183 Tinapak-tapakan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang mga galit na sigaw, nabalot sila ng katahimikan.

Humupa na ang love-strcuk na itsura ni Ye Wan Wan, at napalitan ito ng malamig at kawalang bahalang itsura.

Inayos ni Ye Wan Wan ang kanyang puting bistida, at dahan-dahang tumayo at tinignan ang parang nagulpi at pagod na teenager na balot ng damo ang buong katawan, bakas sa mukha niya ang galit at takot. "Oy Si Xia, tapos ka ng umarte?"

Galit na inangat ni Si Xia at tinignan ng masama si Ye Wan Wan.

Tumawa si Ye Wan Wan, "'Wag kang madismaya--nakaabot ka dito ng ganito itsura ko; magaling ka din."

Huminto saglit si Ye Wan Wan at napawi ang kanyang ngiti at napalitan ng pagkaseryoso, "Wala akong pake sa mga motibo mo, at wala din akong pake kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Si Ye Han, pero paki-usap, 'wag mo akong idamay dito. Walang lakas ang jie jie para makipaglaro sa 'yo! Rinig mo?"

Matapos n'on umalis na agad si Ye Wan Wan.

Sa likod niya, madungis ang itsura ni Si Xia. Nung nahulog sila, napagulong siya sa damo at putik at nawalan din ng mga butones. Mukha siyang tinapak-tapakan.

Matapos umalis ni Ye Wan Wan, nagising din ang diwa niya. Ikinuyom niya ang mga kamao niya at napamura na lang.

Malamig ang simoy ng hangin sa gabi at malamig din ang sinag ng buwan sa ulo niya.

Nanatili siyang nakaupo habang tuliro pa din sa nangyari.

Maya-maya, dahan-dahan niyang isinubsob ang ulo sa kanyang mga tuhod, nanginginig ang kanyang likod at ikinuyom ang mga kamay sa damo, "Hindi ikaw.."

Mas lalo naging mapanglaw ang boses nito, "Hindi ikaw ang jie jie ko…"

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Nang para bang nailabas niya na ang lahat ng galit niya. Ang mapanglaw niya boses na puno ng kasakiman ay biglang nanghina, "Ang ate ko… hindi niya 'to gagawin sa 'kin."

...

Sa sumunod na umaga.

Nagising si Ye Wan Wan sa mga sigaw ni Jiang Yan Ran.

"Ah——"

Nakita niya ang babaeng nakaupo na may pagkagitla, puno ng pagkabalisa ang kanyang namumulang mga pisngi.

Mukhang huminahon na siya at naalala ang mga pangyayari kagabi.

"Gising ka na?" hikab ni Ye Wan Wan.

Lumingon sa kanya si Jiang Yan Ran, na parang paiyak na siya at magulo siyang nagsalita, "Wan Wan… ano… kagabi…"

"Anong nangyari sa 'yo kagabi?" umarte si Ye Wan Wan na parang wala siyang alam sa nangyari.

"Diyos ko po!" tinakpan ni Jiang Yan Ran ang mukha niya, "Kaga… kagabi, ang sama ng loob ko kaya uminom ako ng kaunti… tapos, tinawagan kita… sabi mo mag-antay ko don… sabi mo may pupunta para sumundo sa 'kin…"

"Tama nga! Anong problema?"

"Tapos, dumating si Chu Feng para sunduin ako pero nakita din ako ni Song Zi Hang tapos nag-umpisa siyang guluhin ako. Pinapilitan niya pang may nararamdaman pa ako sa kanya at sabing ginagamit ko lang daw si Chu Feng para gumanti at pukawin siya… sinaktan niya pa nga si Chu Feng…"

"Tapos?"

Mas lalo pang namula si Jiang Yan Ran, "Tapos n'on, sa sobrang inis ko at para mapatunayang mali si Song Zi Hang, hinalikan ko si Chu Feng sa harap niya! Diyos ko… Hinding-hindi na ako iinom ulit…"

"Oh, talaga, dapat uminom ka pa nga eh…"

Hindi narinig ni Jiang Yan Ran ang binulong ni Ye Wan Wan habang siyang nagugulahan, "Hindi nga ako sigurado sa nararamdaman ko kay Chu Feng, bakit ko ginawa 'yon? Baka magkamali yung iisipin niya! Malala pa nito sabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya simula kagabi!"

Aiya, mas maganda pa ito sa inaasahan ko!

Tumawa si Ye Wan Wan, "Ang swerte ng lalaking 'yon, huh? Nakakaselos naman!"

Bukod sa kasama niya ako bilang isang matulunging espiritu, kasama niya pa ang Diyos sa tabi niya!

Nainis si Jiang Yan Ran, "Wan Wan, 'wag ka ngang magbiro. Dali at mag-isip ka ng paraan para makalabas ako dito, anong gagawin ko na?"

Walang alinlangan na sumagot si Ye Wan Wan, "Simple lang. Sabihin mo lang na masyado kang maraming nainom kagabi at hindi mo sinasadya yung mga ginawa at sinabi mo n'on."

Kumislap ang mga mata ni Jiang Yan Ran, "Pwede kong gawin 'yon?"

Tumango si Ye Wan Wan, "Oo naman. Tapos, makalipas ang ilang araw may isang bangkay ng lalaki ang mahahanap sa sapa ng Qing He!"

Jiang Yan Ran: "..."

"Pfff…" tawa ulit ni Ye Wan Wan, "Biro lang. Kung 'di mo talaga siya gusto, edi mas maigi yung malaman na agad ni Chu Feng!"

Agad namang sumagot si Jiang Yan Ran, "Hindi naman sa hindi ko siya gusto... pero.."

Naintindihan ni Ye Wan Wan ang nararamdaman niya--tutal, teenager pa lang siya. Hindi maiiwasan na maguguluhan siya, sa dami pa naman ng nangyayari ng sabay-sabay.

Napaisip si Ye Wan Wan at tumayo, lumapit siya sa bintana at hinawi ang mga kurtina at sabi kay Jiang Yan Ran, "Yan Ran, halika at tignan mo 'to, saka ka gumawa ng desisyon."  

avataravatar
Next chapter