152 Syempre patatawarin ko siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi niya dapat taglay ang ganitong abilidad.

Sa una niyang buhay, pinaaral si Ye Wan Wan ng kaniyang tatay para matuto sa propesyonal ng self deffense sa loob ng isang buwan.

Gayunpaman, natutunan niyang aralin ang bawat galaw ng isang kalaban gamit ang matalas niyang pag-iisip na kakaiba, kumpara sa pangkaraniwang skills ng normal na tao.

Para bang matagal na niyang katangian iyon na nakatatak sa kanyang utak-- hindi niya ito natutunan kung saan man, pero tinatandaan niya kung paano sumaulo ng galaw ng kalaban.

Noong una, hindi niya lang tinago ang kanyang mukha pero tinago niya din ang lahat ng kanyang abilidad, para hindi makahalata si Si Ye Han na mabilis siyang mag-isip.

Pero sa buhay niya ngayon, hindi na niya lolokohin ang sarili niya. Noon, sa pagtago niya ng kanyang abilidad, madaming tao ang nasaktan sa kanyang paligid.

Pagkatapos ng klase:

Pagkalabas ni Ye Wan Wan ng klase, nakita niya si Shen Meng Qi na sabik na naghihintay sa may pintuan.

Mukhang nasindak si Shen Meng Qi nang makitang papalapit na si Ye Wan Wan kay Jiang Yan Ran.

"Wan Wan!" Nang makita niya si Ye Wan Wan, nagmadali siyang lumapit at masayang pinasok ang kanyang siko kay sa may braso ni Ye Wan Wab, "Mag barbeque dinner ba tayo mamayang gabi?"

Normal na sumagot si Ye Wan Wan, "Sige!"

Sinusuri ni Shen Meng Qi si Ye Wan Wan habang sila ay naglalakad, "Wan Wan, narinig ko na nakatira ka kasama si Yan Ran? Ang hirap tumira sa pag uugali niya, 'di ba? Bakit hindi ka tumira kasama ako?"

"Okay lang kasama ni Jiang Yan Ran tsaka tinatamad akong pumalipat-lipat," walang siglang sagot ni Ye Wan Wan.

Nag-aalala pa din si Shen Meng Qi, "May sinabi ba tungkol sa akin si Yan Ran? Kilala mo naman ako Wan Wan, hindi ko sinadya na mangyari iyon kay Yan Ran-- Wala akong magagawa dahil ginugulo na niya ako. Sinubukan ko naman itago ang nararamdaman ko kaso nga lang nalungkot pa rin siya at hindi niya ako maintindihan… Wanwan, naiintindihan mo ako 'di ba?"

Kung ang lumang Ye Wan Wan ang kausap niya, maniniwala agad iyon. Kahit na halata namang nagsisinungaling si Shen Meng Qi, maniniwala pa din siya sa kanya.

Kumunot si Ye Wan Wan na parang nagdadalawang isip siya, pero sa huli tumango na lamang siya at kunware naniwala sa sinabi ni Shen Meng Qi, "Syempre, Shen Meng Qi naiintindihan kita. Isang maganda, mabait at magaling na babaeng tulad mo, kaya madaming nagmamahal sa yo eh! Hindi kita masisisi sa nangyari."

Natuwang marinig ito ni Sheng Meng Qi. Makikita ang bahid ng pangungutya sa kanyang mga mata--Hindi ako kinabahan. Napaka bobo ni Ye Wan Wan at napakauto-uto niya talga noon pa man.

Habang naguusap ang dalawa, biglang nag-ring ang phone ni Shen Meng Qi.

Sumilip si Ye Wan Wan sa phone ni Shen Meng Qi at nakita niya ang pangalan ng second year na lalaki, isa sa maraming nababaliw na nanliligaw kay Shen Meng Qi. Mayaman din ang pamilya ng lalaki pero mas mayaman pa din ang pamilya ni Song Zi Hang.

Madami pa siyang kakilalang pinapaasa ni Shen Meng Qi na parang sinasabit niya ang mga ito na parang ekstrang gulong.

Napakamot sa baba si Ye Wan Wan at kita ang liwanag ng kanyang mga mata sa naintidihan niya tungkol Shen Meng Qi.

"Hello?" Hindi lumayo si Shen Meng Qi kay Ye Wan Wan habang sinagot niya ang tawag.

"Sabado? Hindi ako makakapunta non, may make-up classes ako. Hindi din ako pwede ng Linggo-- Pasensya na. Next time na lang ha?"

Ginamit ni Shen Meng Qi ang matamis niyang boses para tanggihan kung sino man ang tumawag sa kanya.

Ang buong atensyon niya ay nakay Song Zi Hang. Standby muna ang 1,2 at 3 na ekstrang gulong.

Binaba ni Sheng Meng Qi ang tawag, tiningnan niya si Ye Wan Wan at nagpatuloy, "Baliw na baliw si Yan Ran kay Song Zi Hang; hindi ko inaasahan na babalik siya kay Chu Feng ng ganoon lang. Siguro, dahil mayaman ang pamilya ni Chu Feng…"

Sa mga nangyayari ngayon, hindi niya lang sinusubukang i-brainwash si Ye Wan Wan mukhang sinisiraan niya pa si Jiang Yan Ran na isang sakim at malanding babae daw siya.

Sa totoo lang, matalino si Shen Meng Qi At alam niya at ng lahat na panandalian lang ang dangal na meron ang Chu family dahil hindi naging maayos ang industriya hanggang ito ay bumagsak na talaga. Malapit nang ma-bankrupt ang Chu family kaya naisip siya na hindi mahuhulog si Jiang yan Ran sa ganitong tulad ng tao.

Matagal na nag-usap ang dalawa habang naglalakad papunta sa kanilang dormitoryo para iwan ang kanilang libro.

Sa sandaling nakapunta sila sa entrance ng dormitoryo ng mga babae, nakita nila na maraming tao ang nakapalibot sa entrance.

avataravatar
Next chapter