318 Sisirain ang buong kalawakan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi makapaniwala ang katawagan niya. "Bakit pinepeke mo pa rin ha?!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

Nagsuspetya ang katawagan niya na baka niloloko lang siya ni Luo Chen, "Hindi mo ba alam? Sikat ka na ngayon! Sumikat ang post mo sa Weibo!"

"Weibo?"

Humarap si Luo Chen sa kanyang laptop at nag-sign in sa Weibo niya.

Binalik na muli ng manager niya ang kanyang Weibo account, pero hindi niya ulit ito nai-log in pagkatapos nun.

Medyo luma na ang laptop kaya matagal bago maka-log in si Luo Chen. Tapos… bigla siyang nawalan ng koneksyon dahil sa rumaragasang dami ng notifications...

"..." nanahimik ng ilang segundo si Luo Chen. Hindi niya pa rin naiintidihan ang nangyayari.

Matapos ang ilang beses niyang pag-log in at pagsasara ng notifications, sa wakas ay naka-konekta na siya sa kanyang account.

Nagulat siya pagkabukas niya ng main page ng Weibo.

Matagal na panahon na noong nag-post siya sa Weibo, pero nakita niya na may update noong dalawang linggo na lumipas.

Hindi siya makapaniwala na sampung-libong beses na pinost muli ang video na naka-post sa kanyang account, halos isang-daan libo ang likes nito at hindi mabilang ang mga nag-komento.

Ang video ay in-upload sa kanyang Weibo post. Binuksan ni Luo Chen ang video para mapanood niya ito, isa itong klasikong eksena sa palabas na "Terrifying Dragon"--ito yung eksena na inarte niya ulit sa film studio noong nakaraang mga araw na lumipas.

Pero maigsing clip lang ito sa klasikong makaluma na palabas--bakit naman ito makakakuha ng maraming atensyon? Hindi rin naman siya isang sikat na artista...

Ang mga pinost niya noon sa kanyang Weibo ay nakakakuha lang ng kulang-kulang na nasa ilang daan na reposts; bilang lang na hindi namamatay na fans niya ang nag-iiwan ng komento.

Matiyagang pinanood ni Luo Chen ang buong videoclip. Sa video, ang mata ng binata ay kumikislap habang sinasabi niya, "...at kung ikinaila ako ng mundo, sisirain ko ang buong daigdig!"

Ang unang bahagi ng clip ay kinuha sa lumang palabas, gayunpaman, noong napunta sa huling linya, nahati sa dalawa ang video--kalahati nito ay ang linya sa lumang palabas at ang kalahati at ang clip na ginawa nila kamakailan lang.

"Sisirain ko ang buong daigdig——"

Sabay na lumabas ang video niya noong tatlong taong nakalipas at yung video niya noong dalawang linggo na lumipas habang nakasuot siya ng pang-modernong outfit, sabay nilang sinabi ang huling limang salita na linya sa "Terrifying Dragon."

Noong pinagsabay ang dalawang clip na ito… kahit siya ay nabighani sa sarili niya...

At sa mga oras rin na iyon, napansin niya ang mga nakasulat na caption ng video sa Weibo: Matagal na panahon na hindi ko kayo nakita, wag kayong mag-alala… Babalik na ako!

Katumbas nito ang… pagpapahayag ko sa publiko ng panunumbalik ko!

Gayunpaman, hindi rin ito masyadong sumikat nung ipinost ito noong lumipas na dalawang linggo; wala sigurong nakapansin ng kanyang post.

Ngunit dahil namatay na si Old Mr. lin Zong, sumikat ulit at martial arts trend sa entertainment industry. Lahat ng mga artista na gumanap sa "Terrifying Dragon" noon ay nag-post ng may kaugnayan sa balita sa sari-sarili nilang Weibo, kaya ang post ni Luo Chen ay nakasama sa mga updates tungkol sa martial arts hanggang sa sumikat ito.

Tiningnan ni Luo Chen ang ilang mga nag-komento sa kanyang post.

Paboritong baby ni Luo Chen: "Ahhhhhh! Dumating na rin ang araw! Nag post. na. si. Luo. Chen. sa Weibo! Ang gwapo niya lalo noong huling tatlong segundo!

Pamilyar sa kanya ang ID na ito; galing ito sa die-hard fan niya na sinundan siya simula noong sumikat siya noong tatlong taon na lumipas. Laging may komento ang fan niyang ito sa bawat pagkakataon na magpo-post siya, hanggang sa tumigil siyang mag-post noong kalahating taon na lumipas dahil wala na siyang natanggap na advertisement projects.

Sweet Mom: diyos ko, diyos ko, ay diyos ko! Tama ba ang nakikita ko? Anong ibig sabihin ng post na ito? Babalik na ba ang asawa ko? Si Chen lang ang minamahal ko, wala nang iba!

Siya rin ay isa sa mga hindi mamatay-matay na fan ni Luo Chen...

Hindi niya inaasahan na sa tagal ng panahon, makikita pa rin niya ang mga post nila... 

avataravatar
Next chapter