443 Syempre, tutulungan kita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinilabutan si Ye Wan Wan sa tingin ni Si Ye Han sa kanya. "Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

Syempre, kung umaasa siyang sasabihin ni Si Ye Han na "ang ganda mo" ito ay isang bagay na imposibleng mangyari.

Nanliit ang mga mata ni Si Ye Han at nagtanong siya, "Hindi ka ba natatakot?"

Nang marinig ni Ye Wan Wan iyon, natandaan niya na kung sino ang kinakausap niyang katakot-takot na tao. Bigla siyang kinabahan ngunit pinilit niya ang kanyang sarili na maging kalmado at pabulol-bulol niyang sinabi, "Ano… anong kailangan kong ikatakot?! Hindi mo ako matatakot! Hindi mo ko kayang kainin ng buo!"

Biglang natawa si Si Ye Han. "Gusto mong subukan ko?"

Nandilim ang mukha ni Ye Wan Wan. "Tigilan mo na ang kakaloko mo sa akin at matulog ka na!"

Maaamoy sa ere ang malakas na amoy ng kabukiran. Makikita ang mga sikat ng araw na sumisikat sa pagitan ng mga dahon sa puno, kumikinang-kinang ang sikat ng araw sa katawan ng babae at lumiliwanag ito sa kanyang pisngi. Malinaw na nakikita ang maninipis na buhok sa kanyang katawan...

Nang tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han, lahat ng lungkot at dilim na nakabitin sa kanyang pagkatao ay biglang natunaw sa oras na iyon...

Matagal at tahimik na tiningnan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan pero sa huli, wala pa rin siyang tinanong sa babae.

Bakit...

Hindi ba gusto niya akong mamatay...

Dahil sa pamimilit ni Ye Wan Wan, bigla nang napapikit si Si Ye Han.

Matapos ang ilang minuto, ang mga daliri niyang nakahawak sa kanyang ulo ay biglang napakalma.

Dahan-dahan na nilagay ni Ye Wan Wan ang kamay niya sa kumot at binalot niya si Si Ye Han. Umupo siya sa stool na nasa tabi ni Si Ye Han habang nagbabasa siya, paminsan-minsan ay sumusulyap sulyap siya sa lalaki.

Sa hindi kalayuan, natunghayan ni Xu Yi at Mo Xuan ang buong eksena.

Namangha si Mo Xuan sa nakita niya. "Ang nagpapa… nagpapa-amo ng mga halimaw… nakita mo iyon? Siya nga iyon! Kulang na lang ang latigo kay Ye Wan Wan sa kapangyarihan niyang ito!"

*cough…* medyo naubo si Xu Yi at hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Bumuntong hininga si Mo Xuan. "Bro, bakit mo pa ako kailangang tawagin na bumalik doon? Hindi na nila ako kailangan!"

Inirapan ni Xu Yi ang mokong na nagrereklamo pa kahit binabayaran siya habang naka-break. "Sinong nagsabi na hindi ka na nila kailangan? Tinawag kita para samahan mo ko sa mga inutos na responsibilidad sa akin ni old madam okay?"

Hindi ko kaya ito ng mag-isa...

Nagkibit-balikat si Mo Xuan. "Oo na, panalo ka na!"

...

Ang nagpapa-amo ng mga halimaw na si Ye Wan Wan, ay maiging inobserbahan si Si Ye Han ng ilang araw kahit pa sinasabihan na siya ng kanyang mga magulang na umuwi para kasama silang kumain at tinatanong rin siya tungkol sa trabaho niya. Ilang beses rin siyang pinaalalahanan ni Luo Chen tungkol sa nalalapit niyang auditions, siguro dahil hindi niya na rin nakikita si Ye Bai. Walang magagawa si Ye Wan Wan kundu mag-leave muna ng pansamantala.

Bago siya umalis, hiniwalay ni Ye Wan Wan si Xu Yi at hinila niya ito sa isang gilid.

"Hawakan mo ito." May binigay siyang maliit na booklet sa kamay ni Xu Yi.

"Ano ito, Miss Wan Wan…?" Naguluhan si Xu Yi.

"Ito ang pang-araw araw na skedyul na hinanda ko para sa kanya. Lagi kang nasa tabi niga kaya kailangan ko ang tulong mo na obserbahan siya lagi. Kapag hindi niya ginawa ang mga nakasulat dito sa tamang oras, tawagan mo agad ako," sabi ni Ye Wan Wan.

Napalunok si Xu Yi. "Uh…"

Ye Wan Wan: "Ano?"

Maingat na nagsalita si Xu Yi, "Miss Wan Wan, inaanyayahan mo ba ako maging… sumbungero?"

*cough cough…* medyo naubo si Ye Wan Wan. "Wag mo nang iparinig sa akin na masama ito! Anong sumbungero? Gusto ko lang na maging tapat na obserbador ka ng bawat galaw ng master mo! 'wag kang mag-alala, tutulungan kita!"

Miserableng sumimangot ai Xu Yi habang hawak niya na parang mainit na patatas ang booklet ng skedyul. "Sigurado kang… tutulungan mo ako?"

"Oo naman! Tutulungan kita!" Hinampas ni Ye Wan Wan ang dibdib niya bilang senyales ng pangako niya kay Xu Yi.

Mukha pa rin nag-aalala si Xu Yi at hindi niya pa rin maiwasang matakot ng sobra.

Gumulong ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niyang natatakot si Xu Yi. "Kung hindi kita matutulungan, gagamitin ko na lang ang kagandahan ko okay!"

Xu Yi: "O sige, tatapusin ko talaga ang misyon na ito!"

Ye Wan Wan: "..."

avataravatar
Next chapter