780 Sinuntok mo ba ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Matandang magnanakaw, isa akong miyembro ng Rosas ng Kamatayan. Hindi ninyo pa ba naririnig ang Rosas ng Kamatayan?!" sigaw ni Nameless Nie.

Nang makita na hinahayaan lang ni Nameless Nie ang kanyang sarili at masyadong nagiging mapahayag, tangging hinihiling ni Ye Wan Wanna bumalik sa dati, at hahayaan siyang pumili ng ibang actor...

Bigla niyang napagtanto na ang pag-arte ni Gong Xu ay hindi ganon kasama… kumpara dito, ang pag-arte ni Gong Xu ay maaaring makita bilang god-like!

Sa sandaling ito, inilagay ng taong yelo ang kabaong sa lapag at humiga dito. Mayroong insang malakas na "bang" ng isara niya ang kabaong.

Ye Wan Wan: "..." inaasahan kona ito.

Kasalukuyan, tanging ang deboto at Spray of Flowers ang nasa harapan ni Ye Wan Wan - maaari itong ikunsidera na "pasado" para sa dalawang aktor na ito...

"Tanda, palayain mo sola ngayon din! ako, ang Rosas ng Kamatayan,

Nawalani Nameless Nie ang kanyang sarili sa kanyang karakter at hindi magawang

Sa puntong ito, talagang gusto ng lumapit ni Ye Wan Wan at tanungin si Nameless Nie na kung ito ba ang kanyang naisip ng isulat niya ang tungkol s mga miyembro ng Rosas ng Kamatayan…

Balangkong nakatingin ang grupo ng mercenary kay Nameless Nie - isa ba talaga itong miyembro ng Rosas ng Kamatayan?

"Ikaw tanda, na hindi mamatay-matay! Hindi mo ba naarinig ang sinabi ko? Kumilos ka ng naaayon! Kung hindi, sasaksakin ka hanggang mamatay ng (l) iyong ama! Ang aking patalim ay papasok ng pula at lalabas ng malinis!" sigaw ni Nameless Nie.

"Kapitan, ang aking patalim at papasok ng malinis at lalabas ng pula' - nagkamali ka," tinama siya ni Spray of Flowers.

Nang marinig iyon, tuloy tuloy na tumango si Nameless Nie, "tama, ang aking patalim ay papasok ng malinis at lalabas ng pula!"

"Ikaw ang Black Widow mula s Rosas ng Kamatayan?" tumitig si Li San Ye kay Ye Wan Wan, nagtataka. Wala siyang pakialam sa hiling ni Nameless Nie.

Ye Wan Wan: "..." maaari ba akong hindi mag salita…

"Lapastangan! Ikaw tanda - sino ka ba sa tingin mo? Ang kapal ng mukha mong kausapin ang boss namin ng ganyan? Gusto sa lalaki ng aming boss at ang maligo sa sariwang dugo - hindi ka pa din ba natatakot, huh?" Sigaw ni Nameless Nie.

"Haha…" nangutya ang doktor na nakabihis bilang isang binata, "akala ko ito ay talagang Rosas ng Kamatayan, pero sa huli, isa lang pala itong grupo ng mga baliw."

Tumingin ang mercenary kay Ye Wan Wan at tinango ang kanilang mga ulo - akala talaga nila na dumating na ang Rosas ng Kamatayan, pero ngayon ito ay tila…

"Ang sabi ninyo kayo ang Rosas ng Kamatayan?" tumingin si Li San Ye kay Nameess Nie at nang-asar.

"Tanda, hindi mo pa din na iintindihan?" tanong ni Nameless Nie.

"Ang sabi mo isa kang miyembro ng Rosas ng Kamatayan?" ngumiwi ang gilid ng labi ni Li San Ye.

"Tanda, hindi ba pa malinaw?" umirap si Nameless Nie.

"Nabalitaan ko na ang bawat miyembro ng Rosas ng Kamatayan ay talagang mahuhusay. Dahil sa ito ang nangyari, bakit hindi tayo magkaroon ng kaunting suntukan… tignan natin kung ang kwento-kwentong ito ay totoo…" tawa ni Li San Ye.

"Ayoko makipag-away sayo - hindi maganda kung sasaktan kita," ang sabi ni Nameless Nie.

"Haha, Li San Ye...isa lang isang grupo ng mga baliw. Huwag kang mabahala sa kanilang motibo, patayin mo nalang islang lahat!" isang nakakatakot na ngiti ang lumabas sa mukha ng doktor.

"Sige." tumango si Li San Ye. Saka niya inangat ang kanyang kanang kamay at ang anino ng kanyang palad ay mabilis na napunta sa kabila.

Sa sumunod na sandali, ang palad ni Li San Ye ay tumama sa baba ng tyan ni Nameless Nie.

Biglang natahimik si Nameless Nie at tumingin sa kanyang tiyan.

"Oh?" isang bahid ng pagdududa ang lumabas sa mga mata ni Li San Ye. ayos lang ba ang lalaking ito?

"Ikaw… sinapak ko ba ako?" dahan-dahang inalis ni Nameless Nie ang kanyang maskara mula sa kanyang mukha. Maalamig ang tingin niya sa matandang lalaki. Isang tingin lang sa kanya, ngunit tila may kakayahan itong magpalubog ng tao sa isang butas.

avataravatar
Next chapter