1056 Talagang malakas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang Martial Arts Union ay isang superyor na bersyon ng ordinaryong martial arts association at ang pagtitipon ng mga nangunguna pero tago na mga eksperto?" tanong ni Ye Wan Wan.

SInabi ni Mu Suifeng na may ngiti sa labi, "Magandang interpretasyon na iyan."

"Mr. Mu, miyembro ka ba ng Martial Arts Union?" tanong nin Ye Wan Wan.

Kung hindi, bakit alam ni Mu Suifeng ang ganitong mga bagay na hindi alam ng mga pang-karaniwang tao?

Marahang nanghimutok si Mu Suifeng, "Madaming sangay ang Martial Arts Union sa buong mundo. Ilang taon noon, mayroon akong pwesto sa Harbor City na sangay ng Martial Arts Union, pero nabuwag ang sangay, kaya umalis na din ako."

"Ganoon pala…" nang makita ang lungkot sa itsura ni Mu Suifeng, hindi mapigilang magtanong ni Ye Wan Wan, "Bakit nabuwag? May… nangyari ba?"

Bumulong si Mu Suifeng, "Buweno, biglaan ang mga nangyaring pangyayari noon. Walang anumang balita mula sa headquarters at isang hamak na manager lang ako, kaya hindi ko alam ang nangyari. Matapos kong umalis, naging businessman ako."

Napailing si Ye Wan Wan. "Hm…"

Nang inalis na ni Mu Suifeng ang sarili mula sa kanyang memorya, nalulungkot niyang sinabi, " Pasensya na, aksidente kong naibuhos ito sa 'yo ng hindi ka inaalala."

Sinabi ni Ye Wan Wan ng may ngiti. "Walang problema, interesado sa sinabi mo! Hindi ko alam na may ganitong lugar pala!"

May mga eksperto na kumakalat sa daan--kinilabutan si Ye Wan Wan sa naisip.

Sandaling pinanood ni Mu Suifeng si Ye Wan Wan. Napawi ang paghihinala niya nang makita ang musmos at tapat na itsura ng babae.

Mu Suifeng: "Kung interesado si Miss Ye, pwede tayong lumabas kung may oras ka, at pwede natin habaan ang pag-uusap natin. Sasagutin ko ang mga tanong na mayroon ka."

Ye Wan Wan: "Sige! Salamat, Mr. Mu!"

Mu Suifeng: "Walang anuman, Miss Ye!"

Matapos na magpaalam ni Ye Wan Wan kay Mu Suifeng, kasama ni Ye Wan Wan ang limang gwardya pabalik sa Little House of Rose.

Dahil sa hindi pa nakakarating si Si Ye Han, umakyat si Ye Wan Wan para hanapin si Tangtang.

Sa ibaba, hinintay ng limang gwardya si Xu Yu na bumalik para mag-ulat sa kanya.

Matapos umalis ni Ye Wan Wan, masigasig na nag-usap-usap ang lima.

"Hindi mo talaga mahuhusgahan ang tao sa kanilang itsura! Sobrang lakas ni Miss Ye!"

"Paano naging nakakatakot sa isang babae? Pakiramdam ko isa akong talunan!"

"Kama-kailan lang narinig ko sa ibang mga gwardya na pinag-uusapan si Miss Ye no'n. Sinabi nila na si Miss Ye ang nagturo kay Captain Eleven at Head Captain Feng at master daw nila ito. Hindi ko pinaniniwalaan ito noon at akala ko na kalokohan lang! Totoo nga talaga!"

"Oo nga, sino sa tingin niyo ang mag magaling sa pagtian ni Miss Ye at Miss Qin?"

Sabik na nag-uusap ang lima na hindi nila napansin na nakabalik na si Si Ye Han at Xu Yi at nasa likuran lang nila ang mga ito.

Nakaramdam ng mali si Xu Yi habang nakinig siya sa usapan.

Anong ibig nilang sabihin na 'masyadong malakas si Miss Ye'?

Hindi lumaban si Miss Wan Wan, 'di ba?

Naalala niya na ipinagbawal ng kanyang master na lumaban si Miss Wan Wan...

Bago pa mas makapag-isip si Xu Yi, narinig niya ang isa sa mga gwardya na sabik magsalita, "T*ngina! Hindi ba halata? Kahit na ang basura na si Yamamoto Tsubasa ay malupit na nabubog ng ating Miss Ye!"

Nag-iba ang itsura ni Xu Yi. Nang pipigilan niya na sana ang mga ito, nahuli na.

Mabilis na dinagdag ng isang gwardya, "At ang Sun Xuezhen na iyon! Talagang nagtangka siya na pukawin si Miss Ye natin! Hindi ba sa halip ay tinuruan pa siya ng leksyon ni Miss Ye?!"

Si Ye Han: "…"

avataravatar
Next chapter