1004 Tagahanga ng ibang tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinago ni Ye Yiyi ang kislap sa kanyang mata at masayang tumango. "Sige!"

Wala siyang pakialam kung mapunta ang mga ari-arian ng mga Ye sa kamay ng tagalabas. Tutal, ang pagiging mistress ng mga Gu ay mas maganda kaysa sa pagiging matandang miss ng mga Ye.

Para sa senior management at shareholder ng mga Ye, wala silang pakialam kung ang hahawak ng mga Ye ay ang apo na lalaki ni Ye Hong Wei o ang manugang na apo niya. May pake lang sila kung matutulungan silang makalakop ng mga pera at makakuha ng mga kita.

Kaya naman pinakisamahan niya si Gu Yue Ze at sinubukan na makontrol ang mga Ye sa lalong madaling panahon...

Kung hindi, kapag nalahad ang tunay niyang anyo, mawawala ang lahat sa kanya...

Maayos ang pagtakbo ng kanyang plano sa umpisa, pero hindi inaasahang nagbago si Ye Mu Fan at naging mas matalino.

Gayunpaman, ayos lang iyon. Baka mahirap makipagkumpitensya kay Ye Mu Fan, pero madali lang maloko ang tanga, na si Ye Wan Wan. Imposible na binabantayan siya ni Ye Mu Fan 24/7.

Tagumpay na nakuhanan ang mga sumunod na mga eksena.

Hindi kinalimutan ni Ye Wan Wan kuhanin ang isang bagay para sa isang tagahanga. Matapos na makuha ang permiso kay Han Xian Yu, Kinuha niya ang kanyang polaroid at nakahanap ng magandang anggulo bago kuhanan ng litrato si Han Xian Yu na nakapang-guro na damit. Matapos, pinapirma niya kay Han Xian Yu ang litrato.

Sa gilid, nagselos si Gong Xu, at tahimik na lumapit. "Brother Ye, bakit ayaw mo ang pirmado na litrato ko?! Wala ka bang kaibigan na tagahanga ko? Hindi makatwiran 'yon!"

Napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Tagahanga mo?"

"Tama! Isipin mong mabuti -- mayroon ka dapat!" tuluyan ng naging seryoso si Gong Xu.

Maigi itong pinag-isipan ni Ye Wan Wan bago magsalita, "Hm, tingin ko meron ngang isa…"

Agad na nasiyahan si Gong Xu. "Ahaha, sabi ko na! Halika halika halika, kuhanan mo ako ng litrato! Bibigyan kita ng magandang autograph!"

Walang magawa si Ye Wan Wan kung hindi kuhanan ng ilang mga litrato si Gong Xu.

Masayang pinirmahan ni Gong Xu ang kanyang pangalan. "Brother Ye, sinong kaibigan mo ang may magandang panlasa?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Oh, nakilala mo na siya. Pumunta siya sa shoot noon para magbantay -- si Jiaojiao…"

"..." nanginig ang mga kamay ni Gong Xu, at nahulog ang hawak niya ballpen sa sahig.

Namutla ang kanyang mukha. Napalunok siya at sabi, "Brother Ye, bigla kong napagtanto na ang pangit nga pag-arte ko at hindi nararapat na magustuhan ng mga tagahanga. Babasahin ko na lang ang script…"

Matapos sabihin iyon, hinablot niya ang mga may pirma na litrato at nilukot ito. Saka mabilis tumakbo sa isang upuan sa malayo at pinag-aralan ang script.

Seryoso ka ba?! Wahhh!

Bakit ang cute ng tagahanga ni Brother Xian Yu habang ang sa akin ay nakakatakot?!

Buti na lang, mabilis siyang nakawala.

Bahagyang kumibot ang mga labi ni Ye Wan Wan habang pinanood niyang tumakbo papalayo si Gong Xu. Kakaiba din na may babae siyang hindi siya nagtangka na landiin.

Kailangan lang maging sarili ni Gong Xu para sa mga natitirang mga eksena ngayon, kaya walang magiging problema ngayon.

Kaya naman, sumulyap si Ye Wan Wan sa orasan sa kanyang telepono at sabi, "May plano ako para mamaya, kaya aalis na ako!"

Tumango si Han Xian Yu. "Sige, mauna ka na."

Si Gong Xu, na nagpapanggap na nag-aaral, ay kumibot ang tenga, at agad na bumalik nang marinig iyon. "Huh? Brother Ye, hindi ka na manonood? May mga eksena pa ako mamayang hapon! Kung aalis ka, maapektuhan mo ang pag-arte ko!"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Magaling ka, kaya hindi ako nag-aalala, at hindi ko na kailangan magbantay!"

"Hahaha, Brother Ye, tama ka. 'Wag kang mag-alala sa akin pala! Magiging ayos lang ako!"

"Galingan mo pala!"

avataravatar
Next chapter