759 Suporta ng great devil

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa huli, hindi kinaya ni Wan He Yun ang psychological blow kaya nagpakamatay na lamang siya...

Maraming mga tao sa Myanmar ang nagpapakamatay dahil minalas sa sugalan kaya marami itong napukaw na atensyon. Kumalat lamang ang balita sa buong jade trade ay may isang bato na naglalaman ng emerald green imperial jade. Ngunit napunta ang lahat ng pera at kasikatan kay Hou Maofeng lamang...

Sa ngayon, alam ni Ye Wan Wan na may isang bato na naglalaman ng emerald green imperial jade sa tumpok ng mga bato na ito, ngunit ang problema niya ay hindi niya alam kung anong bato iyon...

Uh, nakakahiya...

Gumawa ng ilang mga calculations gamit ang walang kwentang kakayahan ni Ye Wan Wan sa math. Mas mainam nang bilihin niya na lang ang lahat dahil hindi niya alam kung saan ang bato na may nilalaman na emerald green imperial jade.

At tsaka, ayaw niyang malugi!

Dahil sa naisip ni Ye Wan Wan, tiningnan niya ang tumpok ng mga bato na nasa trailer at sinabi, "Gusto kong bilhin ang lahat ng bato na nasa loob ng trailer."

Nabigla si Wan He Yun. "A-ano? Miss, gusto mong bilhin… bilhin ang lahat ng mga bato ko? Lahat?"

Ye Wan Wan: "Oo, tama."

Hindi lang si Wan He Yun ang nagulat sa sinabi ni Ye Wan Wan, lahat ng nakapalibot sa kanila ay nagulat rin at inakala nila na baliw siya.

"May gusto pa palang bumili ng mga bato ng Glittering Jewels Pavillion? Gusto niyang bilhin ang lahat ng meron sila!"

"Malakas ang loob ng magandang babae!"

"Baliw na yata siya! Sa wakas, ngayon ko lang naintindihan ang idiom: 'Suot niya ang sumbrero na may halagang $10 sa 5¢ na ulo!"

Hindi makapaniwala ang mga eksperto ng Si family at lahat sila ay nagkagulo.

"Magsasara na ang Glittering Jewels Pavilion at wala silang nagawang disente na piraso ng jade ng tatlong taon na!"

Tinitigan ng dalawang eksperto si Ye Wan Wan na para bang walang nang makakatulong sa babaeng ito. "Baliw ba ang babaeng ito? Tinanggihan niya ang top-quality na mga bato ng Hui Cui Workshop para sa tumpok ng walang kwentang mga bato? Ano nang gagawkn natin, deputy director Xue? Magsalita ka!"

Naguguluhan na si Xue Li. "Masahol na ito!"

Pangasar na tiningnan ni Hou Maofwng si Xue Li. "Hinayaan talaga nila na mangialam ang taong tulad niya sa tungkulin ng kumpanya. Para ang Si family ngayon ay… tsk tsk…"

Uminit ang mukha ni Xue Li nang marinig niya ang pangangasar ni Hou Maofeng.

Hindi lang ginagawang kalokohan ni Ye Wan Wan at sitwasyon sa oras na ito, pinapahiya niya rin ang buong Si family!

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang pinagsasabi ng mga tao. Binuhat niya ang isang bato, hinawakan niya ito at nagtanong siya, "Boss Wan, gusto mo bang ibenta ito?"

Para bang nasa mahirap na sitwasyon si Wan He Yun. Takot niyang tiningnan si Hou Maofeng at sumagot siya kay Ye Wan Wan, "Miss, salamat sa mabuting intensyon mo sa akin, pero 'wag na lang, ayokong maka-gulo pa sayo…"

Sinabi na ni Hou Maofeng na hindi niya hahayaan ang kahit sino na bumili ng mga bato niya.

Ayaw niyang masangkot sa problema ng iba.

Nirerespeto ng lahat ng tauhan sa jade trade si Hou Maofeng; walang mangyayaring maayos kapag binastos nila si Hou Maofeng.

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Hou Maofeng at tumawa siya. "Ha, hindi tulad ng mga taong ayaw tangkain na bilhin ang mga ito, ang nararamdaman ko. Boss Wan, huwag kang mag-alala, malakas ang sumusuporta sa akin."

Sumusuporta nga naman sa kanya ang great devil - wala siyang kailangan na ikatakot~

Napagtanto ni Ye Wan Wan na magagamit pala sa sitwasyon na ito ang kapangyarihan ng great devil!

Biglang ngumiwi ang mukha ni Hou Maofeng, pero hindi siya nag-protesta.

Siya pa rin ang kumakatawan sa Si family kahit na girlfriend lamang siya ni master. Walang magagawa si Hou Maofeng kung mangingialam sa kanya si Ye Wan Wan.

Leche, pilit niyang tinutulak si Wan He Yun sa limitasyon nito para ibenta ang mga produkto niya na mababa ang presyo niya. Hindi niya inakala na ang babaeng ito ang sisira ng plano niya...

Tsk, 'wag na nga, hindi rin naman niya gustong kunin ang mga basurang produkto nito - gusto niya lang pahiyain si Wan He Yun.

avataravatar
Next chapter