246 Ultimo singko wala akong ibibigay sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nakakuha ka ba ng tawag sa korte?" sagot ng malamig na boses ng tatay.

"Ako si Fei Yang, ang manager ni Han Xian Yu. Sabihin mo sa akin kung magkano ang presyong gusto mo; ibibigay namin ito basta't sabihin mo ang totoo sa harap ng media!" Sinimulang mag-record ni Fei Yang habang sinusubukan niyang ilabas ang katotohanan bilang ebidensya.

Biglang nanahimik ang tatay nang marinig niya ang sinabi ni Fei Yang, ilang saglit lang binalot ng kumukulong galit ang kanyang boses, "G*g*! Anong pinagsasabi mo? Paedophile si Han Xian Yu; malibog siya! Hindi niya matatakasan ang pagiging immoral niya kahit pa limpak-limpak ang kanyang pera; malaya siyang ibaliktad ang katotohanan sa lahat!"

Sino ba sa kanila ang tunay na bumabaliktad ng katotohanan?

Naintindihan na ni Fei Yang kung bakit nagwala si Han Xian. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot, "Zhao Da Yong, noong nagkasakit ang anak mo, si Han Xian Yu ang sumagot ng mga bayarin. Bakit mo siya inaakusa nang ganyan, hindi ka ba nakokonsensya?"

"Dahil binayaran ni Han Xian Yu ang medical bills, papayagan ko na siyang halayin ang anak ko?"

"Ikaw…" Hindi inasahan ni Fei Yang na walang hiya pala ang taong ito. Nabigo siyang mailabas ang katotohanan galing kay Zhao Da Yong at umaarte pang nag-iinit sa sobrang galit at nagmamatigas.

"Ginamit ni Han Xian Yu ang anak ko para pakainin ang kanyang tawag ng laman; G*g* siya!"

Kinuha ni Han Xian Yu ang phone galing kay Fei Yang, malinaw niyang sinabi ang bawat letra ng sagot niya, "Eto ang sasabihin ko sayo, walang kwenta kung idedemanda mo ako. Ultimo isang sentimo hindi kita bibigyan!"

Ngumisi ang tatay, "Sige, dahil hindi ka nagsisisi sa mga ginawa mo, tingnan natin kung anong mangyayari!"

...

Nang iniwan ni Ye Wan Wan sila Chu Feng at Jiang Yan Ran para umuwi, tiningnan niya ang kanyang inbox.

Ang huling message sa inbox niya ay ang kanyang text sa kuya niya kung magkikita ba sila; ngunit walang reply ang kanyang kuya.

Kumulot pataas ang labi ni Ye Wan Wan habang kumislap ang apoy sa kanyang mata. Gusto mo talagang ubusin ang pasensya ko?

Kalmadong nagtext ulit si Ye Wan Wan sa kanya: [Pag hindi mo ako tinawagan sa loob ng sampung minuto, isesend ko ang video mong nakikipagtalik sa mga magagandang babae at sikat na mga models sa email inbox ni Shen Meng Qi!]

Pagka send niya ng text, nakatayo lang sa isang lugar si Ye Wan Wan at nagbilang sa kanyang isip: 1, 2, 3, 4, 5, 6...

Pakabilang niya ng "9", nag-ring ang phone niya at lumabas sa screen ang mga letrang : "Ang walang kapantay na pinaka gwapong lalaki sa buong mundo"; napatalon siya sa sobrang gulat.

Dahan dahang inangat ni Ye Wan Wan ang phone, "Hello?"

"Huwag mong susubukang gawin iyon Ye Wan Wan!!!" lumabas ang nahihiyang boses ni Ye Mu Fan.

Natawa si Ye Wan Wan, "Oh, buti may oras ka nang sumagot sa tawag ko? Bakit, sa tingin mo hindi ko gagawin 'yon? Hindi ba kayang gawin ng tulad ko ang kahit ano?"

Kinaskas ni Ye Mu Fan ang ngipin niya, "Paano mo nakuha ang videoclips na iyon?!"

"Wala namang nag bawal sa akin kaya pasikreto ko itong kinuha, hindi ba pwede?"

"Mahalay ka Ye Wan Wan!" Sumigaw si Ye Mu Fan at ilang saglit ay bumalik siya sa katinuan."Wag mo akong tatakutin! At alam na ni Meng Qi ang nakaraan ko, kaya wala siyang pakialam kung mapanood niya man ito!"

Magsasalita na dapat si Ye Wan Wan kaso napahinto siya sa maingay na boses galing sa linya ng tawag ni Ye Mu Fan, "Ay ay ay, pumusta na, pumusta na kayo! Ye Mu Fan, maglalaro ka pa ba o hindi? Kung maglalaro ka, bilisan mo at tumaya ka na; wala akong oras para maghintay sayo!"

"Oo na, 'wag mo kong madaliin! Pupunta na ko diyan, saglit lang!" sagot ng nairitang si Ye Mu Fan.

Nag-iba ang itsura ni Ye Wan Wan nang marinig ang ingay sa linya ni Ye Mu Fan, "Nagsusugal ka na naman, Ye Mu Fan?!"

avataravatar
Next chapter