1082 Strikto ang pagpapalaki sa kanya, huh?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa oras rin na iyon sa Sandalwood Villa:

Kailangang pumunta ni Ye Wan Wan sa film crew bukas ng umaga, kaya inuna na ni Si Ye Han na dalhin si Tang Tang nang bigla niyang makasalubong si Lin Que at Xie Zhe Zhi na pumunta doon upang mag-relax.

Naisip nila na malakas ang loob ni Si Ye Han at wala siyang halong hiya na nakadikit sa batang iyon dahil hindi pa nila nakikita si Si Ye Han na nag-alaga ng isang bata.

Bored na nilalaro ni Xie Zhe Zhi ang kanyang phone nang bigla siyang naging interesado. "May nakita akong nakakatuwa, Ah-Jiu, gusto mong makita?"

Hindi siya pinansin ni Si Ye Han.

"Nandito din ang Little Ye mo!" Dagdag ni Xie Zhe Zhi.

Doon lamang tumingin si Si Ye Han.

Sumali rin si Lin Que nang marinig niya ito. "Eh, siya ang artista na hawak ni Ye Wan Wan, hindi ba?"

Makikita sa phone screen ang isang aktor na may magarang suot na nakatayo sa harap ni Ye Wan Wan at nagtanong ito, "Pare, pare, pwede ba kitang landiin?"

Bumuhos ang tubig na nasa loob ng bibig ni Lin Que. Hindi niya inasahan na biglang mangyayari ang eksenang ito ng biglaan lamang.

Gulat siya nang marinig niya ang isinagot ni Ye Wan Wan, "May partner na ako. Salamat na lang."

Mapanuya na tiningnan ni Xie Zhe Zhi si Si Ye Han. "Pft, strikto ang pinagnulan niya, huh?"

Biglang tumikom ang bibig ni Lin Que. "Masasabi na malakas ang kahangaran niya pagdating sa survival!"

"Ano ang mga ito?" Tinanong sila ni Si Ye Han nanv makita nito ang mga regalo na makikita sa screen.

Sumagot si Xie Zhe Zhi, "Ah, ang mga ito. Ito ay ang mga regalo ng mga fans. Ang pinakamahal dito ay ang yate. Kailangan nito ay 13140 gems, at kung magiging Chinese Yuan ito ay…"

Halos mabaliw na ang mga fans habang umaapaw ng comments nila ang bullet screen.

[Hahahaha, Baby Xu, nabigo ka! Ah, katangi-tangi talaga ang personalidad ni little big brother!]

[Ahhh! Sino itong little big brother?! Ang gwapo niya!]

[Alam ko, alam ko! Siya ang manager ni Gong Xu, si Brother Ye Bai! Nakita ko ang group photo ng kumpanya nila noon! Sobrang gwapo niya!]

[Baby Xu, bigyan mo ng mas matagal na screen time si Little Big Brother Ye Bai!]

[Ahhh, malas talaga! May girlfriend na pala si Little Big Brother! Siguro nagsagip ng buong kalawakan ang girlfriend niya!]

Binaha ang bullet screen ng mga komento ng mga tao na gusto nilang makita si Ye Wan Wan.

Biglang sumabog ang isang special effect sa livestream room—may nagregalo na naman ng yate! At pagkatapos ay binaha ng mga yate ang screen.

Nagkagulo na naman ang buong room.

May isang balyena na nagregalo ng 10 yate ng sabay sabay!

[Wow, wow! Saan nanggaling ang balyena na ito?! Nakakatakot naman dahil nagpadala siya ng sampung yate!]

[Ang ID niya ay "S9," pero hindi ko pa nakikita noon ang ID na ito at wala ito sa whale chart! Bagong registered account yata ito!]

Tinitigan ni Gong Xu ang ID at bigla siyang bumulong habang nakasimangot, "Sino ito? Hindi ko yata fan ito…"

Madalas na ginagamit ng mga fans litrato ng idolo nila o ang icon ng fan group bilang profile picture. At tsaka, ang mga namamatay na sa baliw na fans ay gumagamit ng IDs tulad ng "A Kiss for Baby Xu," "Love Xu" at marami pa, ngunit kakaiba ang ID na ito.

Aksidenteng nakita ni Ye Wan Wan ang ID at biglang tumaas ang kilay niya.

Si… Ninth Si… Si Yehan?

Pero bakit naman manonood ng livestream si Si Ye Han at bakit siya nagpadala ng regalo?

"Tama na! Tama na! Ngayon na nagtatapos ang livestream!" Inutusan ni Gong Xu si Dong Zai na isara ang livestream dahil gusto nang makita ng fans niya si Ye Bai.

"Yung fan mo kanina…" hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba.

Mabilis na lumapit sa kanya si Gong Xu, "Anong fan?"

"Yung fan mo na nag-send ng yate kanina… boyfriend ko yata iyon!"

Naging itim tulad ng pwet ng kawali ang mukha ni Gong Xu...

Bakit kailangan kong maghirap sa public display of affections ng dalawang ito?!

avataravatar
Next chapter