678 Subukan mong halikan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng sama-sama, nagpaalam sila sa isa't isa sa labasan at lahat sila ay umalis na.

Han Xian Yu: "Ye Bai, paano ka makakauwi?"

"Malapit lang dito ang kaibigan ko - isasabay niya ako pauwi," sumagot si Ye Wan Wan.

Naghihintay sila Gong Xu, Luo Chen, Han Xian Yu at si Tang Xing Huo ng kanilang mga sundo sa labas.

Makikita na kinakausap ni Han Xian Yu si Ye Wan Wan habang nilalapit niya ang kanyang ulo sa kanyang kausap at si Luo Chen ay nasa phone, kinakausap niya ang kanyang assistant. Si Gong Xu naman na madalas ay nasa tabi ni Ye Wan Wan, ay malayo ng ilang hakbang sa kanya.

Tiningnan ni Tang Xing Huo sila Ye Bai, Luo Chen, Han Xian Yu at Gong Xu at hindi niya mapigilan na maging mausisa sa kanila.

Nararamdaman niya na parang may nangyayaring kakaiba pero hindi niya ito mahanap!

Pumunta si Gong Xu kay Han Xian Yu ag nag usap sila sa isang gilid.

"Xianyu-ge, may tanong ako sayo." Tinitigan ni Gong Xu ng maigi ang lalaking kaharap niya.

"Ano yun?" Tinanong siya ni Han Xian Yu.

Gong Xu: "May girlfriend si Ye-ge 'di ba?"

Tumango sa kanya si Han Xian Yu. "Oo tama ka. Narinig ko ang sabi sabi na maganda raw siya, pero hindi ko pa siya nakikita ng personal."

Biglang napakunot si Gong Xu. "Sigurado ka ba na mahilig siya sa babae?"

Biglang tumawa ng malakas si Han Xian Yu nang marinig ang katanungan ni Gong Xu at wala siyang magawa kundi sumagot na lamang, "Oo naman, ano bang nasa isip mo? Dahil ba ito sa biruan kanina? Kailangan ko na itong ipaalam sayo - inosente kami ni Ye-ge mo."

Napatahimik si Gong Xh nang makita niya na totoo ang sinasabi ni Han Xian Yu.

Matapos ang ilang sandali, pumunta naman si Gong Xu kay Luo Chen. "Halika dito! May itatanong ako sayo!"

"Ano yun?" Biglang kumunot si Luo Chen.

"Sinabi nang pumunta ka dito eh! Tigilan mo na ang kakangawa mo na parang babae!" Pilit siyang nilayo ni Gong Xu.

Luo Chen: "Anong problema mo?"

"Magtatanong lang ako sayo - may girlfriend ba si Ye-ge?" Parehas rin ang tinanong sa kanya ni Gong Xu.

"Oo, bakit?" Nalilito sa kanya si Luo Chen.

"Sigurado ka ba na babae ang gusto ni Ye-ge?" Patuloy siyang sinuri ni Gong Xu.

Hindi sigurado si Gong Xu kung bakit niya tinatanong ang mga bagay na ito at wala rin siyang ideya kung anong mga sagot ang ninanais niyang mapakinggan...

Sumimangot si Luo Chen at iritable siyang sumagot, "Anong kalokohan anh pinagsasabi mo? Malamang, babae ang gusto ni Ye-ge!"

Tinikom ni Gong Xu ang kanyang labi at wala na siyang sinabi. Napaisip siya na baka nag-overthink lamang siya.

Lasing na yata ako, kaya siguro kakaiba na ang mga ina-akto ko...

Lalaki ako at gayundin si Ye-ge...

Oo, yun siguro ang rason...

"Gong Xu." Sa oras na iyon, naglakad si Ye Wan Wan patungo kay Gong Xu.

Naramdaman si Gong mabilis na tibok ng kanyang puso at muling kumulo ang dugo niya nang makita niya ang binatang nakatayo sa harap.

Mahigpit na hinawakan ni Gong Xu ang kanyang dibdib.

Putek na yan! Bakit ako nababaliw na parang isang munting usa sa harap sa harap ng tao?

"Anong problema mo?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.

"Www-wala! Hinahanap mo daw ako Ye-ge?" Kalmado na si Gong Xu ngunit hindi pa rin siya makatingin kay Ye Bai.

"Bakit ganyan ang buhok mo?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.

Basang basa ang buhok ni Gong Xu. May parte rin na basa ang lapel niya.

Nakatago sa isang gilid si Tang Xing Hao at basang-basa ng luha ang kanyang mukha. Ito ang ebidensya! Ito nga ang ebidensya! Ebidensyang nagpapakita na hinalay ako ni Gong Xu!

"Wala, may nabuhos lang ako sa sarili ko kaya binasa ko lang para mawala ang mantsa," sumagot sa kanya si Gong Xu. Mukhang gusto niya pa na magsalita pero pinanatili niyang nakatikom anv kanyang bibig hanggang sa ngumiwi ang kanyang ekspresyon.

UGH! Tumitibok ka pa rin!

Tibok ng tibok ng tibok, TIGILAN MO NA ANG KAKATIBOK!

Anong mali sa nararamdaman ko?

Bakit parang may mali akong nararamdaman sa tuwing kinakausap ko si Ye-ge? Bumibilis ang tibok ng puso mo, umiinit ang katawan ko at ang anim n vital organs ko hindi na gumagana…?

avataravatar
Next chapter