627 Sumasakit ang ulo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makikita sa mukha ni Ye Mu Fan na nag-aalala na siya. "Paano nangyari na… nakuha nilang ebidensya ang video recording…"

Kataka-kata na tiningnan ni Ye Wan Wan ang lalaking kaharap niya sabay pinasahan niya ito ng tisyu. "Manahimik ka nga. Sinabi ko na posibleng mangyari iyon, kaya nangyari na nga!"

Kinuha ni Ye Mu Fan ang tissue at tumayo, sabay tiningnang niya ang matapang na mga mata ni Ye Wan Wan at tila nagulat siya.

Kailan pa naging ganito ang kapatid kong ito na lumaki sa proteksyon ng pamilya namin at hindi ko man lang napansin ang pagbabago niya…?

Gabing-gabi na noong inuwi ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan sa dormitoryo at bago siya umalis, pinapagaitan niya pa rin tungkol sa gawain bukas.

Sa Jin garden:

"Naayos mo na ang problema?" nakaupo si Si Ye Han sa sofa habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan.

Kinuha at ininom ng isang lagok lang ni Ye Wan Wan ang isang basong juice sa coffee table at sumagot siya, "Okay na! Muntikan na akong mabulag sa napanood kong porn! Hay, loko-loko talaga ang kapatid kong iyon, hindi niya alam na niloloko na lang siya ng babaeng iyon…"

May sasabihin sana si Si Ye Han ngunit napahinto sya. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita: "Paano mo aayusin ang insidenteng nakawan ng pribadong impormasyon?"

Bumuntong hininga si Xu Yi nang mapanood niya ang eksenang ito. Hay, bakit hindi mo na lang siya diretsohin ang sinasabi mo kung gusto mo talagang tulungan si Miss Wan Wan?

Sisihin mo ang sarili mo dahil ikaw ang gumawa ng rule na bawal manghingi ng tulong si Miss Wan Wan sayo. Ayan, bawal mo tuloy siyang tulungan kahit gustuhin mo man.

Gayunpaman, napagtanto niya na hindi kailangan ng tulong ni Miss Wan Wan dahil kayang-kaya na niya ang sarili niya...

Ang hirap lang kasi na mapunta siya sa sitwasyon na ito 'di ba?

Paano niya mapapa-walang sala si Ye Mu Fan kung may ebidensya na sila laban sa kanya?

Kumurap si Ye Wan Wan at sinabi, "Ano sa tingin mo?"

Nag-isip ng mabuti si Si Ye Han bago siya sumagot, "Gawing bankrupt ang Ye Group."

Para kay Si Ye Han, ang kasiraan ng Ye Group ang solusyon para maayos ang problema.

Nainis si Ye Wan Wan nang malaman niya na hindi biro ang sinabi ni Si Ye Han. "Hindi iyon ang solusyon, okay?!"

Tropa, sinong normal na tao ang magagawang i-bankrupt ang isang kumpanya? Saan nanggaling ang barbaro at masamang pag-iisip na iyan?

At saka, kumpanya ito ng pamilya ni Ye Wan Wan! Gusto kong mabawi ito!

Hayaan mo na nga, hindi ko na lang sana siya tinanong...

Tinigilan ni Ye Wan Wan ang pagpapagalit kay Si Ye Han. Umirap siya at hinaplos ang kanyang baba sabay sinabi, "Kaya kong maayos ang problemang ito kahit hindi ako gumastos ng pera o hindi rin ako maghahanap ng kasabwat. Kayang-kaya ko pahingihin ng tawad ang Ye family sa kapatid ko, naniniwala ka ba sa aking abilidad?"

Napa-kunot si Si Ye Han nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. Makikita sa kanyang mukha na hindi siya naniniwala sa babae.

Pinunasan ni Xu Yi ang kanyang pawis. Naniniwala naman siya sa abilidad ni Miss Wan Wan, pero parang… tunog ambisyosa ang sinabi niya, 'di ba?

Kumurap si Ye Wan Wan at masaya siyang nagsalita, "Hehe, alam ko na hindi ka maniniwala sa akin. Sige, makipag-pustahan tayo!"

Tiningnan ni Si Ye Han ang mapanlinlang at tusong mga mata ni Ye Wan Wan na para bang isang maliit na soro. "Saan ako pupusta?"

Nagsalita si Ye Wan Wan, "Hindi ka naniniwala na kaya ko itong gawin 'di ba? Kapag nanalo ka, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Kapag natalo ka, kailangan mong ipangako sa akin ang isang bagay na walang halong kondisyon."

Tiningnan siya ni Si Ye Han at sumagot ito. "Walang kwenta ang pustahan na ito."

Hindi nakukuntento si Ye Wan Wan. "Huh? Paano naging walang kwena ito?"

Humigop si Si Ye Han sa kanyang tsaa. "Alamin mo ng ikaw lang."

Matagal na nag-isip ng mabuti si Ye Wan Wan bago niya matuklasan ang sagot...

"Uh, ang ibig mong sabihin ay… kahit hindi tayo magpustahan… mangangako ka pa rin sa akin na walang halong kondisyon… tama?"

Napa-ubo at nanahimik lamang si Si Ye Han kaya masasabi natin na mayroong kasunduan na naganap.

Tinakpan ni Ye Wan Wan ag mukha niya. "Seryoso ako, baby - kailangan mo ako didiretsohin sa tuwing nagiging sweet ka sa akin?"

Sumasakit ang ulo ko sa relasyon na ito...

avataravatar
Next chapter