1151 Tunay na pagmamahalan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

May notification na narinig sa phone ni Ye Mu Fan.

Muntikan nang mapatalon si Ye Mu Fan dahil nagulat siya. "Gong Xu, ano na naman ang pinost mo ngayon? Hindi ba't sinabihan na kita na bawal kang mag-post sa Weibo hanggang matapos ang seremonya?"

Nagmukhang inosente si Gong Xu. "Sh*t! Wala akong pinost!"

"Wala kang pinost? Eh, bakit pala yung phone ko ay nag…"

Nagulat si Ye Mu Fan noong binuksan niya ang kanyang phone. Hindi pala talaga si Gong Xu ang nag-post.

Kusang napatingin si Ye Mu Fan kay Luo Chen na nasa back seat at makikita na nagulat siya.

"Pasensya na, ako ang nag-post," sabi ni Luo Chen.

Medyo na-ubo si Ye Mu Fan. "Oo nga, nakita ko nga. Hayaan mo na, na-post mo na eh…"

Nagalit si Gong Xu nang marinig niya iyon. "Punyeta! Bakit iba ang trato niyo sa kanya?! Bakit okay lang siyang mag-post sa Weibo, pero ako bawal mag-post? Tumututol ako dito!"

Sumagot si Ye Mu Fan, "Tutol mo pwet ko! Alam mo na ba kung ano ang pinost niya?"

"Titingnan ko ang pinost ng mokong na ito!* Sabi ni Gong Xu nang binuksan niya ang kanyang Weibo sa phone niya.

Galit na hinanap ni Gong Xu ang bagong post ni Luo Chen.

Nagtaka at nagulat siya nang makita niya ang post ni Luo Chen.

Kakaunti lang ang mga salitang nakalagay sa post ni Luo Chen sa kanyang Weibo.

[Siya ang best partner ko. @Gong Xu]

Maraming kaagad ang nagkomento sa ilalim ng post noong pinost iyon ni Luo Chen.

[P*ta! Na-hack ba yung account ni Luo Chen?]

[Si Gong Xu siguro ang nang-hack ng phone no Luo Chen para i-post niya ito, tama?]

[Matapat niyang sinusuportahan si Gong Xu sa panahon na ito. Ito ay tunay na pagmamahal!]

"Wow…" parang baliw na tinitigan ni Gong Xu ang Weibo post.

Hindi niya naisip na ang kaaway at ang kinamumuhian niya na si Luo Chen, ay ipaglalaban siya sa pagkakataon na ito.

Matagal na tinitigan ni Gong Xu ang Weibo post at magula ang itsura niya. Pagkatapos ang ilang saglit, humarao siya kay Luo Chen at kanyang sinabi, "Sabihin mo sa akin ang totoo, Luo Chen– mahal mo ba ako? Nakuha ka ba ng kagwapuhan ko? Sinasabihan kita ngayon na sumuko ka na! Si Brother Ye lang ang pipiliin ko kung naging badong ako!"

Mabilis na nawala ang kaninang kaluguran na naramdaman ni Luo Chen kanina dahil kay Gong Xu. "... Ang layo na ng utak mo."

Sumabad si Ye Mu Fan. "Papatayin talaga kita kapag walang kwenta na naman ang sasabihin mo!"

"Felix, gusto mong makipaglaban?! Bakit mo ako papatayin?! Kay Brother Ye lang ako bading at hindi sayo! Bakit ka ba laging nakikipaglaban sa akin?" Hindi alam ni Ye Mu Fan na hinahamon na niya pala ang tunay niyang "bayaw."

Malakas ang dating at mayabang na lumabas ng kotse ang grupo, at bigla silang nilapitan ni Ye Wan Wan. "Ano na naman ang problema niyo ngayon?"

Umaligid si Gong Xu na parang paru-paro papunta kay Ye Wan Wan at nagreklamo siya, "Brother Ye, gusto ko lang sabihin na gusto kong maging bakla para sayo lang, pero sinabi no Felix na papatayin niya ako! Anong kinalaman niya doon?"

Ye Wanwan: "…"

Panahon na para i-anunsyo ang mga resulta at ang lahat ay hinuhulaan na ang listahan ng mga mananalo. Habang ang lalaki ito ay kabaklaan ang pinagsasabi...

Malaking kalamangan rin pala ang pagiging matigas ang ulo!

Inirapan ni Ye Wan Wan si Gong Xu bago niya tiningnan si Luo Chen. "Halika dito, Luo Chen."

Lumapit si Luo Chen kay Ye Wan Wan. "Brother Ye."

Nakasimangot na tiningnan ni Ye Wan Wan si Luo Chen. Pagod ang kanyang mukha at hindi kayang itago ng makeup niya ang pagod na nakapinta dito. Mabuti na lang, malaking tulong ang outfit at hairstyle niya, kaya hindi makikita ng mga tao ang kalungkutan sa mukha niya kahit na nakasikat ang ilaw sa kanyang mukha.

Masyadong malalim ang isip ng batang ito.

Kinausap siya ni Ye Wan Wan, "Ginawa natin ang lahat ng makakaya natin, ang langit na ang bahala ngayon. Hindi tayo madidismaya basta't ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Ang kalakasan ang pinaka-magandang pamamaraan para patikumin ang mga tao. Naniniwala ako sayo."

Lumaki ang mga mata ni Luo Chen at muntikan na siyang maluha. "Naiintindihan ko, Brother Ye."

avataravatar
Next chapter