641 Tagumpay sa trabaho

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dali-daling pinasa ni Gong Xu ang kanyang phone.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang phone at nilitratuhan niya si Gong Xu. "Tapos na."

"Ang bilis naman. Isa lang yan? Hindi ba dapat kailangan rin ng litrato ng iba't ibang anggulo?" nadismaya si Gong Xu.

Nasulyapan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan ngunit bumalik ang tingin niya kay Gong Xu. "Magandang kuha ito kaya ito na din ang i-post mo. May appointment pa ako at marami pa akong gagawin ngayong araw."

Nilabas ni Ye Wan Wan ang script na galing sa drawer. "Basahin mo ang script na ito at siguraduhin mo na walang makakakita nito; hindi mo pwedeng ipaalam ito sa kahit sino."

Nagalak si Gong Xu nang makita niya ang script at naramdaman niya na parang nakita na ni Ye Wan Wan ang halaga niya. "Ye-ge, nakakatuwa at binibigyan mo na ako ng assignments. Makakasiguro ka na babasahin ko ito ng maigi!"

Tiningnan niya si Luo Chen at umalis ng kuntento ang kanyang damdamin.

Pagkaalis ni Gong Xu, inayos ni Ye Wan Wan ang mga assignments ni Luo Chen sa mga darating na mga araw.

Sa wakas, natapos na si Ye Wan Wan sa ibang gawain niya at handa na siyang humarap kay Ye Mu Fan.

"Magandang tanghali, Mr. Ye Mu Fan. Pasensya na at pinahintay pa kita. Maupo ka muna dito!"

"Magandang tanghali din po, direktor Ye. Marami na po akong nalaman tungkol sa mga nagawa mo para sa Dazzling." nerbyosong bumati si Ye Mu Fan.

Natawa si Ye Wan Wan. "Talaga ba?"

Mabilis na sumagot si Ye Mu Fan, "Oo naman po, maraming mga kumakalat na balita tungkol sayo. Hinangaan ko ang lahat ng mga nagawa mo noon. Hindi ko nga lang inasahan na bata ka pa pala at…"

"Ano?"

"Wala, Wala po…" Naisip ni Ye Mu Fan na mamasamain siya ng direktor kapag sinabi niyang kamukha niya ang babae niyang kapatid, kaya nanahimik na lamang siya.

Naglabas ng kontrata si Ye Wan Wan at kanyang sinabi, "Di-deretsohin na kita. Ano sa tingin mo? Interesado ka bang makapasok sa Dazzling?"

Biglang nanigas si Ye Mu Fan. "Papasok… sa Dazzling… hindi ko po naiintindihan ang sinasabi niyo…"

Hindi ito isang interview kung hindi, iniimbitahan ako ni Ye Bai na pumasok sa Dazzling? Paano nangyari ito...

"Iniimbitahan kita na makuha mo ang posisyon na head stylist ng Dazzling." hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ye Wan Wan.

"Ano? Head stylist?" nabigla si Ye Mu Fan at hindi siya makapaniwala saa narinig niya. "Sigurado a ba direktor Ye… baka maling tao ang kinukuha mo sa posisyon na ito?"

Ye Wan Wan: Ikaw ang dating direktor ng procurement, ang assistant stylist ng Assembly of Stars na si Ye Mu Fan, hindi ba?"

"Ooo-opo… ako iyon…" nabigla si Ye Mu Fan at medyo nalungkot siya, "Hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag ang relasyon ko sa Ye group… Ako ay isang hamak na asong gala sa ngayon at ako noon ang assistant ng Assembly of Stars Entertaiment. Hindi na nga lumalabas ang pangalan ko sa mga importanteng kapulungan eh, kaya bakit ako ang pinili mo para sa mahalagang trabaho na ito?"

"Bakit? Hindi mo ba kayang galingan sa trabahong ito?" nagtanong si Ye Wan Wan.

Mahigpit na sinara ni Ye Mu Fan ang kanyang mga kamao. "Kayang kaya kong galingan. Natatakot lang ako na baka magsisi ka sa desisyon mo, direktor Ye."

'Wag kang mag-alala. Ako mismo ang may gustong kumuha sayo at ginawa ko na rin ang mga pananaliksik ko tungkol sayo."

Hindi maiwasang maisip ni Ye Mu Fan kung alam ba ni Ye Bai ang tungkol sa kasunduan nila ni He Jun Cheng. Kung hindi, wala siyang maisip na dahilan kung bakit siya hinanap ni Ye Bai.

"Anong desisyon mo?" tinanong ni Ye Wan Wan.

Huminga ng malalim si Ye Mu Fan. "Kung kagustuhan ni direktor Ye na ipagkatiwala sa akin ang trabahong ito, isang karangalan sa akin na tanggapin ito."

Ngumiti si Ye Wan Wan at tumayo siya. "Magkaroon sana tayo ng matagumpay na pagsasama sa trabahong ito, Mr. Ye Mu Fan!"

"Tagumpay… tagumpay sa trabaho natin…" Sa oras na iyon, hindi makapinawala si Ye Mu Fan. Noong una ay hindi siya umaasa na makukuha niya ang trabaho ngunit sa huli, naging matagumpay ang interview at siya na ngayon ang outsourced head stylist.

avataravatar
Next chapter