839 Tanging sayo lang nahuhumaling

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa may sala:

Umupo si Ye Wan Wan at Si Ye Han sa may sofa. Hindi naglakas loob ang limang mercenary na huminga ng malakas habang sila ay nakatayo sa isang pila, nanginginig habang naghihintay ng kanilang parusa.

Mahigpit na sinuri silang lahat ni Ye Wan Wan. "Mayroon ba kayong ideya kung sino ang lalaking nasa aking tabi ngayon?"

Kabadong napabulalas ang mataba, "Opo! Asawa… asawa ng aming pinuno!"

Halos masamid si Ye Wan Wan sa kanyang sariling laway at nakakunot siyang tumingin sa mataba.

Kaagad na pinalitan ng mataba ang kanyang sinabi. "Hindi hindi hindi… siya ang aming master - siya ang aming magiging master sa hinaharap!"

Umubo si Ye Wan Wan saka seryosong sinabi, "Mabuti at alam ninyo iyan. Sa susunod, huwag na ninyong gagawin ang lahat ng kalat at maduming plano- mukha ba akong isang malibog at manyak na tao?"

Group of five: "…"

Oo… mukha ka nga isa, okay!

Ito ay isang usap-usapan na ang Black Widow ay mayroong sampung libong mga lalaki, okay...

Iniling nila ang kanilang ulo at sabay-sabay na sinabi, "hindi! hindi hindi hindi! Master, ikaw ang pinaka tapat at maaasahang tao sa mundo. Dumi ang iyong tingin sa ibang mga lalaki!"

Natuwala lamang si Ye Wan Wan matapos marinig iyon. "En, alalahanin ninyo iyan. Bumaba na kayo!"

Para bang sila ay nakatanggao ng pabor at mabilis na tumakbo hanggat maaari.

Matapos umalis ng limang tao, kaagad na pinakita ni Ye Wan Wan ang kanyang katapatan. "Heh heh, baby, huwag ka mag-alala. Sayo lang ako nahuhumaling~"

Sa wakas, nagawang makaligatas ni Ye Wan Wan sa kalamidad na ito. Sa sumunod na araw, dumating si Ye Wan Wan sa VIVI magazine studio ng buhay.

Sa may studio, nag-uusap ang mga nagta-trabaho.

Bumuntong hininga ang makeup artist habang nagtitingin sa Weibo. "Ay, nakita naba ninyo ito? Ang sales volume ng Beauty magazine sa linggong ito ay umabot ng sampung libo…"

Ang lighting technician ay nagulat at sumigaw, "sobrang taas? doble sa karaniwan! Nabasag nila ang bagong record!"

Bumuntong hininga ang maliit na assistant. "Oh well, gusto ng lahat ng tsismis at skandalo. Sa oras na ito, si Gong Xu at Lucy Yang ang mainit nausapan ngayon at pati na ang pag-alis ni Gong Xu sa Dazzling, ito ay garantiya na ang kanilang kita ay sasabog! Masama na pumalit sa atin ang artista para sa week's issue na ito. Magiging kami ang tatawa ulit kapag lumabas na ang issue na ito…"

Nagtanong ang lighting technician, "Oh tama, sino ang kapalit na artista na kinontak ng chief editor?"

Sumagot ang munting assistant, "narinig ko na si Gong Xu yun."

Nagulat ang lighting technician. "Ano? Si Gong Xu ulit? Sinusubukan ba nilang makipag kumpitensya sa Beauty? Kung gagayahin natin ang VIVI at pipiliin ang sariling artista ngunit talo pa din, magiging maayos para sa ating matalo sa pagiging flaked out sa halip na subukan natin silang gayahin…"

"Tama! Nakakahiya ito!"

Sa sandaling ito, ang photographer, na si Xiao Yu Tong, ay pumalakpak at sinabi, "tumigil na kayong mag-usap - parating na dito ang artisa."

Sa sandaling sabihin niya iyon, angmga yapak ng paa ay dumating na sa may pintuan. Magkasamang pumasok si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan kasama si Gong Xu at Luo Chen.

"Ah ah ah ah ah! Si Gong Xu! Sobrang gwapo niya!" tumili ang munting assistant.

Kahit na sanay na silang makakita ng mga gwapong lalaki sa kanilang trabaho, ang sariling istilo at alindog ay nakakapang-akit.

Naghihinalang sinabi ng lighting techinician, "bakit narito din si Luo Chen?"

"Narinig ko na silang dalawa ay magso-shooting magkasama para sa cover ngayon," sagot ng munting assistant.

"Nagbibiro ka - bakit mayroon tayong dalawang lalaki sa cover? Nawawala na ba sa katinuan ang chief editor mula sa pagiging masyadong pang-aaasar?"

"Sinong nakakalam sa kung anong iniisip ni chief editor…" bumulong ang munting assitant habang pinapanuod na pumasok ang apat - sila ay isang piging sa kanilang mga mata. "Pero si Luo Chen at Gong Xu ay talagang gwapo ah ah ah, at iyon bang nasa tabi nila ay ang kanilang manager? Pati ang kanilang manager ay sobrang gwapo din! Wow, sino ang nasa likod nila, huh? Bakit sobrang taas ngayon ng attractiveness index…"

avataravatar
Next chapter