680 Sinungaling kayong dalawa!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para bang kinidlatan si Gong Xu nang makita niya ang eksenang ito. Tiningnan niya sila Han Xian Yu at Luo Chen na para bang gusto niyang magsampa ng reklamo.

SINUNGALING! Sinungaling kayong dalawa! Nagsama pa kayo para magsinungaling sa akin!

Hindi ba't sinabi niyong dalawa na ang gusto ni Ye-ge ay mga babae?

Sabihin niya sa akin kung ano ang sitwasyon na ito - ANO ITO???!!

Bakit bigla na lang sumulpot ang halimaw na ito?!

Napansin ni Ye Wan Wan ang reaksyon ng kanyang mga kasamahan, ngunit nang maisip niya ang kalalabasan ng sitwasyong ito, nagdesisyon siya na hindi na lamang siya gagalaw.

Nasulyapan ni Ye Wan Wan si Luo Chen, Gong Xu at ang iba pa sabay tiningnan niya si Si Ye Han at kanyang sinabi, "Baby, huwag mo naman akong pahiyain sa harap ng mga artista ko?"

Pahiyain?

Nagtaka sa kanya si Si Ye Han.

Inisip ng maigi ni Si Ye Han ang sitwasyon nila ngayon. Naisip niya na nagaalala si Ye Wan Wan dahil baka may maisip na masama sa kanya ang mga tao at ayaw niyang maging malapit kay Si Ye Han sa harap ng mga tao at ng kumpanya niya. Biglang nawalan ng pakiramdam ang mga mata niya sabay pinakawalan niya ang kamay ni Ye Wan Wan.

Ngumiti si Ye Wan Wan at hindi na siya nagpaliwanag kay Si Ye Han.

Tinanggal niya ang coat sa kanyang balikat at dahan dahan niyang hinagis ito kay Si Ye Han. Pagkatapos nito, tinanggal niya ang shawl sa kanyang leeg at dalawang beses niyang binalot ito ng mahigpit sa leeg ni Si Ye Han. Tumawa si Ye Wan Wan at binulungan niya si Si Ye Han: "Ang ibig kong sabihin, kung gagawa man tayo ng ikagugulo ng isip nila, ako dapat ang mas dominante sayo! Kapag nakita ng mga artista ko na kinakaya kaya kita, hindi ba't ako naman ang wala nang mukhang ihaharap?"

Si Yehan: "…"

Isa sa mga lalaki ang biglang napangiti. Mukha siyang isang kaakit-akit at eleganteng prinsipe na nakatira sa nang may mataas na kaledad ng pamumuhay at nasa kanya ang respeto ng bayan, ang isa naman ay napakaputing nilalang na kasing puti ng niyebe sa bulubundukin. Mukha silang hindi bagay sa isat isa ngunit banayad ang pakiramdam kapag magkasama sila, kasing ganda nila ang isang painting...

At tsaka, parang may hindi tiyak na relasyon sila sa isa't isa...

Ngunit sa hindi kalayuan, makikita sa mukha nila Luo Chen, Han Xian Yu, Gong Xu at Tang Xing Huo na naguguluhan sila sa nangyayari.

Malinaw sa kanila na ang pakikitungo nila Si Ye Han at Ye Bai ay parang magkasintahan na babae at lalaki. Ngunit sa ngayon, sila ay dalawang tunay na lalaki na tila nagiging malandi sa isa't isa. Hindi ba't parang may mali sa imaheng ito?

Napalunok si Tang Xing Huo at lumapit siya sa kanyang kasamahan. "Sino yung lalaki kanina? Kaano-ano niya si Ye-ge? Bakit parang… may mali akong nararamdaman sa kanilang dalawa? Hindi kaya… mali lang ang iniisip ko…"

Sumabog sa sobrang galit si Gong Xu at sumugod siya papunta kay Han Xian Yu at Luo Chen. "Ito ba ang ibig sabihin niyo na may gusto si Ye-ge sa mga babae?"

Nagtinginan sila Han Xian Yu at Luo Chen.

Pagkatapos nito, sumagot si Luo Chen kay Gong Xu, "May problema ka ba?"

Tumibok ang mga ugat sa noo ni Gong Xu. "Tinatanong mo pa ako kung may problema? Hindi ba nakita ng mga mata mo ang eksenang iyon?"

Walang pakialam si Luo Chen nang sumagot siya kay Gong Xu. "Ano naman kung nakita ko iyon?Normal ito dahil magkaibigan sila na nakikisama sa isa't isa."

Nakita na noon ni Luo Chen na sinugod ni Ye Bai sa sofa si Si Ye Han at yumayanig pa ito. Naintindihan niya na normal lamang na nilagyan ni Si Ye Han ng coat sa balikat si Ye Bai at hinawakan pa ni Si Ye Han ng kaunti ang kamay ni Ye Bai.

"Normal? Bulag ka ba?" Tumutol si Gong Xu sa kanya, sabay humarap siya kay Han Xian Yu. "Xian Yu-ge, sa tingin mo ba na normal ang pangyayari na iyon?"

Kinamot ni Han Xian Yu ang kanyang ilong. "Wala naman siguro… yun, huh…"

Gayunpaman...

Mas maraming nakita si Han Xian Yu kaysa kay Luo Chen - nasilayan ng kanyang mga mata na hinalikan ni 9th master si Ye Bai...

Sa huli, si Gong Xu lamang ang naguguluhan sa kakaibang eksena nila...

avataravatar
Next chapter