838 Umangat ang lebel ng kakayahang manuyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa huli, nang hahalikan na siya ni Ye Wan Wan, talagang tinagilid ni Si Ye Han ang knayang ulo at iniwasan ang kanyang halik.

Mayroong isang patong ng yelo sa kanyang mga mata. Sa halip na galit, ito ay parang walang magawa at pagkainis.

Bumagsak ang mukha ni Ye Wan Wan ng hindi niya ito nahalikan. Saka galit niyang sinabi, "Eh di sige! Si Ye Han, sino kaba sa tingin mo?! Paano mo ako natatrato ng ganito?! Alam mo sobrang nakakapikon ka?!"

Kahit na pinaalis ni Ye Wan Wan ang lima, si Xu Yi at ang dalawa ay hindi masyadong lumayo dahil sila ay nag-aalala.

Sila ay nagtago sa isang gilid sa kalayuan. si Eleven, na may malakas na pandini, narinig ang sinabi ni Ye Wan Wan at nag panik. "Oh dear, oh dear, nag-aaway sila…"

Nanigas si Xu Yi. "Hindi maaari? Alam ni Miss Wan Wan kung paano tignan ang sitwasyon. Alam din niya kung paano suyuin ang 9th master - bakit siya ang nagsisimulang mangaway sa kanya?"

Sumasakit ang ulo ni Eleven at sinabi, "sa ilalim ng naturang pangyayari, wala itong silbi kahit na suyuin pa niya si Si Ye Han, diba?"

Balisa si Xu Yi. "Anong dapat nating gawin…"

Tulad ng inaasahan, matapos makinig sa sinabi ni Ye Wan Wan, naging hindi maganda ang emosyon ni Si Ye Han at ang kanyang tono ay kasing lamig ng yelo. "Anong sinabi mo?"

Nagbato ng babala si Ye Wan Wan sa hangin. Tiniklop niya ang kanyang manggas at sumabog sa galit. "ANG SABI KO! Sino ka sa tingin mo?! Dahil ba ikaw ay medyo gwapo, mahaba ang biyas at mataas ang IQ, at napaka kumportableng yumakap, umaasa ka lang sa katotohanan na gusto kita, nahulog para sayo, at nahulog ng grabe na wala akong maramdaman kahit na tumayo ang hubad na lalaki sa harapan ko…"

Si Ye Han: "…"

Ilang distansya ang layo…"

Nagulat si Eleven. "Kahanga-hanga…"

Talagang gumana?

Habang sila ay malayo, hindi naririnig ng malinawni Xu Yi ay pilit na inalam, "ano ang sitwasyon? anong sinabi ni Miss Wan Wan, anong sinabi niya? Bakit parang nakakatakot pa din ang kapaligiran?"

Tumingin si Eleven kay Xu Yi ng may pagkakumplikado. "Housekeeper Xu, hindi mo gugustuhing malaman."

Tumango din si Feng Xuan Yi.

Xu Yi: "…"

Sige, may kutob na ako na mabubusog ako sa dog food….

"Ikaw…" Hindi makapagsalita si Si Ye Han.

Galit pa din si Ye Wan Wan at walang tigil sa pagrereklamo. "Ayoko sayo - hindi mo ba alam kung gaano ka kaakit-akit at kahanga-hanga? Bakit ka nagiging seloso tulad ng ibang tao?"

Pinisil ni Si Ye Han ang tulay ng kanyang ilong. "Tumahimik."

Sobrang galit si Ye Wan Wan. "Hindi, gusto ko magsalita!"

Sa sumunod na sandali, tumigil magsalita si Ye Wan Wan at ang kabuuan ng kanyang salita ay nagtagal sa kanyang labi...

Tinakpan ng kanyangg labi ang manipis na labi ni Si Ye Han. Ang kanyang matalim na ngipin ay kumuskos sa kanyang malambot na labi saka niya malupit na binaba, sumisiklab sa galit sa pagitan ng nangangalit namga ngipin.

Mula sa nakaraan hanggang ngayon… lagi… lagi akong ganito...

Hindi ko kailanman siya binigyan ng paraan...

Ngumisi si Ye Wan Wan. "Akala ko hahalikan mo ako~ nagsasabi ako ng totoo, okay? Bakit hindi mo ako hayaan magsalita? Sa mundong ito, ikaw marahil ang tao na may pinaka kaunting posibilidad na magkaroon ng kahit anong koneksyon sa salitang 'selos,' ngunit sa huli…"

Mula sa lalaki hanggang sa babae, mula sa tao hanggang sa hayup, lagi kang nagseselos o nag

Kamangha-mangha...

"Ang puso ng lalaki ay parang isang karayum na nasa ilalim ng dagat" - hindi ko alam ang ibig mong sabihin...

Hindi naalis ang nandidilim na mata ni Si Ye Han sa galit na babae at nalilitong munting mukha...

Dahil ikaw iyan.

avataravatar
Next chapter