125 Sobrang Effective

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang pakialam si Ye Wan Wan sa reaksyon ng kanyang mga deskmate at patuloy lang na makatulog ng mahimbing.

Habang palalim ng palalim ang tulog, nagkaroon siya ng panaginip.

Mga tunog ng barilan, mga bombang sumasabog at sigawan ang bumabalot sa paligid...

Punong-puno ang paligid ng sariwang dugo at mga nagliliyab na mga apoy.

Sobrang pagod na siya pero patuloy pa ring tumatakbo ng tumatakbo.

Madaming katakot-takot at malapit nang mamatay na mga tao ang katabi niya. Malapit na din siyang mamatay! Lumalapit na sa kanya ang amoy ni kamatayan, palapit… ng palapit...

Hindi niya na alam kung gaano katagal na siyang tumatakbo dahil parang hindi natatapos na kalsada ang tinatakbuhan niya...

Sa wakas, nakarating na din siya sa dulo, kaso ito ay isang bangin. Sa likod niya ay ang madilim na vortex at sa kanyang harapan ay ang nakamamatay na aura na unti-unting papalapit sa kanya...

Hindi na talaga siya maka-alis kaya nilabas niya ang kutsilyo at isa isang sinaksak ang leeg ng mga tao.

Binabad ng sariwang dugo ang lupa...

"Ring-----" Tumunog ang bell at nagsimula na ang klase.

Gulat na nagising si Ye Wan Wan at ang buong katawan niya ay basa ng pawis.

Punyeta..

Ba't napanaginipan ko na naman ito...

Simula nung pinagdaanan niya ang nakakagimbal na atake overseas, madalas, napapanaginipan niya ang nakakatakot at kakila-kilabot na imahe na ito.

Gayunpaman, hindi naman siya natatakot sa mga imahe na ito. Sa halip, mas natatakot siya sa walang-awa at mabagsik na mga mata sa panaginip niya.

Parang hindi ako ang nasa panaginip ko...

Sa tabi niya, napansin ni Si Xia na binangungot si Ye Wan Wan at kumulubot ang kanyang noo na parang may sasabihin siya. Pero naisip niya ang sinabi ni Ye Wan Wan na "magaling ang skill ng boyfriend ko sa kama" at sa sobrang inis, hindi na lang siya nagsalita at sinara ang kanyang mga labi.

...

Dahil naging effective ang "ultimate move" niya, nagkaroon ng kapayapaan ang buong araw ni Ye Wan Wan.

Pagkatapos ng klase, umuwi agad si Ye Wan Wan sa kanyang dormitoryo para makita si Jiang Yan Ran.

Dahil may basketball match sa eskwelahan nung araw na iyon, maraming tao ang gustong manuod, kaya naman binigyan sila ng day off ng class monitor at wala na din silang ensayo sa araw na iyon.

Pagka-uwi niya, Nakita ni Ye Wan Wan na walang tao pero maraming gamit ang dormitoryo.

Inaayos ni Jiang Yan Ran ang kanyang mga gamit at nakitang nakauwi na pala si Ye Wan Wan, nag-aalala niyang sinabi, "Nag request ako sa guro na lumipat ako ng dormitoryo. Naka leave naman ako ngayong araw kaya dinala ko dito ang ilan sa mga gamit ko. Kung nagkaroon ka ng problema dahil titira ako dito, mag-request ako na lumipat.."

Walang problema dito si Ye Wan Wan pero nag-aalala lang siya.

Paano kung bilang pumunta dito si Si Ye Han? Sobrang matatakot si Jiang Yan Ran!

Hindi ko na iisipin yun, tatawagan ko na lang si Si Ye Han mamaya! Hindi naman masama magkaroon ng roommate-- nasa tamang pakay naman ito. Hindi na din ako matatakot kung bigla siyang dadating dito.

"Bakit hindi diba? Papayagan naman kitang tumira dito kahit di mo sabihin." Sa siwasyon niya ngayon, hindi na siya pwedeng tumira kasama si Shen Meng Qi kahit kailan.

Pagtapos magsalita ni Ye Wan Wan, napatingin siya kay Jiang Yan Ran at tinanong " Oo nga pala, pwede ba akong magtanong? Crush ka ba ni Chu Feng na nasa basketball team sa Jin Xui ?

"Paano mo alam.." mejo nasindak si Jiang Yan Ran.

"Nakita ko kasi ang love letter niya sayo sa basurahan," sumagot si Ye Wan Wan.

Nagulat si Jiang Yan Ran at biglang naging awkward pero hindi niya tinanggi iyon. "Sinulatan niya ko ng love letter habang in-love pa ako kay Song Zi Hang kaya naman wala akong pakialam sa kanya noon. Bat mo naman natanong?"

Napakamot si Ye Wan Wan sa kaniyang baba at sinabi, "I-text mo siya at yayain mong mag dinner."

Napatigil si Jiang Yan Ran, "Huh? Pero hindi naman ako interesado sa kanya…"

Sa totoo lang, hindi talaga ako interesado sa kahit sino dahil kawawala pa lang ng feelings ko kay Song Zi Hang. Tamang timing ba ito?

Natural alam ni Ye Wan Wan ang inaalala ni Jiang Yan Ran. Hinawakan niya ang kamay ni Jiang Yan Ran at seryosong sinabi, "My dear, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Ang magandang paraan para makalimot ng relationship ay ang magsimula ng panibago! Importante na maniwala ka sa akin at gawin mo ang sinasabi ko dahil nangangako ako na sa sobrang galit ni Song Zi Hang, dugo ang isusuka niya!"

avataravatar
Next chapter