893 Surpresahin ang aking ina

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

*Umiiyak—*

*Ngumangawa—*

Nagulat si Spray of Flowers at deboto sa galit na sigaw ni Nameless Nie.

"Ha… haha… mabuti na lang at nahanap mo na siya… kapitan, bakit mo sinabi yan? Hindi ka namin pinagtataksilan - gusto lamang namin na mabuo muli ang pamilya niyo. Kapitan, sana maging masaya ang bonding session niyo!"

"Tama, tama, kapitan. Hindi ka namin guguluhin pa! Ibababa na namin ang tawag! Goodnight, kapitan~"

Hindi nagdalawang isip na binaba ng dalawa ang tawag.

Nameless Nie: "Goodnight mo papa mo!"

Pagkatapos sumigaw ni Nameless Nie, napansin niya na lalong lumamig ang hangin sa paligid niya. Bigla niyang nakita na ang mukha ng munting ninuno ay lalong naging manhid.

Lubhang ginalit ni Nameless Nie si little devil - hindi lang siya nabigo sa paghahanap ng magulang ni little devil, sadya niyang pinagtaguan ang little devil upang hindi malaman ang ginawa niya.

Nameless Nie: "Big shot, ano ba ang gusto mong mangyari…"

Little devil: "Nahanap mo na ba ang nanay ko?"

Nameless Nie: "…"

Naiiyak talaga ako kapag sinasabi niya ito...

Ito ang bangungot ko tuwing gabi, napapanaginipan ko ang demonyo na binubulong ang mga salitang ito sa aking tenga!

May nilabas na video si little devil nang makita niya na hindi sumasagot si Nameless Nie, nagsalita siya na walang pakiramdam, "Pasensya na tito."

Tumaas ang mga balahibo ni Nameless Nie nang marinig niya ang sinabi ni little devil na "Pasensya na tito." Tiningnan niya ang phone at sumigaw siya upang pigilan si little devil. "Wag wag wag! Ninuno! Bigyan mo pa ako ng isang tsansa! Pagusapan natin ito ng maigi! Ninuno! Baby! Ang pinaka-cute at mabait na baby sa buong daigdig!!!"

Hindi nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni little devil at mukhang ayaw na niyang makipag negosasyon pa. "Tapos na ang oras mo, tito. Wala na akong tsansa na maibibigay sayo."

Unti na lang at lalapit na ang hinlalaki ni little devil sa "send" button.

Nang makita ni Nameless Nie na isesend na ni little devil ang video nila ni Spray of Flowers...

"TEKA! Nahanap ko na ang nanay mo ah—"

Maririnig ang malakas na sigaw ni Nameless Nie na nag-echo sa liblib na gubat.

"..." Huminto si little devil at ang hinlalaki niya ay nakatigil rin.

Nang makita ni Nameless Nie na huminto ang little devil, para bang nabigyan muli siya ng huling tsansa sa buhay...

Natakot ako doon...

Kung lumabas ang video na ito, baka balatan siya ng buhay ng magulang niya...

Walang maniniwala sa sasabihin niya dahil ang paniniwalaan lamang nila ay ang little devil!

Walang kwenta talaga ang estado niya sa pamilya...

Matagal na nanahimik si little devil bago niya titigan ng maigi sa mata si Nameless Nie. "Dalhin mo ako sa mama ko."

Pilit na tinago ni Nameless Nie ang pagsisisi sa sinabi niya, *cough* "Baby, huwag… huwag kang mabalisa! Kahit na hindi mo sabihin sa akin, dadalhin talaga kita sa kanya, pero kailangan ko pa ng ilang panahon para magkasundo… ah, ang ibig sabihin ko ay kailangan ko ng ilang panahon pa para maghanda, okay? At tsaka, ayokong sabihin sayo dahil gusto kong surpresahin ikaw. Tingnan mo ngayon, wala nang surpresa…"

Little devil: "Hindi ko kailangan iyon."

Nasira ang ulo ni Nameless Nie sa kaka-isip. "Pero… pero kailangan mo pa rin maghanda kahit papaano hindi ba? Gawin mong presentable ang sarili mo sa harap ng iyong ina. Sa pagkakaalam ko, ang nanay mo ang napakaganda! Siyempre hindi masama ang kahulugan ng sinasabi ko - mabuti kang anak ag mamahalin ka ng nanay mo kahit ano pa man ang mangyari, pero ayaw mo ba na mahalin ka lalo ng mama mo?"

Tumango si Little Devil. "Sige."

Tuwang-tuwa si Nameless Nie hanggang sa muntikan na siyang maiyak. Sa wakas, pinapakinggan na siya ni little devil.

Tiningnan siya ni little devil pagkatapos nitong magsalita. "Huwag mong sabihin sa mama ko na makikipagkita ako sa kanya."

"Huh? Bakit?" Hindi ito naintindihan ni Nameless Nie at naghahanda na siyang magbalak agad sila ni Famous Ye. Paano kung may mangyaring masama?

Little devil: "Hindi ba't gusto mo na maging surpresa ito? Magandang ideya iyon - gusto kong surpresahin ang nanay ko."

Nameless Nie: "…!!!"

avataravatar
Next chapter