768 Tunay na immortal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sabik na sabik si Wan He Yun - ang Glittering Jewels Pavilion ay nag-mina ng isang malaking piraso ng imperial jade, kaya hindi na niya kailangang mag-alala na kung magkakaroon pa ba sila ng customers sa hinarap.

Ang mga taon na tiniis niya ang pamamahiya ng ibang tao ay tapos na.

Ang Glittering Jewels Pavilion niya ay kayang mamunga ng mataas na kalidad na jade!

"Sino ang may ari ng imperial jade na ito?" Tinanong ng isang eksperto na nakiki usyoso.

Binuksan ang bato sa Hui Cui Workshop, ngunit dahil sa reaksyon ni Hou Maofeng, mukhang hindi nanggaling sa store niya ang bato na ito.

Dali-daling sumagot ang deboto, "Akin yan, akin! Amin 'yan! Ay, mali, sa boss nin 'yan!"

"Congratulations, Miss. Marami akong nakuha sa pagka diskubre ng bato na ito at marami rin akong natutunan!" Ngumiti ang eksperto at dahan-dahan niyang binaba ang kanyang kamay. "Miss, ingatan mo yan!"

Kailangang maging maingat ni Ye Wan Wan sa nakuha niyang kayamanan, hindi siya pwedeng maka-engkwentro ng gulo lalo na't kasama niya si Nameless Nie at ang ibang mga bodyguards.

Ayaw pang sumuko ni Huang Shi Xin kaya patuloy niyang pinahiwa ang kanyang mga bato ngunit ang mga ito ay walang laman.

"Magkano ang materyal na ito?" Umungol si Huang Shi Xin.

Kaawa-awang sumagot ang eksperto, "Nasa… 100,000 o mas mataas pa…"

Sinuri ni Ye Wan Wan ang piraso ng bato at bumuntong hininga siya. "Sinabi ko na kanina na walang laman ang bato na yan, eh!"

Sa oras na iyon, tinitigan ni Huang Shi Xin ang bato na hiniwa at naging iba't ibang piraso sabay nagulat siya.

Talo ako… walang halaga ang bato…

Ano naman kung mga mga disenteng jade ang mga batong binuksan kanina?

Sapat na ang batong ito para malugi ako at mawala ang lahat ng pera ko!

Ang nahihiya na si Xue Li, ay tinanong ang tatlong eksperto. "Sinuri niyo bang mabuti ang bato? Imperial jade ba talaga yan?"

Nagtinginan ang tatlong eksperto at nilakasan nila ang loob nila upang sagutin si Xue Li. "Deputy director Xue, ito ay tunay na imperial jade…"

"Hindi kami magiging pabaya sa mga importanteng tungkulin at ilang beses ko na itong na-verify - ito ay tunay na imperial jade!"

"Kalahating taon na ang lumipas simula noong nakakita ako ng imperial jade na kasing laki lamang ng hinlalaki…"

"Tulad ng sinabi sa kasabihan, 'Kahit ang mga dieties ay nahihirapan na matuklasan ang isang inch ng jade." Paano nahulaan ni Miss Ye na ang bato na nanggaling sa Glittering Jewels Pavilion ay may laman na mataas na kalidad ng jade? Hindi ako makapaniwala!"

Tinitigan ng tatlo si Ye Wan Wan na para bang isa siyang diety.

Agad-agad na humarap si Ye Wan Wan kay Xue Li na walang masabi at ngumisi siya. Pagkatapos ay tiningnan niya sila Si Ming Li at Feng Yi Ping na nasa video call.

Sa pagkakataon na ito, ang mga mataas na opisyal ng Si family ay nabigla kaya wala silang masabi.

Umasa lamang si Ye Wan Wan sa hula niya, kaya dahil doon, nakakuha siya ng isang top-grade imperial jade at ito ay dambuhalang piraso ng jade….

Kababa… kababalaghan ito!

"Gentleman, hindi ba't panahon na para pangatawanan niyo ang pinusta natin?"

"Ito…" gustong makipaglaban ni Feng Yi Ping pero napagtanto niya na wala pala siyang masabi.

Hindi lang mga eksperto ng Myanmar ang nandoon, gayundin ang mga eksperto ng Si family, kaya wala nang kailangang ipagduda pa.

Ang lintik na babaeng ito - ang swerte niya!

Ang lahat ng nasa conference room ay mga matataas na opisyal at sumangayon na sa pustahan na ito si Feng Yi Ping. Kapag nag-back out siya, katumbas nila ang sampal sa sarili niya.

Pero sinong mag-aakala na mananalo ang babaeng ito?

Alas, kinaskas ni Feng Yi Ping ang kanyang ngipin dahil sa galit. Namula ang mukha niya at wala siyang magawa kundi sabihin, "AKO. AY. ISANG. BASTARDO!"

Dumilim ang paningin ni Si Ming Li nang makita niya na sinabi na ito ni Feng Yi Ping. "Sige na nga, panalo ka ngayon, Ye Wan Wan… ako… ako ay isang bastardo…"

Binaba agad ang tawag nang sabihin niya ito - mabilis ang pagkilos nila.

avataravatar
Next chapter