713 Sino siya sa akala niya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Assembly of Stars Entertainment, madaming mga tao ang bumabati kay He Jun Cheng.

"Head stylist He, congratulations!"

"Oo nga, Mapapatunayan ang abilidad ng isang tao. Walang alam ang mga masagwang baguhan sa fashion at sabi pa na ginamit ng boss natin ang lahat ng pagiging malikhain niya!"

"Syempre! Alam mo ba kung gaano kataas ang awards ng Hundred Flowers Film? Maski ang Chasel ng Emperor Sky ay wala sa listahan!"

Nominado ang sinuot ni He Jun Cheng sa drama para sa Hundred Flowers award. Kahit na sa maikling listahan ang drama at hindi siya nanalo ng award, ito ang pinaka-prestihiyoso na award sa sa industriya ng lokal na pelikua at tanging mga eksperto lang ang mga kandidato.

Dahil sa mga maling lumalabas sa mga disenyo at istilo niya, may mga tsimis pero buti na lang, napatunayan ng award na ito ang kanyang abilidad. Maski ang mga tsimis tungkol sa pagbaba ng kakayahan niya ay nawala.

Ang kandidato na damit sa drama para sa Hundred Flowers award ay hawak ni Ye Mu Fan bago siya umalis. Nang umalis siya, halos nakalahati niya lang ang trabaho niya. Sa una, sinubukang kumbinsihin ni He Jun Cheng si Ye Mu Fan na bumalik at magtrabaho para sa kanya, pero sinong mag-aakala na hindi alam ng basurang ito kung anong nakakabuti sa kanya? Dahil sa kanya, kailangang gumata ng team ni He Jun Cheng sa huling minuto para makumpleto ang disenyo.

Buti na lang, lahat ng trabaho na ginawa niya sa dalawang taon na nakalipas ay sapat na sa kanya para makatapak sa mundo ng fashion; pwede niyang buhayin ulit ang kanyang mga tagumpay noon.

"Ay, sayang biglang lumitaw ang 'The Prosperous Dynasty'. Kung hindi, talagang mapupunta ang award sa ating head stylist He!"

Malungkot na bulong ng isang tao.

Gayunpaman, may lumapit kay He Jun Cheng para purihin siya. "Sayang, ang 'The Prosperous Dynasty' ay ang malaking produksyon ng Worldwide, hindi tayo makakapagkumpara sa kanilang pinakunan at pamunuhan. Tsaka, ang designer na nakapanalo ng award ay nakuha ng Dazzling. Baka isa siyang eksperto na nakaasa sa mga koneksyon. Hindi na surpresa na napalanunan niya ang award, pero ang ating head stylist, naghagis siya ng sprat para makahuli ng balyena - siya talaga ang hindi inaasahang panalo!"

"Tama, tama! Narinig ko 'yung chairperson ng fashion association, si Mu Wen Wing, ay personal na inimbita ang ating head stylist He para makisama sa seremonya ng Grand Fashion ngayon. Pinuri niya pa ang mga gawa ni head stylist He noon sa harap ng mga reporter!"

Syempre, hindi komportable si He Jun Cheng nang binanggit nila ang drama serye na ''The Prosperous Dynasty'' na tumapak sa kanya. Gayunpaman, ang matalo sa ganoong klaseng kalaban ay hindi ganoon nakakahiya sa kanya. Isa itong karangalan para sa kanya.

Nang marinig ang mga papuri, masiglang sabi ni He Jun Cheng, "Maswerte na lang talaga na nakuha ko ang pabor ni chairperson Mu!"

Mabilis na pinuri muli ng lahat si He Jun Cheng. "Head stylist He, masyado kang mapagkumbaba. Sa dalawang taon, nakapanalo ka na ng madaming award at inalagaan ang madaming artista para sa kumpanya - paano naman naging swerte 'yon?! Talento at lakas mo ang dahilan kaya ka na sa posisyon mo ngayon!"

Matapos na nilublob ni He Jun Cheng ang sarili sa papuri ng lahat, kuntento siyang bumyahe para sunduin si Shen Meng Qi.

Sa loob ng kotse, nakasuot ng mga designer brand si He Jun Cheng, at nakalulon sa tagumpay, "Meng Qi, ano sa tingin mo? Sabi sa 'yo walang magiging problema, 'di ba? Sino ba siya sa akala niya? Tingin niya na hindi siya kapalit-palit, huh!"

Kahit na maamo ang mukha ni Shen Meng Qi, hindi pa din siya masaya at balisa pa din ito. "Paano 'yung susuotin ko sa International Fashion Week sa susunod na buwan? Maasahan ba kita, huh?"

Nagliwanag ang mga mata ni He Jun Cheng, "Napag-isipan ko na. Habang ang Grand Fashion Ceremony ngayong gabi, 'yung bagong vice-chaiperson, na si Felix, ay nandoon din. Kailangan lang natin siyang handaan ng mga regalo para mahikayat siya at ayain siya sa labas para kausapin at kunin siya para istiluhan ka!"

Inirapan siya ni Shen Meng Qi, naiinis, "Siya ang gold medal stylist ng Worldwide, isang bisita ni Mu Wen Qing, ang vice-chairperson ng samahan ng fashion - parang ganoon lang kadali na kunin siya, eh!"

avataravatar
Next chapter