1134 Tumakbo ang mga kabayo sa damuhan ng ulo ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinabukasan ng umaga, nagising dahil sa bangungot si Ye Wan Wan.

Mabilis na napa-upo si Ye Wan Wan habang tumutulo ang pawis sa kanyang buong katawan.

Nakakatakot ang bangungot niya! Sobrang nakakatakot!

Eh? Nasaan si Si Ye Han?

Wala rin dito si Tang Tang...

Nagising na sila Tang Tang at Si Ye Han kaya wala na sila doon.

Bumaba ng kama si Ye Wan Wan na gulat ang kanyang itsura, nagmadali siyang bumaba ng hagdan kaya hindi na siya nakapag-suot ng tsinelas.

"Ahhh—"

Sumugod pababa ng hagdan si Ye Wan Wan kaya natisod siya.

Mahuhulog na sana siya sa matigas na lapag ngunit hindi ito natuloy. Sa halip, nahulog siya sa braso ng isang tao.

Nagkalat sa lapag ang mga dokumento na kanina'y nasa kamay ni Si Ye Han at galit na galit siya. "Maglakad ka nga ng maayos! Bakit ka ba kasi tumatakbo?"

Lalong nainis si Si Ye Han nang makita niya na walang tsinelas si Ye Wan Wan. "Nasaan ang tsinelas mo?"

Nanliit ang ulo ni Ye Wan Wan dahil sinabihan siya ni Si Ye Han. Kaawa-awa ang kanyang itsura. "Mm… binangunhot ako…"

Si Xu Yi na nandoon dahil nag-report siya ng business matter kay Si Ye Han, ay biglang kumuha ng tsinelas at inabot niya ito sa kanila.

Pagkababa niya ng tsinelas, lumayo kaagad siya at nagtago sa isang tabi upang hindi siya mapansin ng dalawa.

Dalawang magkaibang tao si Miss Wan Wan kapag lasing at kapag normal niyang sarili! Kapag lasing siya, tumatakbo siya sa bubong at tumatalon sa mga pader. Kapag normal lang siya, ang bilis niya madapa. (─.─||)

Kumalma ng kaunti si Si Ye Han nang matulungan niyang tumayo si Ye Wan Wan. "Peke ang mga nakikita mo sa panaginip."

Ngumuso si Ye Wan Wan at tiningnan niya si Si Ye Han na ito ay tulad ng isang walang pusong nilalang. Punong-puno siya ng pag-aakusa nang sinabi niya, "Huwag kang magsinungaling sa akin! Totoo iyon! Totoo talaga! Napanaginipan ko na kinasal ka sa isang babae, maraming babae– isang grupo ng mga babae! Sa totoo lang, pwedeng tumakbo ang mga kabayo sa aking utak! Ahhh, galit na galit ako!"

Si Yehan: "…"

Si Xu Yi na nagtatago sa isang gilid: "..."

Ano?! Ano ang narinig ko?

Naramdaman ni Si Ye Han ang malubhang sakit ng ulo kaya bigla niyang pinisil ang pagitan ng kanyang kilay. "Anong kalokohan ba ang pinag-iisip mo?"

Dinikit ni Ye Wan Wan ang sarili niya sa dibdib ni Si Ye Han. "Peke ba talaga iyon? Bakit parang totoo? Napanaginipan ko pa nga na hinabol nila ako at binugbog rin nila ako! Pagkagising ko, ang sakit ng buong katawan ko!"

Lumaki ang mga mata ni Xu Yi ng marinig niya ito at lumabas ang kalungkutan at galit sa kanyang puso. "...!!!"

Hindi ka pwedeng maging ganyan, Miss Wan Wan!!!

Paano nag-iba ang katotohanan sa panaginip mo?

Malinaw naman na ikaw ang humabol sa lahat at pinagbubugbog mo pa nga kami, okay?!

Masakit ang buong katawan mo dahil ginamit mo ang lahat ng kalakasan mo para bugbog kami, okay...

Sinuyo na lamang ni Si Ye Han si Ye Wan Wan dahil sa desperasyon niya. "Peke ang panaginip mo."

Kumalma ang ekspresyon sa mukha ni Ye Wan Wan at may natandaan siya. Nahulog na naman ang kanyang panga. "Woowoowoo… ang mas masakit pa doon… napanaginipan ko na ayaw na ako ni Tang Tang… *sniff sniff sniff*..."

Kinamot ni Si Ye Han ang noo niya at wala siyang masabi.

Ito ba ang bangungot para sa kanya?

Ito ang narinig ni Tang Tang pagkapasok niya kasama si Great White sa likuran niya.

Tulirong nakatayo ang bata sa isang lugar at bigla siyang nag-react. Agad sigang sumugod sa kanila. "Mommy! Hindi aayawan ni Tang Tang si Mommy!"

Sumigla si Ye Wan Wan. "Talaga? Pero nanaginip ako na ayaw na ni Tang Tang si Mommy! Hindi kakalimutan at iiwan ni Tang Tang si Mommy, tama?"

Naguluhan si Baby Tang Tang. Si Mommy ang nakakalimot sa kanya noong naka-inom ito, 'di ba???

Gayunpaman, seryosong tumango ang batang lalaki. "Talaga! Si Mommy ang parating magiging Mommy ni Tang Tang! Hindi kakalimutan ni Tang Tang si Mommy! Pasensya na, Mommy, na pinalungkot ni Tang Tang si Mommy sa panaginip niya!"

Si Xu Yi sa isang gilid: "..."

Sige, naiintindihan ko na kung anong spoiling ang gumawa sa personalidad ni Miss Wan Wan...

avataravatar
Next chapter