333 Ugly girl Ye Wan Wan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat din si Liang Shi Han sa itsura ng babae; hindi niya inaasahang may mas gaganda pa kay Ye Yiyi, pero hindi niya pinakita ang gulat sa mukha niya.

Dahang-dahang naglakad ang babae sa mga tao. Habang naglalakad ito, madaming napasingap sa gulat.

Gayunpaman, habang sinusubukang hulaan ng lahat kung saan galing ang babae, nakita nila na naglakad siya direkta sa lamesa ni Ye Shao Ting. Nakatayo siya at pinasadahan ng tingin ang lahat ng nasa lamesa, at tumigil kay Fang Xiu Min.

Bumuka ang mapupula niyang labi at malambing niyang sinabi--

"Tama yung sinabi ni tita!"

Tita?!

Tinitigan ni Fan Xiu Min ang babae ng may takot at hinala sa kanyang mata-- sino nga ba ang babaeng 'to? Bakit bigla niya 'kong tinawag na tita niya?

Hindi lang si Fang Xiu Min at Liang Jia Hao, pero ang bawat bisita sa kwarto, ay tulirong tuliro.

"Ikaw si…"

Tinignan niya ang babae ng may pagdududa at pag-aalinlangan.

Ngumiti ang babae. Isang kaakit-akit na ngiti ang umukit sa kanyang mapulang labi at kaswal na sinabi:

"Sandaling panahon ko kayong hindi din nakita, pero nakalimutan na agad ako ni tita? Si Ye Wan Wan 'to."

Ye Wan Wan!!!

Sa isang segundo, nagulat ang lahat sa kanyang sinabi!

Anong klaseng biro 'to!

Itong magandang babaeng 'to ay ang sikat na ugly girl ng mga Ye… si Ye Wan Wan?!

Ang mga bisitang nakita na dati si Ye Wan Wan ay gulat na gulat.

Sa nakaraan, balot lagi ang mukha ni Ye Wan Wan ng makapal na make up, mukha siyang mabagsik na parang isang tomboy. Walang nag-akala na kapag inalis niya ang makapal na make up, ang totoong mukha ni Ye Wan Wan ay kabigha-bighani.

Napatigil ang lahat sa nakakagulat na sinabi niya.

"Senior… hindi ba sinabi niyo na… panget 'yong Ye Wan Wan…"

Ang maliit na preskong bata mula sa Emperor Sky ay nagising ang diwa, matapos ang gulat, tuliro siyang lumingon sa lalaking katabi niya,

"Eto…"

Hindi inalis ng lalaki ang tingin kay Ye Wan Wan. Napako siya kinatayuan niya at kumibot ang gilid ng bibig niya.

Sinong mag-aakala… na sobrang ganda ni Ye Wan Wan kapag inalis niya yung makeup?!

"Ikaw… sinungaling ka huh… Ito si Ye Wan Wan?!"

"Ito ang tinatawag nilang ugly girl ng mga Ye na nagmamahal kay Gu Yue Ze at iniwan siya nito?!" napatawa na lang ang isa sa mga bisita. Totoo nga, ang tsismis ay tsimis lang, seeing is still believing.

Ang ugly girl ng mga Ye?

Sinong niloloko mo?

Sa itsura ni Ye Wan Wan, kung panget yan edi mas mababa pa si Ye Yiyi kumpara sa kanya. Kung ituturing na panget yan… paano naman ang mga aristang babae na naglalabanan ng mga itsura sa industriya ng entertainment--ano sa kanila ang matuturing na panget?!

Sa sandaling ito, tulirong tumingin si Gu Yue Ze kay Ye Wan Wan nang may gulat at hindi paniniwala. Hindi niya inaasahan na ang magandang babae sa harap niya ay si Ye Wan Wan, na mayroong laging mabagsing makeup at damit noon.

Ngunit… sumulyap si Gu Yue Ze kay Ye Yiyi sa gilid ng kanyang mata at nakitang nakakunot ang mga kilay nito. Agad niyang itinago ang pagkahanga at umupo roon, na kunwaring kalmado ito.

"Wan Wan..."

Nang makita ang biglang paglitaw ni Ye Wan Wan, tila bang hindi pa din nagigising si Liang Wan Jun sa kanyang diwa at hindi makapaniwala sa nakikita--ang babaeng nasa harap niya ngayon ay ang sarili niyang anak.

"Mama." kinalma ni Ye Wan Wan ang sarili, ngumiti ito at tumingin sa namangha niyang nanay, at tinignan ito ng may katiyakan.

Bakas sa mukha ni Liang Wan Jun ang pagkagulat. Akala niya nagkamali siya ng dinig, pero tinawag siyang 'mama' ni Ye Wan Wan.

Namutla ang mukha ni Fang Xiu Min. Kahit na bugbugin pa siya, hindi niya mahuhulaan na ang nakakabighaning babae sa harap niya ang ay ang babaeng paulit-ulit niyang tinawag na panget, si Ye Wan Wan!

avataravatar
Next chapter