8 Tinatapakan ka lamang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mukhang nasa good mood si Si Ye Han dahil hindi siya nagalit matapos ng sinabi ni Lin Que.

Tinignan ni Lin Que ang kanyang kapatid na tila ba kaya nitong hatiin ang kalangitan. Sinabi ni Lin Que sa kanyang kapatid ng may halong pait, galit, at sama ng loob, "9th brother, sa status mo, tindig, mukha at katawan, naisip mo ba kung anong klase ng babae ang gusto mo? Bakit kailangan mo pang ibaba ang iyong sarili tulad niya?"

Narinig ito ni Ye Wan Wan habang bumababa.

Bakit parang pamilyar ang sinabi ni Lin Que?

"Okay lang hangga't curious ka at gusto mo lang subukan tikman ang mga kakaiba. Pero 2 taon na. Bilang kapatid mo, hindi ko na ito kaya pang kunsintihin..."

Pinapagalitan pa ni Lin Que ang kanyang kapatid nang ang walang pakielam na si Si Ye Han ay lumingon at tumingin sa may hagdanan.

Subconsciouly, sinundan ng tingin ni Lin Que ang tinatanaw ni Si Ye Han.

Mabilisang nagningning ang kanilang mga mata sa pagkagulat.

Nakikita nila ang isang babaeng nakatayo sa may hagdanan. Isang babaeng nakaputing dress na may payat na katawan. Mayroon itong mahabang buhok na abot hanggang baywang, ang kanyang mga tingin ay kaakit-akit at ang kanyang mga labi ay parang mga peach. Siya tunay na maganda na may flesh of ice at butong parang jade. Ang kanyang kagandahan ay walang katumbas.

Ang babaeng ito ay talagang… hindi kapani-paniwalang napakaganda...

Ang liwanag ay hindi rin matakpan kahit ng halimaw na si Si Ye Han.

Wala pa ring imik si Lin Que kahit na noong naglakad si Ye Wan Wan sa may dining table.

Sinuri ni Ye Wan Wan ang dining table. Kalimitan, pinipili niya ang upuan na pinakamalayo kay Si Ye Han. Ngunit ngayon, pinag-isipan niyang mabuti na umupo sa tabi nito.

Dahil nakikita niyang umupo ang babae sa kanyang tabi, tinignan siya ni Si Ye Han ng may ningning sa kanyang mga mata.

Sa pagsunod ng prinsipyo na, 'the lesser you talk, the lesser mistakes you will make', umupo si Ye Wan Wan at nagsimulang kumain ng umagahan ng tahimik.

Simula noong gumising siya, mga pagtitig lang ang nakukuha niya.

Medyo hindi rin siya komportable sa biglaang pagbabago pabalik sa kanyang sarili. Iniisip niya kung naisip rin ba ito ni Si Ye Han.

Gayon pa man, dahil hindi naman nito pinapansin ang kanyang kakatwang itsura, bakit hindi na nga lang siya magpaganda para sa ikagaganda ng kanyang loob.

Naisip ni Ye Wan Wan na kumain na lang ng lugaw ng payapa.

Sa isang iglap, isang payat na daliri ang lumapit papunta sa kanyang mukha.

Kinabahan si Ye Wan Wan and nanigas ang kanyang katawan.

Sunod nito, ang daliring iyon ay inipon ang maliit na bungkos ng buhok niya na malapit nang malaglag sa lugaw at inilagay sa likod ng kanyang tainga.

Ngayon, si Si Ye Han ay sumandal sa upuan ng walang enerhiya. Nang matapos niyang iayos ang buhok na babae, dahan dahan niyang inalis ang kanyang kamay at tinitigan ito. Nang may pag-usisa at hindi maipahayag na pagsinta, ang mata ng lalaki ay dahan dahan ring sinuri ang bawat pulgada ng balat nito at ekspresyon.

Maginhawang napabuntong hininga si Ye Wan Wan at mabilis na ginamit ang kanyang kamay upang hawakan ang kanyang buhok upang mapigilan ang muling paglaglag ng mga ito.

Sa pagkakataong ito, bumalik sa dati si Lin Que at sabik na sinabing, "9th brother! Sa wakas, napag-isipan mo nang mabuti! Dapat dati mo pa inisip na maghanap ng katulad niya! Bakit mo hinayaang tapakan ka ng babaeng 'yon?"

Ye Wan Wan, "...Tinatapakan…"

Sinabi rin ni Lin Que, "Oh oo nga, nasaan ang pangit na babaeng 'yon? Pinalayas mo na ba siya?"

Ye Wan Wan, "...Pangit na babae... "

Sinabi ni Lin Que, "Pero kahit na hindi naman ganoon kasama ang itsura ni Ye Wan Wan 2 years ago noong nagsisimula pa lang kayo. Mataba siya! Siya ay at least 150 pounds!"

Ye Wan Wan, "...!!! Nonsense! Obviously 140 ako! Kahit na gahaman ako at tumaba ng malala noong kabataan ko, ang timbang ko ay hindi lumampas ng 150 okay?"

Lin Que, "9th brother, hindi ko maintindihan kung anong nakita mo sa kanya, bakit mo ka nagmamahal ng isang mataba?"

Ye Wan Wan, "...Mataba…"

Hindi na ito matiis pa ni Ye Wan Wan!

Walang babae ang kayang magtiis ng tawaging mataba!

Smack----

Biglaang ibinaba ni Ye Wan Wan ang chopsticks na hawak niya, ang kanyang mga mata ay para bang bumabato ng punyal patungo kay Lin Que----

"Lin! Que! Ano ngayon kung 150 pounds ako! Ano ngayon kung mataba ako! Hindi naman parang kinain mo mga kanin niyo!!"

avataravatar
Next chapter