828 Sobrang angas muntik na akong maging bakla

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumulyap si Chu Hong Guang kay Cai Yong Sheng - malinaw na alam niya ang kakayahan ng kanyang sariling pamangkin.

Nagpapahiwatig ng pag babanta ang mabilis na dumaan sa mata ni Cai Yong Sheng at siya ay nagpatuloy, "tito, hindi natin maaaring hayaan lang ang insidenteng iyon ng ganun lang. Kailangan natin silang turuan ng kaunting leksyon. Kung hindi, masisira ang kumpanya kung ang ibang artista ay basta basta na lang umalis kapag sila ay galit, diba?"

"Wala sa kanilang lahat, ang tanging nag-iisa na mayroong kaunting kakayahan ay si Ye Mu Fan at siya ay isang hindi kanais-nais na aso sa kanyang pamilya! Hindi natin kailangan matakot sa iba - hindi magtatagal makikita nila na hindi madaling manatili sa industriya ng entertainment."

"Napakawalang-hiya ni Ye Bai; ang lahat sa industriya ay nakikinig lang sa kanya dahil sa paggalang para sa Worldwide at kay tito." Sa tingin niya talaga na napaka-husay niya at importante, huh!"

"Kailangan natin siyang turuan ng leksyon ngayon. Saka si Gong Xu at Luo Chen ay maaaring bumalik sa kumpanya…"

Tumingin si Chu Hong Guang ng malamig sa tseke para sa bayarin ng bahay, dokumento ng contract termination, at resignation letter sa kanyang lamesa...

Sa lahat ng bagay sa estado na ito, hindi na kailan man makakabalik pa si Ye Bai!

Ngayong hindi ko na siya magagamit, dapat niyang masira...

Matapos nilang umalis sa opisina ng Dazzling, sila ay nag pa nagpa-reserba ng isang booth sa Blue Bar.

"Ye-ge ge! Sobrang angas mo ngayon! Sa sobrang angas muntik na akong mabakla oh oh oh--" Nagliliyab sa pagka-sabik pa din si Gong Xu at susunggab na sana kay Ye Wan Wan habang siya ang nagsasalita.

Bago pa makalapit ni Gong Xu, hinawakan ng mahigpit agad ni Ye Mu Fan si Gong Xu upang pigilan siya. "Hey dude,

"Anong problema sa pag sunggab kay Ye-ge?! Sino ka para pigilan ako?!"

"Dahil ako ay…" napatahimik si Ye Mu Fan. Magpapatuloy pa sana siya ng tignan siya ni Ye Wan Wan at napilitan siyang ilunok ang kanyang sasabihin: "Dahil ako ang kanyang nakata-tandang kapatid."

"Tigilan na ninyo 'yan. Mag-usap na tayo ng maayos. Kayo bang dalawa ay pinag-isipan itong mabuti?" Tumingin si Ye Wan Wan kay Gong Xu at Luo Chen.

Kaagad na hinampas ni Gong Xu ang kanyang dibdib. "Kailangan pa ba namin pag-isipan? Ye-ge, wag mo ng alalahanin iyon - ikaw ang hangin at ako ang buhangin. Siguradong susunod ako sayo hanggang sa dulo ng mundo. Kung hindi mo ako iiwan, mananatili ako sayo habang buhay; kung ikaw ay…"

Sasakit na sana ang ulo ni Ye Wan Wan at inalalayan ang kanyang ulo ng patigilin niya ito: "Sige… sige… Luo Chen, ikaw naman?"

Walang pag-aalinlangan sa mata ni Lu Chen. Sa halip, may malinaw na malinawag sa kanya na hindi pa niya naranasan habang siya ay nagtatrabaho sa Dazzling. "Ye-ge, kung hindi dahil sayo, walang Luo Chen na makikita ngayon. Kung hindi dahil sayo, marahil na nanatili pa din ako sa pangangalaga ni Zhou Wen Bin, nabubuhay sa mundo ng walang hustisya. Tulad ng kasabihan, 'mamatay ang isang ginoo para sa patron na kinilala ang kanyang halaga' - hindi ko babaguhin ang aking salita; sasama ako kahit saan ka magpunta. Mag sisimula tayong muli."

Nang marinig ni Gong Xu ang sinabi ni Luo Chen, naramdaman niya na mas maayos ang sinabi ni Luo chen at nagselos. Ano ngayon kung ikaw ay edukado?! Big deal!

Tumingin si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan. "Naisip mo na ba kung aling kumpanya ang sasalihan natin?"

Tinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. "Bakit hindi tayo magtayo ng sarili nating kumpanya?"

"Magsimula ng sariling kumpanya?" Si Ye Mu Fan, Gong Xu, at Luo Chen ay tumingin kay Ye Wan Wan.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba. Nagngigning ang kanyang mga mata at ngumiti. "Mayroon akong stylist na kikilalanin bilang hari ng fashion industry sa hinaharap at mayroon akong dalawang international superstar ng bukas - ayokong dumaloy ang sarili kong pampatabang tubig sa bukid ng iba~"

Nagliwanag ang mga mata ni Gong Xu at ang kanyang dibdib ay umaalon sa pagksabik. "Hinaharap… superstar ng hinaharap - ako ba ang kinakausap mo? Ahahaha… Ye-ge, magaling ka talaga pumili at talagang tama ka! Hindi mo maaaring padaluyin ang iyong pampatabang tubig sa bukid ng iba! Magsimula tayo ng sarili nating kumpanya kung ganun!"

Bilang aktor na may kaunting kakayahan sa pag-arte, tinanggap ni Gong Xu ang titulo ng walang hiya-hiya.

avataravatar
Next chapter