1063 Sobrang galing mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang matapos ang meeting, hinila ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan sa gilid para kausapin.

Ye Mu Fan: "Oo nga pala, Wan Wan, may ano…"

Ye Wan Wan: "Ano iyon?"

Sabi ni Ye Mu Fan, "Tungkol sa eskandalo ni Han Xian Yu, kailangan mo siyang kausapin ng masinsinan. Pakiramdam ko may mali sa ugali niya ngayon. Kung may tinatago siya sa atin at walang pagkakaibigan talaga sa pagitan doon sa babae, baka masangkot tayo sa gulo…"

Nang marinig iyon ni Ye Wan Wan, kumibot ang labi niya. "Huwag kang mag-alala. May tinatago siya sa atin, pero hindi tulad ng iniisip mo. Magkaibigan lang sila."

Ye Mu Fan: "Paano mo nalaman?"

Tutal, karaniwan na sa mga artista ang itago ang mga relasyon nila sa kanilang mga agency, kaya hindi nila masasabe kung gaano katotoo ang relasyon nila.

Ye Wan Wan: "Kasi ang babae doon sa litratyo ay ako, ang kapatid mo…"

"Huh?" tuluyan nang natulirosi Ye Mu Fan, at ianbot siya ng kalahating araw para magkaroon ng reakson. Tinanong niya, "Sandali… sinasabi mo na nalantad ang pagkatao mo?!"

Wala nang magawa si Ye Wan Wan kundi ipaliwanag ang buong pangyayari.

Napagtanto ni Ye Mu Fan ang nangyari. "Kaya pala… kaya pala mas mabilis na humarang si Han Xian Yu kay Gong Xu ngayon! Masasabi ko lang, talagang mabuting tao si Han Xian Yu…"

Biglang may naalala si Ye Mu Fan at agad na nagtanong, "Wala siyang reaksyon matapos na malaman tungkol dito?"

Napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "Paano siya hindi tutugon? Gayunpaman, ang magandang bagay ay mas kalmado si Han Xian Yu kaysa sa dalawa. Kung sa halip ay isa sa kanilang dalawa ang nakaalam, mas hindi natin masasabi ang kalalabasan…"

Naghihinalang nagtanong si Ye Wan Wan, "Bakit hindi mo tinatanong ang tungkol sa pangako ko kay Gong Xu kanina?"

Kinwento niya kay Ye Mu Fan ang tungkol kay "Little Candied Plum", kaya alam ni Ye Mu Fan na siya ang hinahanap ni Gong Xu at patuloy ang mahigpit na pagbabantay ni Ye Mu Fan kay Gong Xu.

Nang nangako siya kay Gong Xu ngayon na hahayaan niyang makita si Little Candied Plum kapag nakuha ni Gong Xu ang Best Actor award, pero mukhang hindi naman nababalisa si Ye Mu Fan dito.

"Tanungin ang alin? Parang makukuha naman ni Gong Xu ang Best Actor!" sabi ni Ye Mu Fan na para bang hindi na kailangan itong banggitin.

Ye Wan Wan: "…"

Ah, iyon pala ang iniisip niya...

Sa katotohanan, naisip niya na mataas ang potensyal ang Gong Xu. Kung magsisikap siya ngayon, talagang nagplano siya na matupad ang mga hiling ni Gong Xu tutal naghanap siya ng naangkop na oportunidad para sabihin pa din sa kanya ang totoo.

"Oo nga pala. Wan Wan, may petsa na ang engagement banquet ni Ye Yiyi at Gu Yue Ze. Gusto nila lolo't lola na pumunta tayo kasama ang mga magulang natin," hindi nasiyahan si Ye Mu Fan nang sinabi iyon. "Kung ayaw mong pumunta, sasabihan ko na lang sila. Hindi mo kailangan pumunta."

Napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan, "Pupunta ako. Magandang oportunidad din iyan para mas gumanda ang opinyon nila lolo't lola sa akin, kaya bakit hindi ako pupunta? Tutal pinapayagan nila lolo't lola na pumunta din ang mga magulang natin, ibig sabihin lumalambot na sila patungo sa magulang natin. Magandang senyas iyan."

Kumunot ang mga kilay ni Ye Mu Fan, "Engagement banquet ng dalawang salot. Hindi ka ba nandidiri?"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Nandidiri? Tignan natin kung sino ang mandidiri talaga."

Sumulyap si Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan, "Hindi na siguro makapagpigil ang pangalawang sangay at balisa nang umatake… hindi ka naman gumagawa ng gulo sa labas, 'di ba?"

Natatakot siya na madumihan na naman nila si Ye Mu Fan. Lahat nang pinaghirapan nila ay masisira kung ganoon ang kaso.

Agad na nagprotesta si Ye Mu Fan, "Hoy hoy hoy, ganyan ba ang kuya mo? Binalaan mo na ako, kaya bakit ako magtatangka na gumawa ng gulo?! Noong huling beses, halos ihagis na ng babae ang sarili niya sa akin at pumasok sa kotse ko na nakahubad, pero hindi naman ako pumasok, 'di ba?!"

Kumibot ang mga labi ni Ye Wan Wan, "Ang bait mo naman…"

Ye Mu Fan: "Ganoon na ako umpisa pa lang!"

avataravatar
Next chapter