124 Skills ng boyfriend ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Uh.. kailangan ba talaga natin gawin ito?" nag dadalawang isip si Jiang Yan Ran.

Kahit na pinagkakatiwalaan niya si Ye Wan Wan, parang masyadong malala na ito...

Hinarap ni Ye Wan Wan ang salamin kay Jiang Yan Ran, "Gusto mo talagang magmukang iniwan na asawa sa harap ng mga tao sa eskwelahan at maging katatawanan ng lahat?"

"Syempre ayaw ko! Pero kaya mo ba talagang gawin yun?"

Napaisip sabay kinamot ni Ye Wan Wan ang baba niya, "Pag nagkamali ako, kakalbuhin ko ang sairili ko para damayan ka. Oo nga pala, hindi ko na-try magpakalbo!"

Makikita sa itsura ni Ye Wan Wan na para bang pinagisipan niya talagang magpakalbo...

Nangingig ang labi ng walang masabi na si Jiang yan Ran, "No thanks…"

Pinatong ni Ye Wan Wan ang braso niya sa balikat ni Jiang Yan Ran at mayabang na sinabing, "Wag ka na maghanap ng limang bayani na magpapaka-martyr para sa iyo ha?! Maganda ang taste ko! Example na lang, hindi ka mukang inosente na parang white lotus flower. Sa laki ng dibdib mo, magmumuka ka bang inosente niyan? Gusto mo pa rin bang gayahin ang style ni Shen Meng Qi at magmukang inosente?! Kailangan mong alamin ang hugis ng sarili mong katawan, okay?"

Nahiya si Jiang Yan Ran kaya tinago niya ang kanyang dibdib, "Ang bastos mo Ye Wan Wan…"

"Sinasabi ko ang totoo, okay!" Ilang beses tumingin si Ye Wan Wan na naglalaway, "Magtiwala ka sa akin, bagay sa iyo magdamit ng kaakit akit na nangingibabaw na dominanteng-reynang style! Una sa lahat, palitan natin ang boring na itim mong buhok. Manipis ang buhok mo, parang dinikitan ng seaweed ito--alam mo ba kung gaano ito kapangit? Gayunpaman, kailangan mo pa ring makinig sa akin pagkadating bukas ng hairdresser!"

Pinag-isipan ng mabuti ni Jiang Yan Ran. Kung masira man ang buhok niya, magsusuot na lang siya ng sumbrero para itago ito kaya pumayag na lang siya, "Okay lang sakin basta hindi mo kukulayan ng berde ang buhok ko. Sige! Gawin mo ang gusto mo!"

"Sigurado ka? Kahit na gupitin ko ng maigsi ang buhok mo?" tinanong ni Ye Wan Wan.

Natawa si Jiang Yan Ran, "Hindi ko naman na gusto si Song Zi Hang, 'bat pa ko malulungkot sa pinahaba kong buhok sakanya?

Natuwang tumango si Ye Wan Wan, "Not bad, not bad! Estudyante nga kita!"

...

Isang gabi ang lumipas.

Hindi na umuwi si Jiang Yan Ran sa dorm niya bagkus, nag-overnight siya sa dorm ni Ye Wan Wan.

Dumating ang umaga, nagising na si Ye Wan Wan pero hindi niya pa ginising si Yan Ran. Sa halip, naligo siya at umalis para pumasok sa klase.

Kahit na nakatulog sila kagabi, si Ye Wan Wan ay antok na antok pa rin. Kaya pagkapasok niya sa klase, inihiga niya ang kanyang ulo para makabawi ng tulog.

Kabaligtaran naman kay Si Xia na kilala bilang antukin. Bagkus, masiglang pumasok ng maaga si Si Xia. Nauna pa nga siyang pumasok kaysa kay Ye Wan Wan.

Umilaw ang mata ni Si Xia habang nakikita niyang papasok si Ye Wan Wan. Binigyan niya si Ye Wan Wan ng piraso ng cake na mukhang piece of art. "Wanwan, nag-umagahan ka na ba? Eto, almond cake… masarap itong kainin; gusto mo?"

Eto ang maamong boses galing sa hunk na hinahabol ng mga babae. Pero kay Ye Wan Wan, parang boses ito ng pumapatay na demonyo, "Ayoko ng almonds eh."

Nang marinig ito, biglang nanigas ang mukha ni Si Xia, "Ano palang gusto mo?"

Malapit nang mainis si Ye Wanwan at nanunuya niyang sinabi, "Masyadong marami akong gustong kainin para sabihin.."

Parang awa mo na! Wag mo na kong kausapin! Alam mo bang maraming tao ang nakatitig sa akin ngayon?

Nakita ni Si Xia na bad mood na si Ye Wan Wan at bigla siyang nalungkot, "Wanwan, hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?"

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan. Hindi na ito pwedeng magpatuloy pa. Mukang kailangan ko nang gawin ang aking ultimate move.

Kaya naman, patuloy na niyuko niya ang kanyang ulo sa lamesa at hindi siya nag-iisip na sinabing, "Oo, hindi ako makatulog dahil sa skills ng boyfriend ko sa kama."

Sa kanyang tabi...

Bumalot ang ihip ng malamig na hangin at patay na katahimikan. Sobrang katahimikan...

avataravatar
Next chapter