1084 Tingnan mo ang abs ko, tingnan mo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bumulong si Gong Xu dahil naiinis na siya, "Brother Ye, paano ako naging mas malala kay Luo Chen? Lagi naman akong nag-eensayo, okay? Tingnan mo ang abs ko, tingnan mo!"

Tinaas ni Gong Xu ang kanyang shirt at pinakita niya ang kanyang magandang abs.

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. Pasadya niyang inasar si Gong Xu dahil dito, "Maangas ba ito para sayo? Walang kwenta ang abs mo sa pagsasanay na tinahak ni Luo Chen sa kanyang martial arts teacher!"

Nagwala si Gong Xu nang marinig niya ito. "Hoy! Nakita mo na ang abs ni Luo Chen?! Kailan?! Saan?! G*go, sumisimple ka pala noong wala ako! Ang sama sama mo!"

Ye Wan Wan: "..." Wala talaga sa pokus ang lalaking ito...

Luo Chen: "…"

Biglang umatras si Luo Chen, mukhang ayaw niyang mahawa sa katangahan ni Gong Xu.

Gayunpaman, biglang natandaan ni Ye Wan Wan yung araw na sinimulan niyang maging manager ni Luo Chen.

Noon, gusto sanang pahubarin ni Brother Ye si Luo Chen upang makita niya kung ang pangangatawan nito ay magiging angkop sa hinanda niyang workout training para sa kanya. Umakto siya na parang manyak na inaalam kung ang tao ba ay nasa tuwid na pamamaraan sa buhay kaya naisip ni Luo Chen na si Brother Ye at tulad lang din ni Zhou Wen Bin...

Biglang nahiya si Luo Chen sa naisip niya at namula ang kanyang tainga nang matandaan niya ito.

Inirapan ni Ye Wan Wan si Gong Xu. "Hindi pa ikaw buhay noon, nakita ko iyon noong nagsimula akong maging manager no Luo Chen!"

Biglang nag-alburuto sa si Gong Xu at pumunta siya sa isang sulok para magmukmok. "Sabi na eh! Alam ko na hindi ako mas hihigit pa kay Luo Chen sa puso mo… dahil ba mas nauna siya sa akin? Maling tao ang pinagkatiwalaan ko noon at kawawa rin ako noon! Bakit ang baba ng tingin mo sa akin?!"

Nakita ni Ye Wan Wan na nagmama-arte na naman ang mokong na ito kaya bigla niya itong sinipa. "Tumayo ka diyan! Hindi mo na kailangang mag-alala pa kung ikaw ang makakakuha ng Best Actor kung ganyan ka mag-inarte!"

Biglang lumiwanag ang mga mata ni Gong Xu nang marinig niya ito. "Brother Ye, sabi na eh, malaki ang inaasahan mo sa akin! Makukuha ko ang Best Actor dahil sa kakayanan kong umarte!"

Ye Wanwan: "…"

Hindi ko siya pinupuri eh.

Paano ba gumagana ang utak nito...

Ang nilalaman ng ensayo nila Luo Chen at Gong Xu ay ang mga sumusunod: Wrestling, shooting, firearms, mine clearance, skydiving at iba pa. Marami ang sakop ng ensayo nila kaya sapat na ito upang tumungo sila sa susunod na bahagi ng shooting kung matututunan nila ang mga ito.

Sinundan sila ni Ye Wan Wan dahil ngayon ang unang araw nila sa pagsasanay.

Agad silang dinala ni Instructor Lei sa training ground.

Interesado si Gong Xu sa lahat ng bagay habang naglalakad sila kaya tumalon talon siya papuntang training grounds.

Nawala ang masayahing itsura ni Gong Xu at bigla siyang nabagot nang makarating sila sa pupuntahan nila.

Kaharap nila ang malawak na putikan at may nakalagay na electric wire sa taas nito. Hirap na gumagapang ang ilang dosenang sundalo sa ilalim nito at binabalot ang buong katawan nila ng putik, kaya halos hindi na makita ang tunay nilang itsura. Kapag inangat nila ng kaunti ang kanilang katawan, paniguradong maiiyak sila at makukuryente sila sa electric wires...

Nakakasabik… ito?

Hinawakan ni Gong Xu ang bagong kulay sakura-pink niyang hairstyle, gayundin ang limited edition niyang hoodie at ang malambot niyang mukha. Kusa siyang napa-urong sa kanyang nakita...

Mabilis na nag-react si Ye Wan Wan at agad niyang hinablot ang likod ng hoodie ni Gong Xu. "Bakit ka tumatakbo?"

"Brother Ye, a… acting lang naman ito… hindi natin ito kailangang seryosohin…" huli na noong nalaman ni Gong Xu na nakakatakot pala ang pagsasanay na ito.

"Hindi ba't sinabi mo kanina na aakyat ka sa bundok ng mga espada at lalangoy ka sa karagatan ng apoy para kay Little Candied Plum?"

"Tama ka! Sinabi ko kanina na aakyat ako sa bundok ng mga espada at lalangoy ako sa karagatan ng apoy, wala akong sinabi na gagawin ko ito!" paliwanag si Gong Xu.

Ye Wan Wan: "..." Nasaan ang integridad mo!

avataravatar
Next chapter