688 Sinong nagpalaki ng ulo mo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inakala niya noon na matatakot si Gong Xi dahil hindi na siya tinutulungan ng pamilya niya, hindi niya inakala na ang lalaking ito ay magyayabang at hindi pa magpapatalo...

Nagalit si Yang Jin Yuan at biglang nakita ang inis sa kanyang mga mata. Kung naging malala ang sitwasyon ngayon, walang magagawa ang Dazzling kundi tanggalin si Gong Xu sa kumpanya...

Malayo sa kaalaman ni Ye Bai na malala na ang sitwasyon na ito - hinahayaan niya pa rin na gawin ni Gong Xu ang kahit anong ninananais niya dahil nagtitiwala siya na alam ni Gong Xu ang ginagawa niya tulad ng pinapakita niyang ugali noon; akala niya na walang kahihinatnan ang pagmamayabang ni Gong Xu.

Walang kwenta si Gong Xu dahil wala siyang pamilya na sumusuporta sa kanya.

Noong araw ng press conference ay ika-limang araw na lumipas simula noong nag-post ng video sa Weibo si Wan Shanshan.

Nagsimula ang gulo na ito noong pumunta si Gong Xu sa filming set ng "Terrifying Dragon 2" at nakabanggaan niya ang kanyang karibal na si Ling Shaozhe. Dinumihan ni Gong Xu ang mga damit ni Liang Shaozhe at hindi siya nanghingi ng tawad sa ginawa niya, pinagmayabang niya pa nga ang kanyang mga kayamanan upang insultohin si Ling Shaozhe. Sa pampublikong lugar niya binuhusan ng kape si Ling Shaozhe at walang tigil niya itong pinag-iinsulto sa harap ng karamihan.

May tatlong uri ng mga netizens: ang una ay ang mga netizens na galit sa mga mayayaman, ang pangalawa ay ang mga nakikiramay sa mga mahihina at ang pangatlo ay ang mga kabataan na binabalot ng galit.

Maging malala at bayolente ang sitwasyon kapag may isang masamang tao ang gumawa ng kaguluhan sa mga grupong ito.

Ang lahat ng mga grupong ito aktibong sinisiraan si Gong Xu. Hindi na kailangang palakihin pa ang apoy dahil sapat na ang video na iyon upang dalhin siya kung saan ay malakas ang bagyo, kaya lalo siyang kinaiinisan ng mga netizens.

Sangkaterba ang mga sumunod na post nitong nakaraang mga araw, tulad ng "Ihinto ang pang-aapit sa loob ng Entertainment Industry,""Ang Sociopathic na si Gong Xu," at "Patalsikin ang demonyo ng Entertainment Industry."

Noong una, kilala si Gong Xu bilang isang aroganteng binata na nagkaroon mababaw na mga skandalo. Ngayon, maraming iba't ibang mga pangkat ng lipunan ang nagkakagulo at ang galit na namumuo kay Gong Xu ay umabot na rin sa buong bansa.

Nakakatakot ang mga tsismis na kumakalat. Kung magpapatuloy ang ganitong mga usapan, malamang ay matatanggal na si Gong Xu sa showbiz at malaki ang magiging epekto nito sa kanyang kinabukasan.

Ang mga karaniwan at mga mapanakit na salita na kanyang sinabi ay maihahalintulad sa aksyon ng isang mamatay tao.

Pinalibutan ng mga galit na fans na may hawak na baner ang labas ng hotel. Pinalibutan na rin nila ang ilang mga bahay ni Gong Xu. Si Gong Xu rin ang laman ng headlines ng ilang mga gossip magazines na nakapalibot sa mga kalye.

Lumaganap ang usok ng gera sa loob ng internet- punong-puno ng insulto ang personal na Weibo ni Gong Xu, naging malagim ang kanyang homepage, nakatanggap rin siya ng banta na papatayin siya at kahit ang fan groups niya ay pinaulanan ng mga mapanirang mensahe. Naghahanap ng oportunidad ang mga taong naghahanap ng cyber violence na atakihin si Gong Xu...

Sa oras din na iyon, sa loob ng hotel; tila parang mga kutsilyo ang mga panulat ng press dahil ang bawat isa sa kanila ay handang hiwain ang kahit kapirasong balat ni Gong Xu...

Reporter: "Gong Xu, alam naman na ng lahat ang alitan sa pagitan niyo ni Ling Shaozhe ay may katagalan na rin; Nananahimik lamang at hindi naghahanap ng gulo si Ling Shaozhe sa iyo. Ngunit pinalaki mo ngayon ay maliit lamang na isyu noon, tinapakan at sinira mo pa ang dignidad niya bilang tao. Hindi ka rin nanghini ng tawad sa mga nagawa mong mali dahil alam mo na may sumusuporta sa iyo - Gusto kong malaman kung sino ang nagbigay ng malaking ulo mo?! Yung kumpanya ba na nakasuporta sayo o ang sumusuporta sayo na, Grand Million Group?!"

Maliwanag sa kanila na ang mga reporters ay handang gerahin sila gamit ang pagbabanggit nila sa Dazzling at gayundin ang Gong family para lumaki ang isyu na ito.

"Ha…" natawa si Gong Xu. Umangat ang kanyang matalas na mukha at klaro niyang binigkas ang bawat letra ng kanyang sasabihin.

"Sinong nagpalaki ng ulo ko? Ako,si Gong Xu, ay pinapaalam sa inyong lahat na itinakwil na ako ng matandang iyon, at kahit tanggalin ako ng kumpanya, kahit mawalan ako ng fans, hindi magbabago ang sasabihin ko: Gusto niyo akong manghingi ng tawad? Sige, KAPAG NAMATAY NA AKO!"

avataravatar
Next chapter