1027 Talagang kakaiba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan sa gubat:

Linggo na kaya naman tumakbo si Ye Wan Wan at ginawa ang kanyang karaniwang stamina training.

Mula nang pinag-umpisa siyang magtrain ni Si Ye Han, sinigurado niya na nagtrain siya ng dalawang oras araw-araw. Mahirap sa umpisa pero naging kinagawian na ito ngayon. May nga araw na nataramdaman niya na hindi siya nag-ehersisyo.

Nang lumipas ang oras, bahagyang nawala ang tamad na pakiramdam niya sa kanyang katawang mula sa kakulangan ng ehersisyo.

Sa hindi kalayuan mula sa maliit na gubat, patagong nagbubulungan ang grupo ng mercenary.

Mayroong pagsisisi sa mukha ni Heidi "*sigh* Ang tagal na din, wala nang ginawa ang Master kung hindi mag stamina training araw-araw at wala pang nagagawang martial arts. Plano ko pa naman na palihim matuto ng ilang mga galaw!"

Puno ng paghanga ang mukha ni Tang Bin. "Hindi na nakakapagtaka na si Master ay Master, talagang kakaiba nga siya tulad ng inaasahan!"

Sabik na tinanong ni Jiaojiao, "Oo nga pala, gaano ba kalakas ang lakas ni Master sa martial arts?"

Hinaplos ni Song Qiang ang baba niya. "Hm, mahirap masabi. Gayunpaman, sobrang galing niya!"

Nagsalita si Old Jiang matapos mapag-isip. "Ang kalagayan ng Master ay… talagang kakaiba… para madalas mag-ensayo sa martial arts, madali mong makikita sa kanilang ugali at galaw dahil sa nakatanim ang mga kinagawian. Gayunpaman, hindi nagpapakita ng anumang bakas ng kanyang pag-eensayo at parang normal na tao lang."

Nang matapos ni Ye Wan Wan angk anyang pagtakbo, nakita niya ang limang nagkukumpulan at mapaghinalang tinanong ang mga ito, "Bakit nakaluhod kayo diyan?"

"Master!" sabay na pagbati ng lima sa kanya.

Kinuskos ng mataba ang mga palad niya na may ngiti sa labi. "Master… sa totoo lang… gusto namin kumuha ng ilang mga galaw mula sa inyo ng palihim!"

"Kumuha ng mga galaw?" pag-ulit mi Ye Wan Wan na nakaangat ang mga kilay.

Puno ng pagpupuri ang itsura ng mataba. "Opo… Master, siguro malakas talaga ang martial arts mo, tama! Kung matututunan namin ang ilang mga galaw, malaki ang magiging pakinabang namin!"

Nang marinig ito, natigilan si Ye Wan Wab at hindi alam kung paano sasagot.

Ang dahilan kung bakit nagawa niyang turuan si Eleven, Feng Xuanyi, at ang iba ay sa kanyang kahusayan sa pagpira-piraso ng galaw ng ibang tao at nakikita sa kahinaan, pero personal siyang walang alam na mga technique o mga galaw o natutunan niya mula sa anumang pagdidisiplina.

Ang mga coach na kinuha ng kanyang papa ang nagturo sa kanya ng Sanda at taekwondo.

Ang Sanda ang pangkaraniwang wrestling technique sa China pero wala anumang espesyal ang mayroon doon, at hindi na kailangan pang banggitin ang taekwondo. Kayang takutin ng taekwondo ang mga ignoranted tao, pero nakilanlan ito sa mundo ng martial arts para itampok ang magaganda pero walang kwentang mga galaw.

Ang dalawang istilo ng martial arts ay halatang hindi umayon sa misteryoso at mabagsik na karakter ni Black Widow...

Anong gagawin niya? Wala siyang ibang alam at walang maimbento na disiplina o galaw ng basta-basta!

Lumihis ang tingin ni Ye Wan Wan habang maiging nag-iisip bago siya marahang umubo at walang malay na sinabi, "Anong mga galaw? Anong mga technique? Masyadong mababa ang mga 'yon! Ang pinaka-nakakahigit sa martial arts na dapat abandunahin ay ang mga pagkakasunod at anyo na kapansin-pansin sa tradisyonal na martial arts. Tutal, madaming bagay ang pwedeng mangyari sa totoong laban, at ang mekanikal at matigas na mga galaw ay hindi makakayanan iyon."

"Walang anumang galaw sa martial arts ang hindi madadaig, tanging ang mga hindi madadaig na tao lamang. Wala akong hugis tulad ng hugis ko, ginagamit ko ang walang paraan bilang paraan ko, at ginagamit ang walang hanggan bilang hangganan ko. Ito! Ito ang aking masasabi!"

Tuluyang nabihag ang lima habang nakikinig sa kanya at diliryong tumango. Namangha ang lahat sa narinig.

"Salamat sa iyong pagturo, Master!"

"Master, sobrang ganda ng sinabi mo!"

"Mas mainam pa ang makinig sa taong nagsasalita kaysa sa sampung taong pag-aaral mula sa mga libro!"

"Talagang karapat-dapat ka sa pagiging master, ang galing mo!"

Kumibot ang bibig ni Ye Wan Wan nang makit ang mga namangha nilang itsura.

Napagtanto niya na ang mga mapaglinlang niyang kakayahan ay mas lalong nagiging kamangha-mangha...

avataravatar
Next chapter