687 Tropa, pabayaan mo na ako!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Paulit-ulit na tinanong ni Tang Xing Huo si Ye Wan Wan para masolusyonan ang problema nila nang biglang napatitig si Luo Chen sa kanyang phone. "Ye-ge, may problema tayo, may pinost na naman si Gong Xu sa Weibo…"

Sumakit ang ngipin ni Tang Xing Huo sa kaka-kaskas nito dahil sa sobrang galit niya nang marinig niya ang sinabi ni Luo Chen. "Putek! Ano na naman ang pinost ng mokong na iyon?"

Dali-dali na binuksan ni Tang Cing Huo ang main page ni Gong Xu at nakita niya na shinare ni Gong Xu ang post ng Dazzling tungkol sa magaganap na press conference dahil dito manghihingi ng tawad si Gong Xu sa mga nagawa niya. May nilagay na komento si Gong Xu sa ilalim nito — [Hindi ako manghihingi ng tawad sa inyo! (Middle finger emoji)]

Wow, isinantabi ng Dazzling si Gong Xu at pinagpatuloy nila ang desisyon na anunsyohin sa publiko ang nalalapit na press conference, idineklara rin nila na manghihingi na ng tawad si Gong Xu. Ngunit sinampal ni Gong Xu sa mukha ang Dazzling dahil sa komento na iyon.

Dumilim ang mukha ni Tang Xing Huo na parang pwet ng kawali. "Punyeta, hindi ba kaya ng lalaking ito na pigilan ang sarili niya? Binalaan ko na siya bago pa ako pumunta dito!"

Komportable na nakaupo si Ye Wan Wan sa sofa. Nasulyapan niya ang post na shinare ni Gong Xu sa Weibo at bigla siyang ngumiti.

Pagkatapos nito, pinindot ni Ye Wan Wan ang "share" button at gumawa siya ng komento: [Kasama kita diyan.]

Tulala na tinitigan ni Tang Xing Huo si Ye Bai. Hindi niya pinigilan si Gong Xu ngunit shinare niya pa ang post kaya nagpapakita siya ng suporta sa panig ni Gong Xu, lalo niyang pinaalab ang apoy. Lumaki ang mga mata ni Tang Xing Huo at muntikan pa itong lumuwa.

Ano ito!? Nahawaan na ba ni Gong Xu si Ye Bai?

"Oh my god! Ye-ge! Anong ginagawa mo?!"

Sige, sige, sige, sinabi mo sa amin na hindi kami pwedeng gumamit ng ordinaryong pamamaraan para ibahin ang isip ni Gong Xu, pero huwag mong sabihin na ang hindi pangkaraniwan mong pamamaraan ay sasamahan mo ang ulo niya sa alapaap!

Nababaliw na si Tang Xing Huo ngunit sa isang saglit, may lumabas na panibagong post nang ni-refresh niya ang page.

Si Luo Chen na nakatayo sa tabi niya, shinare niya ang post ni Ye Wan Wan na may kaparehas na tatlong salita ang caption: [Kasama kita diyan.]

Hinawakan ni Luo Chen ang kanyang phone at tiningnan niya si Ye Wan Wan. Nagaalangan ang kanyang tingin.

Hindi man alam ni Luo Chen ang plano ni Ye Bai, alam niya na susuportahan niya ng walang alinlangan kahit ano man ang plano niya.

Tang Xing Huo: "…"

Wala talaga siyang masabi...

Sa isang saglit, dumating na ang araw ng press conference.

Matapos ang ilang araw ng "fermentation," ito na ang araw kung kailan mas lalong sumikat ang insidenteng ginawa ni Gong Xu. Binalot ng napakaraming media outlet ang lugar ng press conference.

Walang umasa na darating si Gong Xu pero nagulat silang lahat dahil maaga siyang dumating sa lugar na iyon.

Kung ibang tao ang nasa posisyon ni Gong Xu, magmumukhang kawawa at haggard ang taong iyon. Malamang magsusuot ng kulay itim ang taong iyon at magkukunwari pa iyon na nalulungkot.

Ngunit mukhang kaakit-akit at gwapo pa rin si Gong Xu kahit ilang araw siyang nawala. Suot niya ay isang matingkad na neon jacket, wala siyang suot na sunglasses o maskara at hindi niya pinapakita na nalulungkot siya. Walang hiya siyang nagpakita sa harap ng press...

Sa may entablado, nakaupo sa gitna si Gong Xu ag katabi niya ang mga nakatataas na miyembro ng PR department at ang general manager na si Yang Jin Yuan. Sa kaliwa niya ay si Ye Wan Wan at katabi naman nito si Luo Chen.

Sa oras na ito, lubhang nagsisisi si Yang Jin Yuan at halos sumuka siya nang makita niya si Gong Xu. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang sinabi ni Gong Xu.

Gayunpaman, hirap na makahinga si Yang Jin Yuan at bigla siyang lumapit kay Ye Wan Wan at sinabi, "Direktor Ue, pwede ba tayong magkaroon ng kasunduan? Kumbinsihin mo si Gong Xu na magkunwari siyang may sakit kaya wala tayong magagawa kundi ipagliban na muna ang press conference…"

Hinaplos ni Gong Xu ang kanyang baba at ngumiti siya kay Yang Jin Yuam. "Ay, 'wag mong gagawin yan, director Yang. Hindi ba't ikaw ang nag-imbita sa akin na dumalo ngayong araw? Tatanggalin mo ang sa entertainment industry kapag hindi ako dumalo 'di ba? Hindi mo ba nakikita na isa akong mabait na bata?"

Yang Jin Yuan: "…"

Tropa, pabayaan mo na ako...

avataravatar
Next chapter