441 Umani ng benepisyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Si Ming Li na puno ng galit dahil sa nangyari sa binti ng anak niya, ay biglang nagbago ang itsura nang marinig niya ang sinabi ng ahente. Bigla siyang napatayo af sinabi, "Anong sinabi mo? May malalang sakit na si Si Ye Han? At tatagal na lang ng anim na buwan ang buhay niya?"

Kahit si Si Yi Jie at napatigil sa kaka-angal at kumuha siya ng lakas para ikutin ang kanyang ulo. "A-ano? Mamamatay na si Si Ye Han? Talaga? Hindi mo ba pinepeke ang impormasyon na iyan?"

Tinitigan ni Si Ming Li ana ahente. Naging seryoso ang kanyang itsura at tinanong niya ng malalim ang kanyang boses, "Maayos naman ang pangangatawan ni Si Ye Gan - bakit bigla siyang nagkasakit at nakakamatay pa ang sakit niyang iyon? Sigurado ka ba na totoo ang impormasyon na ito?"

Sigurado ang tono ng boses ng agente: "Master, isang importanteng piraso ng impormasyon ito. Sasabihin ko ba ito sa inyo kung hindi ko muna inalam na totoo ito? Binigyan ko ng maraming pera ang isa sa mga alalay ni Dr. Sun para makuha ang impormasyon na ito! Totoo ang sinasabi ko!"

"Ang totoo niyan, laging bumibisita si Dr. Sun sa lumang residensya ng Si sa mga taon na lumipas, para daw sa routine check-up na para pala ito kay Si Ye Han at ang malala niyang sakit kaya matagal na siyang binibigyan ng gamot para sa sakit niya! Hindi siya hinimatay sa country B dahil lamang napagod siya - hinimatay siya dahil kumalat na pala ang sakit sa buong katawan niya!"

"Pagkatapos umalis ng mga matatanda sa lumang residensya, pumunta agad si Dr. Sun para i-eksamina si Si Ye Han. Nalaman niya na halos anim na buwan na lamang ang itatagal ni Si Ye Han dahil malala na ang kanyang sakit!"

Unti-unting naniwala si Si Ming Li sa sinabi ng pinagkakatiwalaan niyang ahente. Naglakad lakad at nilibot niya ang kwartong iyon habang nag-iisip, napahinto siya nang biglang may umangat sa kanyang isipan, "Wala na bang gamot sa kanyang sakit?"

Napaisip ang ahente at sumagot, "Medyo mahina ang loob ng disipulo ni Sun Bai Cai; wala siya masyadong ipinaalam na detalye at hindi niya pinalalim ang impormasyon tungkol sa sakit ni Si Ye Han, pero dahil binigyan na ng babala ni Dr. Sun si Si Ye Han, wala nang kahit anong medisina ang magpapagaling sa kanya! Kung hindi siya kayang pagalingin ni Dr. Sun, sino pa ang makakatulong sa kanya?"

"Tama ka…" tumango si Si Ming Li.

"Ha… hahaha… mamamatay na rin pala si Si Ye Han?" Ang kaninang umaangal na si Si Yi Jie ay biglang humagakhak sa sobrang tawa. "Higanti! Paghihinti ito! Pa, kapag namatay na si Si Ye Han, 'wag mong kalimutan na ibigay ang babae niya sa akin!"

Makikita ang bakas ng kalibugan sa mata ni Si Yie Jie nang magsalita siya: "Sabi nila ba mas maganda pa sya kaysa sa pinaka-magandang babae sa Imperial City na si Lin Qing Ran! Gusto ko siyang makita - maganda ba talaga siya? Pagkatapos ko siyang paglaruan, papatayin ko na siya… hng…"

Hindi pinansin ni Si Ming Li ang anak niya, abala niyang iniisip ang tungkol sa balita kay Si Ye Han.

Simula nang naging master si Si Ye Han. Binago at kontrolado niya ang buong Si family na parang bakal na timba at dahil dito, maraming pera ang ikinalugi nila.

Hindi pa man buhay si Si Ye Han, parati nang gumagawa ng gulo si Si Ming Li sa buong Si family; pero nang mabuhay si Si Ye Han at naging master siya, naging magulo ang isip ni Si Ming Li sa kanya.

Magandang balita para sa kanila kung hindi na talaga tatagal ang buhay ni Si Ye Han!

Masusing siniyasat ni Si Ming Li ang pinagkakatiwalaan niyang ahente para maintindihan pa ang tungkol sa balita. Pagkatapos nito, naglakad siya sa gitna ng kwarto at bigla siyang may tinawagan sa kanyang phone.

"Sir, nakakuha ako ng balita na may nakamamatay na sakit na si Si Ye Han at hindi na tatagal ng anim na buwan ang kanyang buhay!"

"Opo, kumpirmado ko na. Totoo ang impormasyon na iyon. Ngayon, gagawin na ba natin ang…?"

"Gusto mong… pahintayin muna natin ang ating tropa at ikalat muna ang balitang ito?"

"Opo… opo… naiintindihan ko! Maganda plano iyon sir! Pagkatapos nating ikalat ang balita, hahayaan muna nating magkagulo at mag-away ang ibang mga tao tapos aanihin natin ang benepisyo!"

"Isang impokritang babae lang iyon na puro paganda lang ang alam. Hindi ba masyado kang nag-iingat sa isang hamak na babaeng iyon?"

"Opo… magiging maingat ako…"

...

avataravatar
Next chapter