624 Tanga siya!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nakadepende pala 'yan sa pagsasagawa mo…"

Paano naman matiis ni He Jun Cheng ang ganitong pang-iinis? Agad siyang umugong at sumunggab sa kanya...

Napuno ulit ang kwarto ng mga nakakasukang tunog...

Sa sandaling ito, nakinig si Ye Mu Fan sa pag-uusap nina Shen Meng Qi at He Jun Cheng at nawala na ang lahat ng kulay sa kanyang mukha. Pulang-pula ang kanyang mga mata at marahas na nanginginig ang katawan niya.

Sabik na hinaplos ni He Jun Cheng ang katawan ni Shen Meng Qi. "Baby, ano 'yung nasa leeg mo? Nakaharang!"

Bakas ng pagdudusta ang boses ni Shen Meng Qi na para bang may nakitang nakakauka. "Eh, ito? Walang kwenta na binigay sa akin ni Ye Mu Fan! Haha, alam mo ba? Gusto akong pakasalanan ng barusa na 'yon - nagbibiro ba siya!"

Tumawa si He Jun Cheng. "Hahaha… tanga talaga siya! Nakasuot na nga siya ng berdeng sumbrero, pero nagpupuyat pa din siya para magdisenyo para sa akin!"

"Haha…" hindi na matigil sa kakatawa sa sobrang tuwa ni Shen Meng Qi.

Hinablot ni He Jun Cheng ang kwintas sa leeg ni Shen Meng Qi at hinagis sa sahig.

Nasira ang pihikan at magandang kwintas at nahulog sa sahig nang may tumunog na "dong" na para bang nawasak ang puso ng isang tao at nag-iwan ng malaking butas na may mga tulo pa ng dugo.

Tinitigan ni Ye Mu Fan ang kwintas na dilat na dilat ang kanyang mga mata at kasing dilim ng gabi ang kanyang mukha.

Para bang nalunod ang buong katauhan niya sa malamig at nagyeyelong dagat at tumutulo ang mga dugo sa kanyang kamay, pero nakatayo pa din siya, tulirong-tuliro, tinitignan ang eksena na ipinagbabawal na relasyong sekswal sa pagitan nina Shen Meng Qi at He Jun Cheng….

Sa isip niya, kumisap ang mga larawan nang unang beses niyang nakilala si Shen Meng Qi.

Sa unang beses niyang nakilala ito, ang mahiyain at inosente niyang maliit na mukha...

Nang magkalapit na sila, ang kanyang masayahin at sabik na itsura...

Ang kanyang marahan at mainit na suporta kapag mababa siya...

Pero sa sandaling ito, nadurog ang mga alaala at imahe sa isip niya sa nakitang eksena sa kwarto.

Umikot ang tyan ni Ye Mu Fan; tuluyan nang nagkagulo ang buong mundo niya...

Bakit… bakit hindi ko agad nakita...

Ha…

Tama...

Tama si Wan Wan...

Tanga ako...

Ganap na akong bobo...

Sa sumunod na segundo, may malakas na bang. Malakas na sinipa ni Ye Mu Fan ang sasalamin na pintuan na nahulog sa sahig at nabasag...

"AH AH AH——" Sa kama, sa sobrang takot si Shen Meng Qi sa biglang dumagundong napasigaw siya ng malakas.

Umabot na sa kritikal na sugpuan si He Jun Cheng at nanlambot sa sobrang takot. Agad niyang tinakpan ang mga pribadong parte niya at tumingin sa balkonahe. "P*TA! ANONG NANGYARI?! SINO 'YAN?"

Sinundan ni Shen Meng Qi at Hu Jun Cheng ang ingay at lumingon sa balkonahe. Nakita nila ang kalahati ng pintuan ay nasipa at isang matangkad na pigura ang nakatayo sa tabi no'n.

Nakatayo lang ang lalaki doon na nakayuko, naglalabas ng malamig na aura mula sa kanyang katawan.

Tinignan ng dalawa ang lalaki at sinusubukan alamin kung sino iyon.

Matapos na mariing pagtitingin nila ito, nagbago ang itsura ni Shen Meng Qi at agad niyang binalutan ang sarili ng kumot. "Mu… Mu Fan-ge…"

"Ye Mu Fan?" nagbago din ang itsura ni He Jun Cheng.

Bakas ang gulat sa dalawa nang may isa pang tao ang lumitaw sa likod ng pinto. Si Ye Wan Wan.

Nang makita na naroroon din si Ye Wan Wan, mas nagulat si Shen Meng Qi. "Ikaw… bakit kayong dalawa…"

avataravatar
Next chapter