748 Tratong pang-dekorasyon lamang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinapunta ni Ye Wan Wan sila Feng Xuan Yi, Nameless Nie sa baba ng hagdan upang makilala ang grupo ng mga ekperto ni Xue Li.

Para bang makapangyarihan si Ye Wan Wan dahil maliban kay Eleven at Feng Xuan Yi, may limang bagong mukha pa siyang kasama.

Napakunot si Xue Li nang makita niya sila. Wala siyang pakialam sa mga tao na kasama ni Ye Wan Wan at sinabi niya, "Limitado ang oras natin sa lugar na ito. Huwag tayong magsayang ng oras at dumeretso na tayo sa pinakamalaking jade store sa city H. Naghanda na si Director Qin at nireserbahan niya na tayo ng top-quality na materyales para sa atin."

Tauhan ni Qin Ruo Xi ang tatlong eksperto sa likod ni Xue Li. Sumabad ang tatlong ito, "Hindi mo kailangang mag-alala sa biyahe na ito, Miss Ye. Pamilyar si Director Qin sa pamilihan ng city H at mas marami siyang alam kaysa sa atin. May mga ginagawa na rin siyang pagsusuri noon."

"Tama. Hindi ka lilinlangin ng mga piniling materyales ni Director Qin; kailangan mo lang mamili ng maayos at magbayad!"

Mabait man pakinggan ang mga taong ito, pero halata na inaasar at trinatrato nilang dekorasyon si Ye Wan Wan.

Hindi tumutol sa kanila si Ye Wan Wan. Ngumiti lang siya at sinabi, "Sige, puntahan natin siya at tingnan natin ang mga produkto niya!"

Binabalot ng sugalan ng mamahaling bato ang city H ng Myanmar at maraming tindahan nito ang nakapwesto sa gilid ng mga kalsada. Naroroon ang maraming businessmen sa iba't ibang panig ng mundo, mga mayayaman at mga turista. Buhay at abala ang mga kalsada sa lugar na iyon.

Ginagamit sa jewelry industry ang sinasabi nilang sugalan ng mamahaling mga bato. Binabalutan ng weathered skin ang extracted jade na nanggaling sa bato. Dahil sa kasalukuyan na pamamaraan sa mga bato, hindi madaling malaman ang kalidad ng bato sa loob at kung jade ba o hindi ang nasa looban nito. Malalaman mo lamang ito kapag binuksan mo ang loob.

Panalo ka na kapag mataas na kaledad ng jade ang nasa loob, pero kapag walang laman ang loob, isang piraso ng basura lang ito. Ang ibig sabihin nito ay natalo ka sa sugalan.

Sa ngayon, umaabot sa daan-daan ang presyo ng mga bato at ang mga bato naman na may mataas na tsansang manalo ay nagkakahalagang isandaan libo, milyon, o isandaan milyon. Pwede maubos ang yaman ng pamilya niyo kapag natalo ka sa sugalan. Siyempre, kapag nanalo ka, halos isandaang beses ang balik ng yaman sayo at magiging mayaman ka kaagad.

Ang precious stone industry ay isa sa mga pangkat na tungkulin ng Si family, malaking bahagi nila ang jade business.

Ang pinaka importanteng parte ng jade business at ang pamimili ng mga bato.

Halimbawa, nakakuha ng mataas na kaledad, glass type na jade ang isa sa mga kompetitor sa precious tone industry ng Si family, sa pamamagitan ng pakikipagsugalan ng mamahaling bato. Wala itong halaga at sumikat kaagad sila, kaya marami silang naakit na kliyenta.

Nainis si Xue Li dahil umaaligid ang mga mata ni Ye Wan Wan sa ibang mga tindahan. "Miss Ye, hindi mo kailangang tumingin sa mga maliliit na tindahan dito - marami sa kanila ay mga peke ang produkto. Gumagawa sila ng pekeng outer layer at dindikit nila ang piraso ng glass sa loob, pagkatapos ay pinipinturahan nila ito, kaya kunwari ay luma na ang bato. Hindi ko pa nababanggit ang mababang kaledad ng produkto nila… wala kang alam sa industriya na ito; madali kang maloloko!"

Si Xue Li ang nangunguna sa kanila, dumating ang grupo nila sa pinakamalaking jade trade store sa city H - Hui Cui Workshop.

Sa maluwang at maliwanag na hall sa baba, punong-puno ang mga shelves nila ng mga bato na may iba't ibang laki at hugis. Maraming mga tao ang may hawak ng magnifying glass at flashlight habang maingat nilang sinusuri ang mga bato.

Pagkarating ni Ye Wan Wan at ng mga kasamahan niya sa loob, matalas ang paningin ng shop assistant nang makita sila. Tumungo ito sa kanila at masaya silang binati nito.

"Ah, Mr. Xue, nandito ka na! Dali, pasoj po kayo!"

Ilang beses nang nakapunta sa pamilihan na iyon sila Xue Li at Qin Ruo Xi, kaya mabilis siyang nakilala ng shop assistant. Alam niya na nagta-trabaho sa Xue Li sa top management ng Si Corporation sa country Z, kaya masigasig siya kay Xue Li.

Hindi maiwasang ng shop assistant na titigan ang kasamang magandang babae ni Xue Li. Siyempre, ayaw niyang maging ma-tsismis kung sino ang babaeng iyon.

avataravatar
Next chapter