280 Siya ang gusto ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Luo Chen…

Ang kanyang obra maestra ay ang "Terrifying Dragon."

Tila positibo ang nakita ni Ye Wan Wan kay Luo Chen dahil sa mahilig siya sa martial arts at halatang napanuod niya ang classic drama series, "Terrifying Dragon."

Kung tama ang pagkakaalala niya, nang nakaraang tatlong taon nag debut si Luo Chen at gumanap sa papel ng big BOSS villain "Terrifying Dragon" at sumabog ang kasikatan magdamag.

Na may mataas na pinagmulan at ang kaniyang kagwapuhan, magiging maayos ang lahat sa kaniya ngunit tila walang balita sa kanya matapos ang debut.

Ang acting experience na nakalagay sa resume ni Luo Chen ay sobrang walang kwenta--maliban sa "Terrifying Dragon", ang tanging kilalang gawa niya, nang mapunta siya sa industriya ng tatlong taon halos hindi na siya gumanap bilang karakter sa ibang mga palabas.

Ang tanging kapansin pansin lang sa kanyang resume ay ang kanyang larawan.

Sa may litrato, na may sunset sa kaniyang likuran, ang teenager ay nakaupo sa railing na nakasuot ng puting t-shirt at pantalon, na nakatingin sa malayo. Meron siyang labis na maamong mukha at ang kaniyang malambot na buhok ay bahagyang nagugulo ng hangin, ang kaniyang malinaw at nagniningning na mata ay nababalot ng kasiglahan...

Sa kaniyang itsura at kaniyang pagiging class, tunay na nararapat sa kaniya ang titulong "The Citizens' First Love"...

Nakakalungkot na wala ng kahit anong balita tungkol sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon. Ang taong dating tinatawag na "The Citizens' First Love" ay paunti-onti ng nakakalimutan ng lahat.

Kung utakan lang ang pag-uusapan, imposible para sa isang artista katulad niya na nalipasan na ang kasikatan niya at tulungan si Ye Wan Wan sa kaniyang swerte.

Gayon pa man, sa tuwing nakikita ni Ye Wan Wan ang pangalan ni Luo Chen, napapangiti siya nito.

Inaasahan na niya na hindi hahayaan ni Chu Hong Guang si Ye Wan Wan na magtrabaho sa main office at hindi niya hahayaan na mapunta kung saan ang makikinabang siya; inaasahan na rin niya na ipapatapon siya sa walang kwenta, walang-walang Dazzling Media.

Ang unang artista na nakita ni Ye Wan Wan ay si Luo Chen!

Base sa memory niya, merong pagkakataon si Luo Chen upang bumalik ang kasikatan niya ulit sa hinaharap. Hangga't pinanghahawakan niya ang oportunidad, matutulungan niyang umangat ulit si Luo Chen.

Ngunit sa kaniyang dating buhay, hindi niya nakuha ang ganitong pagkakataon ng siya ay 18 taong gulang lang-- sandaling napalaki ang kaniyang kasikatan at bigla na lang nawala.

Matapos iyon, hindi kailan man lumabas ang pangalang Luo Chen.

Ngunit sa oras na ito… hindi niya hahayaan na lumagpas kay Luo Chen ang ganito kagandang oportunidad.

Walang duda na magagawa ulit niyang pasikatin ang pangalan ni Luo Chen sa kabuuan ng industriya ng entertainment.

Sa ganoong pag-iisip, tinuro ni Ye Wan Wan ang impormasyon ni Luo Chen at direktang sinabi, "Siya ang gusto ko!"

Tinignan ni Chu Hong Guang ang taong tinuro ni Ye Wan Wan at nagkita ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Sigurado ka ba?"

Bahagyang nagulat si Chu Hong Guang sa napili ni Ye Wan Wan; wala masyadong potensyal ang artista sa Dazzling Media, ngunit ang taong napili ni Ye Wan Wan ay mas lalong hindi kaakit-akit sa lahat. Kahit siya ay nakalimutan ang taong ito.

"Sigurado ako," matatag na sabi ni Ye Wan Wan.

Nakita ni Chu Hong Guang na dertiminado si Ye Wan Wan at may pagyayamot sa kanyang puso.

Noon, nang masaksihan ni Chu Hong Guang ang pag aayos ng insidente, ang akala niya na si Ye Bai ay may kakayahan, ngunit ang nakita niya ngayon, ang taong ito ay may kakilakilabot na paghatol.

Hindi pa niya kahit kailan narinig ang pangalan ng artistang ito noon; tila naging sikat siya sa martial arts series ngunit wala na siyang ibang tanyag na ginawa at hindi siya ganoon kakilala --siya ay may magandang mukha lamang at walang kahit na anong kakayahan.

Maraming magaganda ang tao sa loob ng entertainment industry at karamihan sa kanila ay katulad niya.

Masyadong bata pa itong si Ye Bai-- sagana siya ng ambisyon ngunit kulang pa din sa karanasan.

avataravatar
Next chapter