719 Sino siya sabi mo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinupi ni Ye Mu Fan ang kanyang mga braso at nagsalita ng hindi nag-iisip: "Sa akin, malamang!"

"Pfft, haha… anong sabi ng basurang ito?"

Sa sandaling sinabi iyon ni Ye Mu Fan, pumalibot ang mga designer kay He Jun Cheng at natawa.

"Ye Mu Fan, may mali ba sa pag-iisip mo? Ang aming head stylist He ang nagnakaw sa gawa mo? Sino ka sa akala mo?"

"Aiyo eh, ang head stylist ng Assembly of Stars Entertainment ay nagnanakaw ng mga gawa ng walang kwentang tao - alam mo talaga kung saan mo ilalagay ang mga pakpak, huh!"

Hindi na kailangan pang magsalita ni He Jun Cheng - nilulunod na ng lahat sa pagkahiya si Ye Mu Fan.

"Hoy! Nasaan ang security? Ganito ba sila magtrabahp? Paano sila nagpapapasok ng kung sinuman ng walang imbitasyon? Hinayaan pa nilang gumawa ito ng gulo!"

"Tama! Bakit hindi pa nila ito pinapaalis?!"

Lumalaki na ang gulo at hindi nagtagal, naalertuhan na ang mga staff.

"Pwede ko bang malaman kung anong nangyayari dito?" Isang babae na nakasuot na pormal na damit ang lumapit. Nagliwanag ang mga mata niya nang makita si Ye Mu Fan, "Kanina pa naghahanap si direktor Zheng…"

Bago pa matapos ng babae ang kanyang sasabihin, sumabas ang stylist na may mahabang buhok. "Basta na lang pumasok ang lalaking ito nang walang imbitasyon at gumawa ng gulo dahil sa naiinggit siya sa aming head stylist He. Inakusahan pa nito na ninakaw ng aming head stylist He ang gawa niya! Paano niyo ba ginagawa ang trabaho niyo? May paki ba kayo?"

Pinapanood ng mga taong walang alam sa nangyayari ang gulong nagaganap at nag-umpisa ng magbulungan.

"A-ano… nandito siya para manggulo… naiinggit kay head stylist He…" Naguguluhan ang miyembro ng staff at hindi naiintidihan ang nangyayari.

Mukhang mabalasik ang lalaking may mahabang buhok at madiin na sinabi, "Tama! Kung hindi ka naniniwala, tignan mo kung may imbitasyon siya!"

"Ay, hayaan mo na…" umarte na may magandang loob si He Jun Cheng at mapagpatawad.

Para makakuha ng pabor kay He Jun Cheng, makatwiran na sabi ng lalaking may mahabang buhok, "Paano mo hahayaan lang ito? May kapal ng mukha ang salot na ito sa mundo ng fashion ang pumunta sa ating Fashion Association! Dinudumihan niya ang pangalang ng ating association!"

Nang marinig iyon ng miyembro ng staff, hindi mapaliwanag ang itsura niya. Tinignan niya sina He Jun Cheng at ang iba na para bang mga kakaibang anyo. "Totoo nga, walang imbitasyon ang lalaking ito…"

Agad na nagalak ang lalaking may mahabang buhok at masayang sinabi, "Sabi sa 'yo!" Anong inalok niya sa 'yo at kinumbinsi ka na papasukin siya?!"

Bahagyang nainis ang miyembro ng staff sa agresibong ugali ng taong ito. Malamig niyang sinulyapan sina He Jun Cheng saka pinaliwanag ng malinaw at malakas, "Anong lalaking ito ay ang ating vice-chairperson ng Fashion Association. Siya ang host at nag-ayos sa Grand Fashion Ceremony ngayon kaya natural, hindi niya kailangan ng imbitasyon. May problema pa ba kayo dito?"

Nabalot ng katahimikan ang buong silid.

Nanigas ang ngiti sa lalaking may mahabang buhok at agad na nanliit ang mga mata ni He Jun Cheng at inangat ang kanyang ulo para tignan ng masama si Ye Mu Fan...

Sa entablado, nanigas bigla ang katawan ni Shen Meng Qi na kalamado lang pinapanood ang nangyari. Namutla ang kanyang maamong mukha at hindi makapaniwalang tinignan si Ye Mu Fan...

A-anong sabi ng babae?

Vice-chairperson ng Fashion Association…

Ye Mu Fan?

Sa sandaling ito, si He Jun Cheng, na nagising na din sa kanyang diwa, ay hirap na sinabi, "Ikaw… ano… anong sabi mo? Sino siya sabi mo?"

Inirapan siya ng miyembro ng staff. "Ang ating bagong vice-chairperson ng Fashion Association, si Mr. Felix. Siya ang lalaking inaakusahan niyong pumasok dito ng walang imbitasyon at dinudumihan ang pangalan ng Fashion Association."

Everyone: "…"

Lahat: "..."

avataravatar
Next chapter