412 Tunay ngang hindi katulad ng iba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bilang malubha ang mga sugat ni Liu Ying at Song Jing, ang unang ginawa nila ng dumating sila sa Chinese border ay nagpagamot.

Kapag sila ay naging maayos na, maari na nila sa wakas alamin ang detalye ng sunod-sunod na pangyayari mula kay Eleven. 

Nag-umpisang ipaliwanag ni Eleven ang lahat habang hinarap ang mga taong sabik sa mga sagot: "Saka nga namin simahan si Miss Wan Wan sa isang ligtas na lugar, ngunit matapos naming makarating sa aming destinasyon, biglaang tumanggi si Miss Wan Wan na umalis!"

"Tumanggi umalis?" Bulong ni Xu Yi.

"Oo, kami ay galit na galit sa mga oras na iyon. Sa hotel, sa ilalim ng buhay at kamatayan na kondisyon, patuloy niyang pinipilit na dalhin ang kanyang malate na puno ng mga damit at makeup. Ang akala namin ay nagiging pasaway lang siya, pero sino mag-aakalang…"

Inalala ang pangyayari, medyo emosyonal ang tono ni Eleven ng sabihin niya iyon: "sinadya niyang dalhin ang kanyang maleta. Ito ay puno ng mga props para makapagpanggap kami bilang Rosas ng Kamatayan…"

Lumingon sila Liu Ying, Xu Yi at ang lahat ng mga bantay upang mag tinginan, naguguluhan.

Ang malaking itim na maleta na tinatrato ni Ye Wan Wan na parang bata ay talagang naglalaman ng lahat ng iyon?

Agad na nagtanong si Liu Ying, "saka ano naman ang sandata ni Black Widow, ang gintong seda?"

Kinamot ni Eleven ang kanyang ilong. *cough* "Ayon kay Miss Wan Wan, binili niya ito online sa halagang $9.90… pati ang mga damit na iyon ay pinasadya online… yamang bumili siya ng maraming piraso… nakuha niya ang mga iyon ng wholesale price… mas bababa sa $100 ang bawat piraso…"

Ang itsura ng lahat: "...."

Umasa talaga sila sa isang kumpol ng mga mumurahing props upang takutin ang nakakatakot na Murderous Blood Gang?

Kung hindi nila isinabuhay ang storya ngayon… mararamdaman talaga na para silang nakikinig sa isang fairytale…

"Ngunit paanong maraming siyang alam tungkol sa Rosas ng Kamatayan? Alam niya rin ang totoong katauhan ni K. at saka, ginawa niya ang lahat ng paghahandang ito sa simula pa lang?" isang tao mula sa grupo ang nag tanong.

Marahil ito rin ay nasa isipan ng lahat.

Ikinaway ni Eleven ang kanyang kamay. "Ito… ang hindi ko sigurado…"

Sa mga sandaling ito, ang kalahating hubad na si Song Jing na nakabalot ng bandages ay bahagyang umubo at bumulong, *cough…* "Erm, maaaring ito ay nahulaan niya ulit, diba?"

Sa kanyang mga salita, ang itsura ng lahat ay natahimik.

Sa unang araw ng pagdating nila, nahulaan ni Ye Wan Wan makakatagpo ng madugong engkwentro si Liu Ying; sa pangatlong araw, nahulaan niya na makakatagpo si Song Jing ng isang romatikong kalamidad. At saka, bago pa man bumyahe, sigurado si Ye Wan Wan na makakatagpo ang master ng mapanganib na engkwentro habang nasa kanyang byahe...

Lahat ng kanyang na hulaan, bawat isang insidente, ay dumating na.

"Kahanga-hanga! Bigla kong napagtanto na lahat ng mga nahuhulaan ni Miss Wan Wan hanggang ngayon ay talagang nangyayari…"

"Hindi ba ito medyo kapanipaniwala, ha?"

"666! Siya nga talaga ang babae ng ating master! Tunay ngang hindi siya katulad ng iba!"

Ang lahat ay nagsisigwan na sa isa't isa, ngunit siyempre, may mga taong padin na nagdududa. Paano magkakaroon ng taong kayang hulaan ang hinaharap?

Siya lamang ay isang ordinaryo at mahinang babae, kaya paano niya nalaman ang lahat ng sikreto?

Matapos marinig ang paliwanag ni Eleven at nakita ang lahat na nagdududa, winalis ni Xu Yi ang tingin sa lahat at sinabing, "hindi na mahalaga kung paanong alam ni Miss Wan Wan ang mga ito. Ang sigurado doon ay tinulungan niya tayo at niligtas ang ating mga buhay, kaya tiyak na wala siyang anumang masamang intensyon."

Ito ay totoo - kung hindi dahil sa kanya, malamang lahat tayo ay patay na...

Nawala ang pagdududa sa puso ng bawat isa, nang marinig ang sinabi ni Xu Yi.

Lalo na ang Dark Team 1, na nakaranas ng buhay at kamatayang sitwasyon kasama si Ye Wan Wan at iniligtas ang iba, wala ng anumang paghihinala pa.

Maaaring piliin ni Ye Wan Wan na protektahan ang kanyang sarili, ngunit pinili niyang maglakad ng diretso sa kapahamakan at iligtas ang iba.

Sapat na ito upang makuha ang kanilang respeto.

Ang dahilan kung bakit mas lalo pa silang humanga sa kanya ay bilang isang babae sa ilalim ng matinding hirap, siya ay mas kalmado sa kanila, gayon pa man pati sila ay nagkaroon ng pagsasanay para sa ganong kalagayan. Personal niyang pinamunuan ang mga ito upang kontrolin ang kabuuan ng sitwasyon at makatakas mula sa panganib….

avataravatar
Next chapter