381 Tanging tsansa mo para makabalik

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang tingin ni Ye Wan Wan ay na kay Luo Chen lang, upang maiwasang makatakas sa kaniyang tingin. "Naiintindihan?"

Iniisip pa din ng mabuti ni Luo Chen ang ibig sabihin ni Ye Wan Wan sa pangatlo niyang sinabi, ngunit ng narinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan, napatango na lang siya.

Hindi nasisiyahan si Ye Wan Wan. "Magsalita ka."

Nagmamadaling sumagot si Luo Chen, "Naiintindihan!"

Naging mabait ang itsura ni Ye Wan Wan. "Kung meron man akong gustong gawin sayo, sana ginawa ko na una palang - bakit pa ako maghihintay hanggang ngayon? Ang nakikita ko sayo ang tunay mong halaga."

"Alam ko na maraming mga manager ang katulad sa mga bugaw - hindi lang sa meron silang unspoken rules sa mga artistang hawak nila, ngunit umiinom din sila ng kanilang mga artista at natutulog kasama nila."

"Dahil dito ay nakasanayan na sa showbiz, na ang mga artista na seryoso sa kanilang pag-arte at gusto pumunta sa tamang landas ay nagiging mangmang sa paningin ng iba."

"Ngunit hindi ko maipapangako na hindi ka pilitin na gawin ang mga bagay na iyon; kasama mo ako kahit anong mangyari at isang bagay lang kailangan mong pagtuunang pansin--galingan mong umarte!"

"Dahil base ito sa iyong suliranin kaya dapat lang kitang paglaanan ng aking lakas!"

Nang marinig niya iyon, naging masigla ang itsura ni Luo Chen nang buong tapang niyang sinabi, "Magsisikap ako ng mabuti."

Umupo si Ye Wan Wan at mahigpit na tinitignan si Luo Chen. "hindi lang sa kailangan mong paghirapan ito, ngunit kailangan mo din lumaban ng nakatalikod ka sa tubig [1]; ito lang ang tanging paraan mo para makabalik."

"Alam mo sa sarili mo na nakabantay si Zhou Wen Bin sa atin. Ang tanging rason kung bakit tayo nagtagumpay ngayon ay dahil sa sinunggaban natin ang pagkakataon at tayo ay nasa tamang lugar sa tamang oras, kaya hindi niya tayo mapipigilan kahit gustuhin man niya."

"Kapag pumalpak ka ngayon, ang lahat ng ginawa mo ay mapupunta sa wala at hindi ka na ulit maaaring makakuha ulit ng magandang oportunidad habang buhay!"

"Kuha ko."

"Mabuti at naintindihan mo. matulog ka na ng maaga at paguusapan natin ang mga linya mo bukas."

"En."

...

Lumang tirahan ng pamilya Si.

Tumingin ang old madam sa mga nakasalansan na dokumento sa loob ng brown na paper bag at nanginig ng malakas ang kaniyang mga daliri. "Ito...Ito ay…"

Isang maayos na nakabihis na socialite ang umupo sa tabi ng old madam at nag-aalalang sinabi, "Lola, wag kang mabalisa! Hindi ko ipinakita ang lahat ng ito sayo noon dahil nag-aalala ako na baka sumama ang loob mo!"

Tumingin ang old madam sa nakasalansan na dokumento patungkol kay Ye Wan Wan na nasa loob ng paper bag at puno ng galit at pagdududa. "Lehitimo ba ang lahat ng ito?"

Agad na sumagot ang socialite, "Walang duda! Lola, kung hindi ka naniniwala sa mga ito, ikaw na mismo ang tumingin!"

"Lola, sana wag mong masamain ang pakikialam ko. May narinig akong konting masamang mga bagay tungkol kay Ye Wan Wan mula sa mga ate ko sa grupo ko, pero hindi ko pinaniwalaan noong una. Kung sabagay, naniniwala naman ako sa panlasa ni 9th brother pero sobrang makatotohanan ng mga kwentong sinasabi nila tungkol kay 9th brother, kung kaya nagimbestiga ako ng magisa. Hindi ko alam yung katotohanan kung kaya inalam ko ito magisa at nang malaman ko ito, walang sinuman ang makakapagsabing maraming mga hindi kapanipaniwalang bagay ang malalaman ko…"

"Itong si Miss Ye hindi lang gumamit ng drugs, ngunit malandi din siya--naghahabol siya ng ibang lalaki habang sila ng 9th brother...ito...ito ay talagang…"

"Ang aming 9th brother ay isang napaka kilalang lalaki - paano niya nagagawang ligawan ang lapastangang babaeng iyan?"

Puno ng pagkagalit ang boses ng socialite.

Ipinikit ng old madam ang kanyang mata. Matapos ang ilang sandali, pinigilan niya ang kanyang emosyon at sinabi, "Ok, nakuha ko na, makakaalis ka na!"

Kinunot ng socialite ang kanyang kilay. "Lola, anong plano mong gawin dito kay Miss Ye? Narinig ko din na talagang nahulog na ang 9th brother sa babaeng iyon; ikaw lang tanging tao na makakapag kumbinsi kay 9th brother!"

Matalim ang tingin ng madam sa kanya. "Alam ko ang gagawin ko, Qin Yu. magdahan dahan ka sa sinasabi mo - wala kang pagsasabihan ng tungkol dito."

avataravatar
Next chapter