356 Tatawagan si Si Ye Han

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, biglang nag-blink ang kanyang phone, pinapakita nito na may notification na galing sa Weibo.

Ilang minuto ang lumipas, sa labas ng makalumang bahay ng Ye family.

Sa isang kotse na nakatago sa dilim ay may isang lalaki na nakaupo sa backseat na may malamig na itsura.

Sa driver seat ay si Xu Yi na halos kalahating oras nang tahimik na nagmumura.

Pauwi na sana sila papuntang Jin garden pero sa huli, naisip ni master na mag-iba ng daraanan at sinabi niyang tumungo sila sa ibang direksyon papunta sa ibang lugar. At habang papunta pa lamang sila sa naroroonan, pinahinto ni master ang kotse sa isang gilid.

Hindi niya alam kung anong intensyon ni master kung bakit sila pupunta sa lugar na hindi niya pa nakikita, at hindi niya rin alam kung bakit pinahinto ni master ang sasakyan; ngunit nalaman niya na ang pakay ni master nang makita niya na ang lugar na iyon ay ang lumang bahay ng Ye family.

Leche! Kasinungalingan ang sinabi niyang pupunta kami sa ibang lugar; sinadiya niya na daanan namin ang magandang pokpok niya 'di ba?

Habang nagmumura si Xu Yi biglang nag-ring ang phone ni Si Ye Han kaya kinabahan siya sa sobrang takot.

Pagkatapos nun, sumilip siya at nakita niya na ang taong tumatawag ay si… Ye Wan Wan.

P*********! Hindi ba dumali ang babaeng iyon sa kaarawan ng lolo niya?

Bakit niya naman tatawagan si master ng ganitong oras?

Habang kumakabog ang kanyang puso, napahinto ang kanyang master na nasa backseat bago nito sagutin ang tawag.

Ilang segundo lang at maririnig ang boses ng babae na galing sa phone...

[Mr. Gu, pwede ko bang makuha ang mikropono?]

Nandilim ang paningin ni Si Ye Han nang marinig niya iyon.

Hindi makagalaw si Xu Yu. Ano ang ibig sabihin nito?

Parang may ibang kausap si Ye Wan Wan? Tapos ang apelyido ng taong iyon ay "Gu"? Hindi kaya si… Gu Yue Ze iyon?!

Matapos nito, nagpatuloy na magsalita si Ye Wan Wan at maririnig ang kanyang boses sa phone...

[Mga kagalang-galang na bisita, kaibigan…]

[Pasensya na sa inyong lahat, pero gusto kong i-anunsyo sa inyo na, ako si Ye Wan Wan, ay hinhinto ang engagement namin ni Mr. Gu Yue Ze…]

[Naiintindihan ko na nagagalit ka Mr. Gu pero pasensya na, wala talaga akong nararamdaman para sa iyo…]

[May mahal na akong iba…]

...

Sa parehas na oras sa banquet hall, pagkatapos marinig ni Gu Yue Ze ang pagbabanta ni Ye Wan Wan, may bakas ng lamig ang bumalot sa kanyang mga mata.

Malamang, ayaw niyang malaman ng ibang tao na ang kanyang fiancee ay naging girlfriend ni Si Ye Han.

Kung ibang lalaki na lang sana na mas mababa sa estado niya, wala siyang pakialam doon-- pero sa lahat ng mayayamang mga anak sa Imperial City, ang kinakatakutan niya sa lahat… sa lahat, ay si Si Ye Han na boyfriend ngayon ni Ye Wan Wan.

Hindi kwalipikadong tingnan ng kahit ang mga maharlikang pamilya si Si Ye Han.

Habang tahimik at walang muwang ang itsura ni Gu Yue Ze, tinikwas ni Ye Wan Wan ang kanyang palda at mabilis siyang umalis.

Sa mga oras na iyon, nag-grupo grupo ang ilang mayayaman na mga masters at pinag-usapan nila ang nakakabiglang rebelasyon na narinig nila.

"Da… damn! Mali ba ang narinig ko? Ang mahal nating prinsipe Gu ay hiniwalayan ng isang babae?"

"Hindi lang siya hiniwalayan--inanunsyo rin ng fiancee niya na may mahal na itong ibang lalaki at gusto pang ipatigil ang engagement nila ni Gu Yue Ze--may Siberian plain sa ulo niya!"

"Hindi ko inaasahan na haharap pala sa araw na ito ang mahal na prinsipe!"

Maayos na sana ang plano ni Gu Yue Ze--ipapatigil niya ang engagement nila ni Ye Wan Wan at iaanunsyo niya ang engagement nila ni Ye Yiyi. Kung gumawa ng eksena si Ye Wan Wan sa pagitan nilang dalawa, mas kapaki-pakinabang ito sa kanya.

Pero hindi niya inasahan na sa huli, ipagmumukha siyang tanga ni Ye Wan Wan. Naramdaman niya na tinakwil siya sa pinaka nakakahiyang paraan sa balat ng lupa.

Hindi lang si Gu Yue Ze ang apektado sa nangyari--biglang nanigas ang reaksyon ng kaaya-aya at maliit na mukha ni Ye Yiyi.

Malinaw na dapat si Ye Wan Wan ang hihiwalayan ni Gu Yue Ze sa harap ng lahat, pero sinira ni Ye Wan Wan ang plano niya, kaya mukhang kinukuha ni Ye Yiyi ang lalaking pinag-ayawan na ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter