832 Tumutugma ang pangalan sa realidad

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nawalan ng gana si Gong Xu. "VIVI? Ay, hindi sila kasing galing tulad ng Fashion, eh…"

Inirapan siya ni Ye Mu Fan. "Paano mo nagagawang punain sila? Sapat na ito na hindi ka nila pinupuna. Kasama ang VIVI sa pagiging isang tunay na matatag na fashion magazine s China, sila ay talagang mayroong istriktong requirements para sa reputasyon ng kanilang artista - ang lahat sa kanilang magazine ay top-tier artists. Kung hindi ito para sa ating swerte, paano ka magkakaroon ng posibleng pagkakataon na mapunta sa cover?!"

"Anong problema mo? Young master(I) ay masyadong popular, diba…" Ungot ni Gong Xu.

Nagsalita si Luo Chen, "Ako ba saka si Gong Xu ang magkasamang magso-shooting.

Tumango si Ye Wan Wan. "Oo, nakipaglaban ako para sa dalawang taong cover."

Hindi masyadong nagsalita si Ye Wan Wan tungkol dito. Gusto niyang maging natural sila sa shoot upang umalis ang karamihan sa imahinasyon ng publiko.

Ye Wan Wa: "Kung wala ng problema, ikukumpirma na natin ang shoot. at saka, Luo Chen, naipadala ko na sayo ang kopya ng script na ipinakita ko kay Gong Xu noon. Hindi ko ito pinadala sayo ng maaga dahil mayroon kang mas magandang proyekto, pero ngayon, pwede na kitang kunin para sa drama series na ito kasama si Gong Xu."

Matapos ang lahat, limitado lang ang kanilang crew member at kakailanganin pa ng isang malaking kaperhan upang kumuha ng iba pang artista...

Dali-daling sinabi ni Luo Chen, "Nah, hindi na. Nabasa ko na ang outline ng script - mayroon itong magandang istorya!"

Kaswal na nagtanong si Ye Mu Fan, "kung gayun, sino ang bida at supporting actor?"

Hinuhusgahan mula sa acting ng dalawang taong ito, ang magiging bida ay tiyak na si Luo Chen at ang magiging supporting actor ay si Gong Xu.

Sa karakter ni Gong Xu, paano kung magsimula siya ng away kay Gong Xu?

"Sila ay parehong lalaking bida - ang karakter ni Luo Chen ay isang gunman mula sa special forces habang ang acting ni Gong Xu ay bilang isang hedonistic na anak ng mayamang magulang…" sagot ni Ye Wan Wan.

Tumango si Ye Mu Fan. "Maganda ito at ang mga role ay napaka angkop. Saan mo nakuha ang script na ito at sino ang screenwriter?"

Tumingin si Ye Wan Wan sa malayo: "Sandali na lang, dadalhin ko kayo upang makilala ninyo siya."

Humarap si Ye Wan Wan kay Gong Xu at Luo Chen at binalaan sila, "ang assignment para sa inyong dalawa ngayon ay ang pag-aralang mabuti ang script at maghanda para sa paggawa ng pelikula. Kukuha ako ng tao para bigyan kayo ng ilang special training. Para sa registration ng kumpanya at pagbuo ng crew, hayaan ninyo na sa amin ni Felix ito!"

Luo Chen: "Sige, Ye-ge."

Gong Xu: "Yes, sir!"

Matapos ang ilang pag-uusap sa pagitan nilang apat, si Ye Mu Fan ay may naalala at dali-daling sinabi, "Eh, teka, muntikan ko na maalala ang tungkol sa isang importanteng bagay - kailangan pa din nating pag-usapan kung ano ang ipapangalan natin sa ating kumpanya? Hindi ako magaling pagdating sa mga pangalan - kayo na ang mag-isip doon!"

Tumingin si Luo Chen kay Ye Wan Wan. "Hayaan nating si Ye-ge ang mag desisyon."

Sabik na iminungkahi ni Gong Xu, "Itinayo nating apat ang kumpanyang ito, kaya bakit hindi na lang natin tawagin itong 'The Four Heavenly Kings Film Industry'?"

Ye Wan Wan: "…"

Kumurap si Gong Xu. "Ay? hindi ba maganda? Ano kung 'Booming Awesome Entertainment'?"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Tumahimik at hayaan mong ako ang mag-isip…"

Masunuring umupo si Gong Xu. "Oh…"

Sa totoo lang, hindi talaga magaling si Ye Wan Wan pagdating sa mga pangalan at matapos ang pag-iisip, bigla siyang nagkaroon ng inspirasyon...

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang baba. "Bakit hindi na lang natin tawagin ang ating mga sarili na…'Age of the Immortals'?

Lou Chen: "Maganda ito." - Maganda ang kahit anong sabihin ni Ye-ge.

Nagliwanag ang mata ni Gong Xu. "Wah! Ang angas niyan! Ito ay masyadong mapagmataas! Gusto ko ito!"

Napahalakhak si Ye Mu Fan. "Hindi ba ito masyadong mangmang?"

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. "Hayaan mo lang, saka… tumutugma ang pangalan sa realidad."

Sa sandaling sinabi iyon ni Ye Wan Wan, mayroong isang pagbayo ng alon sa puso ng tatlo. "Tama!"

avataravatar
Next chapter