158 Sinong hindi na-inlove sa epal noon?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakaramdam si Jiang Yan Ran ng matinding lungkot sa kanyang puso. "Ah, masama ako dahil pinatigil ko ang engagement? Sino kaya ang nagsabi na walang katotohanan ang engagement natin at wala akong kinalaman doon? Binigay ko lahat ng gusto mo 'di ba? O mali pa din yon?"

Nanlilisik sa lamig ang mga mata ni Song Zi Hang, "Wag mo nang isama yan sa usapan at paguluhin pa lalo ito! Binabalaan kita, bumalik ka at sabihin mo sa tatay mo na bawiin lahat ng pinagsasabi niya tungkol sa pagtigil ng engagement at magtrabaho na muli kasama ang Song family sa proyektong ito. Sa totoo lang, okay kung pipilitin mong itigil ang engagement. Kabayaran na lang na ibigay niya ang project sa Song family.

Pagkatapos nito, aakto ako na hindi nangyari ang insidenteng ito. Kung hindi, wag mong aasahan na papatawarin kita kahit kailan! Wag mong ubusin ang pasensya ko. Kailangan limitahan ang pagiging matigas ng ulo mo!"

Akala ni Song Zi Hang na ang pinaggagawa ni Jiang Yan Ran ngayon ay para baguhin ang isip niya; akala niya talaga na nababaliw sa kanya si Jiang Yan Ran at siya pa rin ang babaeng nagpapakatangang maniwala sa kanya kahit pa nagagalit siya.

Biglang kumislap ang natitirang liwanag sa mga mata ni Jiang Yan Ran habang pinapanuod ang lalaking nagustuhan niya ng matagal na panahon, "Kinadudugyutan kita Song Zi Hang."

"Ikaw!" pinanood na lamang ni Song Zi Hang ang umaalis na babae habang ang makikita sa muka niya ang pamumula sa sobrang galit.

Sa dormitoryo ng mga babae:

Pagkatapos nilang makauwi, napansin ni Ye Wan Wan na nalulungkot si Jiang Yan Ran, "Okay ka lang?"

Nalulungkot na ngumiti si Jiang Yan Ran, "Naisip ko na nakakatakot pala; paano kung huli na ang lahat bago ko malaman ang tunay niyang kulay? Ano na lang mangyayari sa akin?"

Napaisip si Ye Wan Wan sa una niyang buhay, ang kinahinatnan ni Jiang Yan Ran nang huli na ang lahat.

Alam ni Ye Wan Wan ang pakiramdam na mawala sa ere ang lahat ng pinaninindigan. Nagbuntong hininga siya at sinabi, "Ngiti ka naman, sinong hindi na-inlove sa epal noon?"

Humalakhak sa sobrang tawa si Jiang Yan Ran, "Oo nga pala, parehas pala tayo. Sa totoo lang, nagtataka talaga ako sayo noon. Mahal na mahal mo si Gu Yue Ze dati, ano ang biglang nagpabago ng isip mo sa kanya?"

Nalungkot ang mga mata ni Ye Wan Wan at sumagot, "Aksidente ko na nalaman ang katotohanan."

...

Sa darating na mga araw, hindi pa kumpleto at hindi pa rin inanunsyo ang resulta ng bidding process. Kaunting tao lang ang nakakaalam at di rin alam ng publiko ang resulta nito.

At dahil pinagmalaki ito ni Song Zi Hang sa lahat, akala tuloy ng buong eskwelahan na nakuha ng Song family an proyekto sa gobyerno. Lumapit ang mga tao para batiin si Song Zi Hang at bigyan niya sila ng pabor.

Matalas ang pag-iisip ni Shen Meng Qi at napansin niyang may gumugulo sa isip ni Song Zi Hang ng ilang araw na. Hindi niya alam kung dahil sa transpormasyon ni Jiang Yan Ran o dahil natutuwa siya sa pagkakuha ng deal.

Gayunpaman, hindi niya hahayaang makawala muli ang kanyang biktima. Kaya naman, mas naging magalang siya kay Song Zi Hang at niyayaya niya pang mag-date tuwing sabado.

Hindi naging madali ang buhay ni Song Zi Hang sa bawat araw na lumipas na wala ang proyekto sa kanyang mga kamay. Naiisip niya pa din na tutupi sa kanya si Jiang Yan Ran.

Habang nag-shopping sila ni Shen Meng Qi, nakatanggap na naman siya ng tawag galing sa kanilang bahay.

Yumuko at lumayo si Song Zi Hang kay Shen Meng Qi at sinagot ang tawag, "Hello, mom, kamusta na ang lahat?"

Ang galit na galit na boses ng nanay niya ang biglang sumagot, "Zi Hang, wala nang awa ngayon ang Jiang family! Wala na tayong magagawa pa! Kahit pabuhatan niya lang tayo ng simpleng pabor hindi niya pa din gagawin, mas gusto niyang mabulok ang mamahaling equipment ng kumpanya natin kaysa tulungan niya tayo; tinutulak niya na talaga tayo sa kamatayan!"

"Ang matandang bastardo! Tinratrato niya talaga tayo ng ganoon na lang?!" Kumukulo na ang dugo ni Song Zi Hang sa sobrang galit.

avataravatar
Next chapter