1199 Talo ka na sa itsura pa lang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi ba't sinabi niya na hindi siya magiging malambot?

Sino pala ang clingy at malambot na babaeng ito na umaasta na parang isang spoiled na tao?

Naramdaman ni Gong Xu ang libo-libong pana na tumutusok sa kanyang puso habang pinapanood niya ang eksena na ito!

Tinakpan ni Tang Xing Huo ang nakakaawa niyang nabulag na mga mata at napaubo siya. Bigla niyang tinapik ang braso ni Gong Xu. "Condolence sayo pre. Talo ka na sa mukha pa lang!" 

"Manahimik ka!" Sinagot siya ni Gong Xu.

Pumitik ang dila ni Tang Xing Huo. "Ang pagkatao niya ay… parang mas maganda pa kumpara sayo…"

"Tapos ka na ba?"

"At may anak na sila!"

Gong Xu: "…"

Naubos kaagad ang kanyang HP.

Nakita ni Ye Wan Wan ang itsura ni Gong Xu at sigurado siya na sumuko na siya, kaya nakahinga na siya ng maluwag dahil dito. "Gabi na rin. Umuwi ka na."

Parang nawalan ng buhay si Gong Xu. "Hindi ako uuwi… gusto ko munang magpakalasing…"

Sumimangot si Ye Wan Wan. Bakit niya hahayaan si Gong Xu na uminom nang ganyan ang nararamdaman niya?

Tiningnan ni Luo Chen si Ye Wan Wan at kanyang sinabi, "Brother Ye, umuwi ka na at magpahinga. Sasamahan ko na lang siya."

Doon lamang napanatag ang puso ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Luo Chen. Hindi siguro magkakaroon ng problema kapag sasamahan ni Luo Chen si Gong Xu.

Ah, salamat na lang at may naninigurado sa akin.

Kinakatakot ni Ye Wan Wan na magkaroon ng malaking problema kaya hindi na siya nagpadalos-dalos pa. Agad siyang pumasok sa kotse pagkatapos niyang mamaalam sa kanilang grupo.

Maingat na umalis ang itim na kotse na si Xu Yi ang nagmamaneho.

Sa likod, kabadong nagsalita si Baby Tang Tang na nasa pagitan ni Si Ye Han at Ye Wan Wan, "Mommy, pasensya na. Hindi ka pinakinggan ni Tang Tang na matulog…"

Paano magagalit sa kanya si Ye Wan Wan? "Wala iyon. Masayang-masaya si Mommy dahil pumunta si baby para sunduin si Mommy!"

Walang prinsipyo na pinanghahawakan si Tang Tang pagdating kay Ye Wan Wan at gayundin si Ye Wan Wan sa kanya. Ang pinaka-importanteng prinsipyo ni Ye Wan Wan ay yung wala siyang prinsipyo.

Guminhawa ang loob ng bata. Binalot ng pag-aalala ang mukha ng bata nang bumulong siya, "Kasi… Tang Tang… nag-aalala si Tang Tang na baka uminom si Mommy…"

Kinakalimutan ni Mommy si Tang Tang kapag umiinom si Mommy.

Ito ang isang bagay na hindi niya matanggap, kaya hindi niya pinakinggan si Ye Wan Wan sa pagkakataon na ito.

Agad na sumagot si Ye Wan Wan, "Huwag kang mag-alala! Tutuparin ni Mommy ang pangako niya kay Tang Tang!"

Kanina sa Little House or Rose, nandoon ang mag-ama:

Kinumutan ni Si Ye Han si Tang Tang sa kanyang kama. "Matulog ka na."

Malungkot ang bata. "Kailan uuwi si Mommy?"

"Gabing-gabi na."

"Anong oras yung gabing-gabi?" Tanong ng bata.

"Hindi ko masabi."

"Pumunta ba sa selebrasyon si Mommy?"

"Pumunta siya ng banquet."

Agad na sumimangot si Tang Tang. "Banquet? Umiinom ba ng alak ang mga tao na nasa banquet?"

"Oo."

Biglang napatayo ang bata na parang nakaharap niya ang kanyang mortal na kalaban. "Edi… edi iinom si Mommy?"

Tiningnan siya ni Si Ye Han at sumagot it, "Baka."

Nabaliw si Tang Tang. "Pero! Hindi ba't nangako siya sa akin na hindi na daw siya iinom?"

"Sa tingin mo ba ay nakikinig siya sa akin?"

"Pero si Mommy ay nakikinig kay Tang Tang!"

Kalmado siyang tiningnan ni Si Ye Han. "Sana."

Agad na bumigat ang loob ng bata dahil sa mga sinabi ni Si Ye Han.

Nakahiga sa kama si Tang Tang. Noong aalis na sana si Si Ye Han, bigla niyang inabot ang manggas ni Si Ye Han. "Daddy…"

Napahinto si Si Ye Han at tiningnan niya ang bata.

Sumagot ang bata na binabalot ng pangangamba ang mukha, "Pwede ba nating sunduin si Mommy?"

"Gabing-gabi na. Matulog ka na."

Lalong nabalisa ang bata. "Pero, nag-aalala ako para kay Mommy…"

Kaya walang nagawa si Si Ye Han kung hindi sundin ang request ng bata na sunduin si Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter