisan ang lahat nang tawaging "Daddy" ng batang ito si Si Ye Han, kahit na sinabihan na sila ni Xu Yi tungkol sa pagkakakilanlan ng batang ito.

Sa loob ng pangkat ng mga tao, tahimik na tinitigan ni Fen Xuan Yi ang bata nang marinig niyang tinawag nitong daddy si Si Ye Han.

Tinitigan ni Si Ye Han ang batang lalaki. "Nakalimutan mo ba ang sinabi ni Mommy?"

Tumingin sa baba si Tang Tang. "Sinabi ni Mommy na kailangang matulog ni Tang Tang… kaso, ngayong gabi… iinom kasi si Mommy. Babae si mommy kaya hindi ligtas kung uuwi si mommy ng lasing! Gustong sunduin ni Tang Tang si Mommy!"

Nagulat ang mga bodyguards nang marinig nila ang mga lumabas na salita sa bibig ng bata. Hindi sila makapaniwala habang nakatingin sila sa batang ito. 

Bakit?!

Iinom si Miss Wan Wan???

Parang may bagyong pumapalibot sa buong sala. Ang bawat isa sa kanila ay gulat na gulat.

"Anong nangyayari, Steward Xu? Bakit iinom si Miss Wan Wan? Hindi ba't pinagbawal na siyang uminom ni Master? Bakit siya iinom?!" Pabulong na tinanong ni Eleven kay Xu Yi.

"Tama, Steward Xu! Bakit umiinom si Miss Ye?!"

"Bakit siya pumayag si Master na pa-inumin si Miss Ye?"

Lumapit ang lahat kay Xu Yi na parang mga langgam. Kahit si Xu Yi ay nagulat rin. "Paano ko malalaman?! Ang alam ko lang ay pupunta sa party si Miss Wan Wan dahil ngayon ang selebrasyon ng pagtatapos ng filming ng kanyang pelikula…"

Paano ko malalaman na papayagan siya ni 9th master na uminom?!

Kaya pala… kaya pala kumukuha siya ng maraming tao na manunundo kay Miss Wan Wan!

Siguro natatakot siya na baka mababaliw si Miss Wan Wan kapag naka-inom ito. Sino bang makakapigil sa kanya? Baka sakali lang na may mangyaring masama kaya pinapadala niya ang mga tauhan na ito?

Please! Hindi namin siya kayang pigilan okay...

Buhay na namin ang aming binubuwis kapag sumama kami sa kanya!

Sa huli, ginawa ni Tang Tang ang pinangako niya sa kanyang Mommy at umakyat na lamang siya upang matulog.

Walang nagawa si Xu Yi, Eleven, Feng Xuan Yi at ang iba pa, kundi sundin ang kanilang Master na para bang nawala ang kanilang mga kaluluwa habang papunta sila upang sunduin si Miss Wan Wan...

avataravatar
Next chapter