233 Subaybayan mo ako ng maigi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa hindi kalayuan sa villa:

Habang naghahanda si Xu Yi sa kanyang kamatayan, nakita niya sa wakas si Ye Wan Wan paalis ng bakuran.

Naging emosyonal siya nang makita niya si Ye Wan Wan na parang nagkaroon ng liwanag sa Araw ng Hukom!

Binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan ng kotse sabay umupo siya sa loob.

Sa isang tingin ni Xu Yi, alam na kaagad ni Ye Wan Wan ang iniisip niya. Hindi napigilang matawa ni Ye Wan Wan, "Natatandaan ko ang sinabi mo noon Housekeeper Xu, at hindi ako gagawa ng gulo habang shift mo. Pangako ko iyon."

Natuwa si Xu Yi sa kanyang narinig at bigla siyang naubo, "Miss Ye, mabuti na alam pinag-isipan mong mabuti ito pero hindi ko pa rin pwedeng gawin ang iyong inuutos. Basta't alam mo ang ilulugar mo, malamang pahihirapan ni master ang buhay mo."

Takot na sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi issue kung papahirapan man ako o hindi ni Si Ye Han--sa estado ng buhay ko ngayon, mas mahirap maging kabilang ng Si family at alam kong alam mo iyon."

Sa buhay niya noon, noong nalaman ni Si Ye Han na sumama si Ye Wan Wan kay Gu Yue Ze; kinaladkad niya sa civil administration office si Ye Wan Wan para irehistro sila bilang mag-asawa at i-anunsyo sa buong Si family ang kanilang estado bilang mag-asawa. Ang natanggap nila ay pare-parehas na pagtutol ng kanyang pamilya.

Nag buntong hininga si Ye Wan Wan, "Naiintindihan ko na mahirap ito para sayo, ikaw lang kasi ang naging mabait sa akin sa Si house, hindi man ako nagpasalamat sayo, isipin mo na lang na binabalik ko sa iyo ang pabor!"

Medyo naramdaman ni Xu Yi ang pagsisisi pagkarinig niya sa sinabi ni Ye Wan Wan. Kumpara sa ugali ni Liu Ying, hindi ganoon ka brutal si Xu Yi kahit pa ayaw, galit at kinamumuhian niya si Ye Wan Wan.

Nagdalawang isip muna si Xu Yi bago bumigay kay Ye Wan Wan, "Paano mo ako gustong tumulong…?"

Malumanay na nagsalita si Ye Wan Wan nag makumbinse si Xu Yi, "Simple lang ang gagawin mo. Gusto kong subaybayan mo ang bawat galaw ni Si Ye han tulad ng ginagawa niya sa akin ngayon. Alamin mo kung kelan bawal ako sumabat sa usapan, kung anong mga araw siya bad mood, anong mga ayaw at gusto niya, kung sinong babae ang malapit sa kanya, tulad ni Miss Qin Ruo Xi. Gusto niya ang master mo, 'di ba?"

Dumaldal muna si Ye Wan Wan ng kung ano ano, bago siya pumunta sa kanyang pinakapunto , si "Qin Ruo Xi", ang karibal niya.

Maayos pakinggan ang una niyang mga sinabi, ngunit nang marinig ni Xu Yi ang huling mga huli niyang sinabi, biglang nagsilaglagan ang malalamig niyang pawis sabay sabi niya, "Miss Ye, pwede kitang tulungan sa ibang mga bagay ngunit pagdating kay Miss Ruo Xi, hindi ako mangingialam."

Bakit ko isisiwalat ang personal na buhay ni master? Tapos gusto niya pang malaman yung tungkol kay Miss Ruo Xi!

"Sige, salamat, housekeeper Xu."

Hindi madaling alamin ang tulad ng tao na si Qin Ruo...

Masaya naman si Ye Wan Wan sa sagot ni Xu Yi.

Pagkababa ni Xu Yi kay Ye Wan Wan sa Jin garden, mabilis siyang nagsumbong kay Si Ye Han nang papunta siya sa taas ng hagdan.

"Master, dinala ko na si Ye Wan Wan sa bahay ng tito niya, pero sampong minuto lamang ang tinagal niya at pagkatapos, umalis na kami agad."

"Sige sige, meron pa ba?" Tumanga si Si Ye Han kay Xu Yi habang hawak ang mga dokumento. Napansin niya kasi na hindi pa umalis si Xu Yi.

Mababasa kaagad sa nagsisising itsura ni Xu Yi ang kanyang kinikimkim. Hindi na siya nakapag timpi at sinabi, "Naghingi ng pabor sa akin si Miss Ye…"

"Anong pabor?"

"Gusto niyang… umaasa siya na subaybayan ko ang bawat kilos mo!"

"Subaybayan ako?" nanlaki ang mata ni Si Ye Han.

"Oo… pero hindi ito magiging problema… natatakot lamang siya kapag nagagalit ka, kaya gusto niyang malaman, galing sa akin, ang mga bagay na ayaw at gusto mo… at saka…"

Napalunok si Xu Yi at kabadong nagpatuloy, "At saka, yung mga babaeng malapit sa iyo… lalo na si… Miss Ruo Xi... sabi ni Miss Ye na nagkakagusto iyon sa iyo...napansin ko na mainit ang mata ni Miss Ye kay Miss Ruo Xi…"

Hindi mabasa ang itsura ni Si Ye Han habang nasa desk siya. Lumipas ang matagal na katahimikan at nakapagsagot na siya sa wakas, "Hm."

Lumalakas ng tibok ng puso ni Xu Yi--anong ibig sabihin ng "hm" niya?

Tumingin si Si Ye Han sa kanya at sinabi, "Sige, subaybayan mo ako ng maigi."

Xu Yi: "..."

avataravatar
Next chapter