1204 Tunay na mahusay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinubukan ni Ye Wan Wan na magbalik tanaw sa kanyang buhay noon ngunit wala siyang matandaan.

Weird. Hindi naman ako makakalimutin, kaya hindi ko makakalimutan ang pinakamaliit na memorya ng isang bagay na nangyari noon?

Habang abala siya sa kaka-isip, may naramdaman siya na parang tumutusok sa kanyang utak, at binalot ng sakit na ito ang buong isip niya...

"Matulog ka na."

Biglang binalot ng mainit na yakap ni Si Ye Han ang kanyang katawan at narinig niya ang nakaka-kalmang boses ni Si Ye Han sa kanyang tenga.

Biglang nawala ang sakit na naramdaman niya sa kanyang isip, at halos naging ilusyon ito.

Tumango si Ye Wan Wan at kinamot niya ang inaantok niyang mga mata. Marami siyang tungkulin nitong mga nakaraan na panahon at naging abala rin siya.

Ilang araw ang lumipas, sa loob ng gusali ng Ye Group:

Pinatawag ni Ye Hong Wei ang lahat ng senior management para sa board meeting.

Sa loob ng conference room, nakaupo kaliwang bahagi ni Ye Hong Wei si Ye Shao An, at nakaupo si Ye Yiyi sa pangalawang upuan habang si Gu Yue Ze ay nasa kaliwa niya.

Nasa kanang bahagi ni Ye Hong Wei si Ye Mu Fan habang si Ye Wan Wan ay nakaupo kaliwang bahagi ng kanyang kapatid.

Nagtinginan at nagtaka ang mga board member nang makita nila ang sitting arrangement na ito, hindi rin nila sinubukang huminga ng malakas.

Nabalisa ang lahat ng nasa Ye Group simula nung lumabas ang resulta ng Golden Orchid Awards at yung nangyari sa banquet noong nakaraang linggo.

Alam ng lahat na ang patakaran ng kumpanyang ito ay magbabago na.

Medyo naubo si Ye Hong Wei at kanyang sinabi, "Kilala niyo na siguro ang dalawang tao na nasa tabi ko–ang presidente ng Age of the Immortals na si Ye Mu Fan, at ang director ng Talent Recruitment na si Ye Wan Wan. At alam niyo naman nang lahat na hawak ni Gu Yue Ze ang pososyon ng general manager sa Emperor Sky Entertainment, Mr. Gu."

Humarap si Ye Hong Wei kay Gu Yue Ze at kanyang sinabi, "Yue Ze, salamat sa lahat ng tulong mo."

Malumanay at pormal ang itsura ni Gu Yue Ze at mapagpakumbaba itong sumagot, "Chairman Ye, napakabait niyo naman po. Pamilya tayong lahat, alam mo naman na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."

Patuloy na nanahimik si Ye Yiyi na nasa tabi niya at makikita ang dakila na pilit na ngiti sa kanyang mukha, ngunit biglang nag-iba ang kanyang mukha.

Noong nakaraang mga araw, may mga plano siya at umasa siya na mag-aalala si Grandfather Ye kay Ye Mu Fan, ngunit mukhang bumaliktad ang lahat ng plano niya.

Tumango si Ye Hong Wei sa sagot ni Gu Yue Ze at natuwa siya nang bigla siyang humarap kay Ye Mu Fan. "Pagkatapos ng panahon ng pagsusuri, nakita naman ng lahat ang abilidad ni Mu Fan. Kaya, nakapag desisyon ko na simula ngayong araw, si Mu Fan na ngayon ang kukuha ng posisyon na general manager ng Emperor Sky Entertainment."

Pagkatapos magsalita ni Ye Hong Wei, nanahimik at kusang napatingin ang lahat kay Ye Shao An at Ye Yiyi na may pangangamba sa kanilang mga mukha.

Gayunpaman, kakaunti pa lamang ang pumalakpak bago pumalakpak ang lahat ng nasa kwarto.

Hindi naiwasang bumuntong hininga ng senior management. Sino ang mag-aakala na ang pamilya ni Ye Shao Ting ay manunumbalik pagkatapos silang palayasin na parang mga asong gala noong lumipas na mga taon?

Mas kakaiba ngayon si Ye Mu Fan kumpara noon, kaya mas mainam na magkaroon sila ng maayos na pag-uugali sa kanya at iwasan nilang galitin ito.

At tsaka, nasa tabi niya si Ye Wan Wan… na mas nakakatakot na taong sumusuporta sa kanya...

Tunay nga na mahusay ang magkapatid na ito.

Malaki ang pagkakaiba ni Gu Yue Ze, na apo sa batas, kay Ye Mu Fan, na apong buo kahit na ilang beses mo pa itong suriin.

Hindi pa rin malinaw ang resulta...

Hindi na makapagtimpi pa si Ye Shao An at hindi na siya pwedeng umupo na lamang. Hinampas niya ng malakas ang lamesa at sinabi. "Tutol ako diyan! Dad, alam mo na ba ng ang ugali ng g*gong ito? Natandaan mo ba ang impyerno na dinulot niya sa kumpanya noon?"

Biglang napakunot si Ye Hong Wei nang makita niyang nagwala ang kanyang anak.

avataravatar
Next chapter