185 Siya ay ubod ng kagandahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa maliit na hall ng eskwelahan:

Nakahanda na mga costume at props, nagsitakbuhan sila dahil nasasabik silang makita ang mga ito.

"Wow! Ang gagara ng mga damit! Napakaganda!"

"Pasalamat tayo at dahil ito kay Cheng Xue. Dahil sa kanya, nai-pahiram ang mga costumes at props galing sa professional production team! At pagkarating ng oras ng performance, ang klase natin ang kapansin-pansin kumapara sa lahat!"

"Nangangarap ka lang! Kahit pa napakaganda ng mga costumes at props, hindi pa rin ito maitatago ang nakakapangilabot na mukha ni Ye Wan Wan, 'di ba?"

"Wala talaga akong masabi sa ugly freak na iyon; hindi ba siya nahihiya na kinuha niya ang role ni Snow White at pinilit niya pa si Cheng Xue na maging si evil queen?!"

"So what? There'll be no harm without any comparison--our Little Xue will be the most beautiful queen in history for sure!"

"Ano naman? Wag na lang magkumpara para walang gulo--ang ating Little Xue ang panigurado na magiging pinakamagandang reyna sa balat ng lupa!"

Sa oras na iyon, may nagpahayag sa kanila ng pangangamba, "Saglit lang, kung meron mang eksaherasyon sa teatro, ito ang mukha ni Ye Wan Wan, hindi ba masyadong makapal ang makeup niya? At okay lang ba sa atin na mag-perform siya ng ganyan ang itsura niya?"

Isa sa mga sidekick ni Cheng Xue ay napatingin kay Ye Wan Wan at nagreklamo, "Tama, hindi siya maliligtas ng mga costumes at props. Wala tayong choice kundi palitan ang script!"

"Ha? Palitan ang script? Sa paanong paraan papalitan?"

Sumagot si Cheng Xue, "Ganito natin papalitan ang script, ang nanay ni Snow White ay naglalagay ng makapal na makeup kay Snow White simula pa noong bata siya upang maprotektahan siya. Sa ganitong paraan, maitatago natin ang itsura Ye Wan Wan mula sa simula at hanggang matapos ang play"

"Hahahahaha, gagana kaya ito?"

Napa-ubo ang grupo niya ng mga sidekick, "Ano pa bang magagawa na natin? Maraming mga importanteng tao na dadalo sa play, hindi tayo ang responsable kapag umalis sila sa sobrang takot!"

...

Pinag-uusapan ng lahat si Ye Wan Wan at paminsan-minsan napapatingin sila sa kanya ng may pagkasuya.

Pinaglaruan ni Ye Wan Wan ang kanyang costume. Tumaas ang babaniya habang nakangiti niyang pinapakinggan ang mga masasamang komento sa kanya. Nang patapos na sila, umentra siya sa usapan, "Ay, sa totoo lang, kaya ko naman umakyat sa entablado ng walang makeup. Maganda ako kahit wala iyon!"

Napalitan ang ere ng kakaibang katahimikan pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Hahahahaha, anong sinabi ni ugly freak? Sinabi niya talagang maganda siya kahit walang makeup!"

"Sino ang nagbigay sayo ng kumpyansa para sabihin yan!?"

"Nagloloko ata siya! Kapag umakyat siya sa entablado ng walang makeup, sa tingin ko mamamatay ang mga manonood sa sobrang takot! Snow White play ba ang gaganap o Araw ng Lagim?"

Naging seryoso si Ye Wan Wan, "Oy, maayos ang itsura ko kahit walang makeup. Ginagawa ko ito sa pagmumukha ko kasi magseselos kayo sa kagandahan ko!"

Ekspresyon ng lahat: "..."

Heh, baliw na ata tayo. Nakikinig kasi tayo sa baliw na si ugly freak, kung ano-ano nalang ang pinagsasabi...

Napabuntong hininga si Ye Wan Wan dahil nakita niyang hindi sila naniniwala sa kanya. Sinabi niya ang totoo dahil maganda ang kanyang mood sa araw na iyon, ngunit hindi siya pinaniwalaan ng kahit sino sa kanila.

"Ugly freak! Tigilan mo na ang pagpapantasya mo diyan at bilisan mong lumapit dito para makapag-ensayo na! At saka, tanggalin mo nga yang costume sa maduming mga kamay mo. Hindi mo pa pwedeng suotin yan; susuotin mo lang yan kapag araw ng performance natin. Mababayaran mo ba yan kapag madumi na?!" Nakahawak sa baiwang at nakatitig ng masama na sinabi ng sidekick ni Cheng Xue kay Ye Wan Wan.

Pagkatapos nilang baguhin ang script, parang nag-iba na rin ang role ni Ye Wan Wan, mula sa Snow White ay naging si Cinderella siya. Ang sinasabi nilang mamahalin na mga costume ay mukhang luma na. Gawa ito sa hindi siguradong uri na balat ng hayop, napaka pangit ng mga ito at matigas pa. Napakahirap suotin ng mga costume.

Ayaw nang suotin ni Ye Wan Wan ang costume, lalo na nung narinig niya ang pinagsasabi ng sidekick ni Cheng Xue, masaya niyang hinagis ang kanyang costume sa gilid.

avataravatar
Next chapter